Isang nakakalungkot na naman na balita ang tumambad sa mga local radio ng Ilocos Norte dahil sa balita na isa na namang lalaki ang walang habas na pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan. It happened just yesterday, June 12, mga alas sais ng hapon mismo sa Laoag. Isang abogadong noong 2006 lang pumasa sa bar exams ang pinatay sa pamamgitan ng pagbaril dito ng ilang ulit. We do not know the reason for this but this is another case of extra-judicial killings.
It is not already am unusuall thing anymore here in Ilocos Norte. Nakuh, kung ikaw ba naman ang nakatira sa isang probinsya na kung saan halos every morning na lang may mababalitaan kang binaril. Common na common na ata yan. Ito ang nakakatakot sa probinsya, para bang naging nakagawian na na kapag meron kang kaaway ang sagot lamang dyan upang masolve agad ay ang pagpatay na sa kanya.
Pugad na ba ang aming probinsya sa mga ganitong serye ng pagpatay sa mga tao. Nakakatakot na nga. Sa hometown ng roots ko mismo ay maraming kaso na nang binabaril ng walang anuman. Kung ganito ang nangyayari sa isang probinsya ng bansang ito, hindi ba sumasalamin na rin ito sa pangkabuuang sitwasyon ng ating bansa? Hindi maipagkakaila na ganito rin ang nangyayari sa ating bansa, sa dami ng mga extra-judicial killings ni isa wala pa atang naresolba.
Bukod dito ang mga pinapatay karamihan ay yung mga tagapagpahayag ng katotohanan, mga taong nagserserbisyo at nagsasabi lamang ng katotohanan gaya na lamang ng mga journalist. Hindi nakapagtatakang isipin na labeled na ang ating bansa bilang isa sa mga most dangerous country for journalists. Ganito kagulo ang ating bansa, pinapatay ang mga mamamayang walang kalaban-laban.
Sabi ang isang tungkulin ng isang estado at ng pamahalaan ay ang pagpapanatili ng peace and order ng isang bansa. Well, may mga pulis naman tayo mga sundalo na mga tagapag-enforce ng batas para sa kaayusan. Pero papaano kung sila pala ang may dahilan ng kaguluhang ito?
Sa ating bansa, napapanatili pa ba ng pamahalaan ang peace and order? Malaking suntok ito sa pamahalaan. Tapos nandito naman ang mga taksil na mga maka-administrasyon na trinaydor ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpasa sa Resolution 1109 para sa Con-Ass. Nagkaroon sila ng panahon para ipasa ito ngunit di man lang nila maaksyunan ang mga extra-judicial killings. Mga mahahalagang suliranin ito ng bayan compared sa Con-Ass na iyan ngunit ano ang ating napapala mula sa pamahalaang ito kundi ang pagiging sakim ng iilan upang mapanatili nila ang kanilang mga kinauupuan. Mga corrupt nga sila! Corrupted na ng kapangyarihan.
The people first, being the most important in the state not for the unworthy people who are sitting right there doing nothing but to represent there own interests in what should be is the assembly of the people!
Magising na tayo kaibigan. Tama na ito. Pagbabago ang kailangan sa bansang ito.
NO TO CON-ASS! YES TO SOLUTION TO POVERTY, EDUCATION, EXTRA-JUDICIAL KILLINGS, ETC.!
No comments:
Post a Comment