WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Monday, May 4, 2009

TALDIAP 3: This is it!

(Published May 1, 2009)

Patapos na naman ang aking trip sa Manila. Dalawang araw lang naman kami. 6 AM pa lang gising na at naghahanda na naman para sa pagbabalik sa Intramuros. After our breakfast, karipas na naman kami papuntang Intramuros. Heto na, isang matinding practice ang aming ginawa 8 hours before performance.

Nagkakagulo na ang lahat, pati mga directors kasi mas malawak ng kunti ang stage kailangang mag-adjust din ng kunti. Maraming mga sigaw na naman ang aming narinig. Pero we understand na lang kasi ninenerbiyos rin naman ang mga directors.

After practice balik kami sa dorm para magempake na. Parang kailan lang eh nandun kami. Balik kaagad sa Intramuros. Nagjoin muna kami sa mga palarong ibinigay ng mga resort hotels ng Ilocos Norte. Ilan sa mga kagroup namin ang nanalo ng mga bigating prizes like hotel stay for 3 days. May nanalo pa ng electric fan at blender. At ako nanalo rin ako ng isang consulation prize.
Kahit kaunting araw lang kami, masaya ako kasi nakapunta ang lola at tita ko sa performance, di lang nga nila tinapos kasi nagamamadali sila papuntang SM. Pero mas masaya pa ng mameet ko si Kuya Philip, isa sa mga friends ko sa 100% KP. Siya lang naman ang nakapunta sa mga nainvite kong members kaya malaki ang pasasalamat ko.

Performance na at to the highest level na ang lahat. Nagkaroon lang ng isang technical problem pero all in all successful ang performance. Ayon nga kay Kuya Philip, "... maganda yun nga lang di ko maintindihan ang mga sinasabi ninyo." Kahit pa at least pinuri na kami. At bilang pagpapatunay na maganda talaga ito, may booking na kaagad kami for a show sa Sarrat, Ilocos Norte nung Wednesday. At ngayon bali-balita na na may invitation na rin daw galing sa Laguna. Hayz.... parang isang panaginip lang ang lahat...

Pagkatapos ng performance, naglakad-lakad ako ulit sa Intramuros at dun ko nakita na naman ang mukha ng kahirapan. Napadpad ako sa mga daang di ko inaasahan na ganun pala. For some reason nakakadestruct siya sa view ng Intramuros pero mas mananaig ang awa sa iyo. Siguro wala pa ito sa mga mas depress na parts ng Metro Manila pero bakit ganoon? Mga batang nagkalat, mga matatanda, mga madudungis na tao. Natatakot ako sa kanila dahil siyempre di ko naman sila kilala pero nawala na rin ang takot dahil sa pagkaawa. Mahirap lang kami pero hindi sa ganoong aabot na sitwasyon. Sila ang mga taong kailangang kong matulungan, kahit sa dasal ko man lang. Gusto ko silang mapaglingkuran, makipamuhay sa kanila.

Pagkatapos nito, balik na ako sa sasakyan. Pauwi na kami pero sa aking puso para bang nararamdaman ko na ayoko nang umalis pa. Parang nandito na ang aking misyon after seeing all of that sa gitna ng gabi sa ilalim ng sinag ng buwan. Ano pa kaya yung mas mahirap pa, ano na lang kaya ang aking magiging reaksyon.

Lord, may I love the poor and love to be poor, to serve You by serving them. Amen.

TAlDIAP 2: Gising 24 hours

(Published May 1, 2009)
Hay nakuh, halos 24 hours kaming gising lahat lalo na ako. Wala akong masasabing matinong tulog sa biyahe namin. I like kasi to watch the road while travelling. I cannot really sleep well.
Pagkadating pa lang sa Manila, sa tutuluyan naming dormitory, kain na agad then hindi na rin ako nakaligo sa totoo lang. Nagmamadali kasi ang mga director para makapunta na kami sa Intramuros for our blockings kaya hilamos at kunting basa sa katawan na lang ang ginawa ko para magmukhang fresh.

Pagkadating sa Intramuros diretso sa Clamshell. Doon hayun picture-picture muna with all the tingin-tingin sa paligid. That day was Ilocos Sur day kaya hindi rin kami nakapagblockings talaga. Hay nakuh akala namin may magagawa kami sa maghapon, wala rin lang pala sana natulog na lang kami.

And so while being idle there, naglibot-libot na lang kami muna around Intramuros. Para akong nagbalik sa historic Spahinsh era. Daming matututuhan sa daan. Marami mang mga pagbabago dahil sa modernization I can still see the historic value of the place. Para bang maraming nakatagong history sa mga inaapakan namin that even I have seen a place na di ko inaakala na makikita ko, ang isa sa mga pinakaunang simbahang hawak ng mga Capuchino.

Naglakad-lakad lang kami sa Intramuros and along the walls pa nga. Parang hindi pagod, parang hindi puyat ang mama. Then kinagabihan, pagkatapos ng isang day na nasayang lang dahil wala namang ginawa, pumunta naman kami sa SM para makabili rin naman ng mga kahit ano. Hay bakuh given one hour lang, magsasara na kasi sila. Takbo naman kami, hindi makapakali kung saan bibili. But I was frustrated na wala yung gusto kong bilhin sa St. Pauls. To my frustration, bumili na lang ako ng isang sweater. Hay nakuh.

Uwi agad then, pagkatapos naligo tulog na ako.

TALDIAP 1: From the Church of San Agustin to San Agustin Church

(Published April 27, 2009)
Ha? Ano bang ibig sabihin ko sa pamagat na to? From the Church of San Agustin to San Agustin Church? Binaliktad ko lang ata. But I am not joking about this. I give this as its title because it is symbolic. This is our journey to the Ilocos Norte Day at the Clamshell, Intramuros.

Ano bang symbol ang pinagsasabi-sabi ko? Ganito yun. The Church of San Agustin is more popularly known as the Paoay Church. While San Agustin Church is the one which is seen at Intramuros Manila. Both are World Heritage Sites. I came from Ilocos Norte the home of the Paoay Church and I came to Intramuros the home of the San Agustin Church.

This weekend, we have just came from the historic walled-city of Intramuros to perform for the Ilocos Norte Day of the Regional Showcase of the Department of Tourism. Pinalad ako na nakasama ako sa performers ng Ilocos Norte. Ang College kasi ang kinuha ng Provincial Tourism Office para magperform ng isang cultural presentation featuring a glimpse of our culture na dati na naming ipinakita sa school noon.

Honestly, I was not part of the original cast. Pero dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari napasama ako sa mga performers. My classmate had an task given by our professor pero kasi kung gagawin niya ito magpapakita siya sa mga directors ng shows eh he is one of the casts pero dahil ayaw niyang sumama kaya hindi siya sumasama sa mga practice. Well, he has his own reasons. While for me, okay lang na hindi ako kasama sa cast kasi iniisip ko talaga ang schedule ko kung napasama ako doon. Pero natatakot talaga yung classmate ko na magpakita sa kanila kaya nakiusap siya na kung maaari ako na lang ang magbigay sa ipinapabigay ng professor namin. Okay lang yun sa akin kasi may sasabihin rin ako sa adviser namin sa choir.

Then nakita na ako ng overall director. Tinanong niya bakit hindi nakikipagparticipate sa practice, sabi ko naman eh wala naman po ako sa official list. Then sabi niya I was part of the cast of the performers sa school kaya naman dapat lang eh kasama ako sa cast. Eh di na rin naman ako makapalag kasi nahihiya na rin ako sa kanya. And so I said I want to join.

Hayun, after three days of continuos practices, from Wednesday until Friday morning. Masaya maging part ng isang performing arts group. Ang bonding namin. Waaaaa! Kakamiss silang lahat. What I mean is that marami na kasi sa kanila ang graduate na and so wala na sila sa mga susunod na performances. Lalo pa't we are already incorporated sa troupe na ito na kumbaga masasabi nang pinagsama-sama na ang mga pinakamagagaling sa school.

Friday night we travelled from Laoag to the City of Manila. Sumakay ako sa coaster rather doon sa shuttle bus. Iilan lang kasi ang boys doon sa bus, kakahiya puro mga girls doon. At nasa coaster talaga ang mga katropa ko pati na ang isa sa mga English professors ko. Well, it is a very enjoyable travel. Story dito story diyan. Tapos siyempre kasi andun si Sir kaya naman nakapagusap kami tungkol sa mga bagay-bagay sa English department. Hehehehehe, pakialamero kasi ako eh.

After 10 hours of travel we reached Manila. Para bang nagbalik ako sa bahay eh hindi naman talaga dito ang lugar ko.
ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket