WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Monday, May 4, 2009

TALDIAP 3: This is it!

(Published May 1, 2009)

Patapos na naman ang aking trip sa Manila. Dalawang araw lang naman kami. 6 AM pa lang gising na at naghahanda na naman para sa pagbabalik sa Intramuros. After our breakfast, karipas na naman kami papuntang Intramuros. Heto na, isang matinding practice ang aming ginawa 8 hours before performance.

Nagkakagulo na ang lahat, pati mga directors kasi mas malawak ng kunti ang stage kailangang mag-adjust din ng kunti. Maraming mga sigaw na naman ang aming narinig. Pero we understand na lang kasi ninenerbiyos rin naman ang mga directors.

After practice balik kami sa dorm para magempake na. Parang kailan lang eh nandun kami. Balik kaagad sa Intramuros. Nagjoin muna kami sa mga palarong ibinigay ng mga resort hotels ng Ilocos Norte. Ilan sa mga kagroup namin ang nanalo ng mga bigating prizes like hotel stay for 3 days. May nanalo pa ng electric fan at blender. At ako nanalo rin ako ng isang consulation prize.
Kahit kaunting araw lang kami, masaya ako kasi nakapunta ang lola at tita ko sa performance, di lang nga nila tinapos kasi nagamamadali sila papuntang SM. Pero mas masaya pa ng mameet ko si Kuya Philip, isa sa mga friends ko sa 100% KP. Siya lang naman ang nakapunta sa mga nainvite kong members kaya malaki ang pasasalamat ko.

Performance na at to the highest level na ang lahat. Nagkaroon lang ng isang technical problem pero all in all successful ang performance. Ayon nga kay Kuya Philip, "... maganda yun nga lang di ko maintindihan ang mga sinasabi ninyo." Kahit pa at least pinuri na kami. At bilang pagpapatunay na maganda talaga ito, may booking na kaagad kami for a show sa Sarrat, Ilocos Norte nung Wednesday. At ngayon bali-balita na na may invitation na rin daw galing sa Laguna. Hayz.... parang isang panaginip lang ang lahat...

Pagkatapos ng performance, naglakad-lakad ako ulit sa Intramuros at dun ko nakita na naman ang mukha ng kahirapan. Napadpad ako sa mga daang di ko inaasahan na ganun pala. For some reason nakakadestruct siya sa view ng Intramuros pero mas mananaig ang awa sa iyo. Siguro wala pa ito sa mga mas depress na parts ng Metro Manila pero bakit ganoon? Mga batang nagkalat, mga matatanda, mga madudungis na tao. Natatakot ako sa kanila dahil siyempre di ko naman sila kilala pero nawala na rin ang takot dahil sa pagkaawa. Mahirap lang kami pero hindi sa ganoong aabot na sitwasyon. Sila ang mga taong kailangang kong matulungan, kahit sa dasal ko man lang. Gusto ko silang mapaglingkuran, makipamuhay sa kanila.

Pagkatapos nito, balik na ako sa sasakyan. Pauwi na kami pero sa aking puso para bang nararamdaman ko na ayoko nang umalis pa. Parang nandito na ang aking misyon after seeing all of that sa gitna ng gabi sa ilalim ng sinag ng buwan. Ano pa kaya yung mas mahirap pa, ano na lang kaya ang aking magiging reaksyon.

Lord, may I love the poor and love to be poor, to serve You by serving them. Amen.

1 comment:

bornokyo said...

Wow, sikat na kayo.

Congratulations!

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket