WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Sunday, May 4, 2008

Goodbye na ba ito?

Kahapon for the first time sa tatlong taon kong nakikisimba tuwing 7:30 Mass sa Cathedral iba ang paring nag-Misa (except kapag ang Bishop ang nag-Misa). Nabigla lang ako na wala siya kahapon kasi nasanay na akong siya ang nag-mimisa tuwing 7:30 (standard time ko hindi maaaring earlier or later, except kapag may gagawin talaga sa time na ito).

Sadly last two weeks na noong huli niyang Misa na nandoon ako. Kasi noong Sunday last week hindi ako naka-attend ng Mass wala kasi ako sa vicinity ng Laoag. I'm on a vacation. hehehehe... Pero parang yun na ang huling pagkakataon na nakita ko siya sa Cathedral.

By the way ang priest na sinasabi ko ay ang favotite priest ko si Fr. Rodel Arrellano, SVD, Father President ng Divine Word College of Laoag (DWCL). Kung nabasa man ninyo sa mga unang post ko (kung may reader man ako, hehehehehe...) siya lang naman yung priest na palaging ginugulo ng baliw na mama sa Cathedral every Sunday kaya palagi siyang upset sa Misa for three years. Sa last na na-attend kong Mass niya nandoon na naman si mamang baliw. Gaya ng dati nanggulo na naman siya sa Misa. Hindi naman matindi noong Sunday na iyon kasi pumunta lang namam siya sa harap noong Homily at pagkatapos tinapik si Father. Syempre si Father naman ay talagang napupuno na rin sa kanya kaya kahit nasa kalagitnaan siya ng Homily eh tinapos na lang niya... Pero ipinagpatuloy na lang niya sa end ng Mass...

Last week naibalita na sa local radio station ang about sa mga panggugulo ni mamang baliw dahil nasaksihan mismo ito ng isang journalist. At ayon naman daw sa mga developments eh nakipagugnayan na ang Parish Administrator namin, si Msgr. Polly Albano sa Mayor at nangako raw naman ang Mayor na paiimbestigahan na ang baliw na mama.

Sayang nga lamang at hindi ako nakapunta noong last week sa Mass niya, hindi ko nasaksihan kung ano ang mga nangyari.

Basta kahapon wala siya kaya nanibago ako. Ang pumalit muna sa kanya ay isa ring SVD pero iba kasi yung style niya (mapili ako no). Pagkatapos sa Misa sinabi niyang wala ngayon ang ibang mga SVD Fathers at siya lamang ang naiwan sa Laoag. Di ko lang narinig ang nangyari kay Fr. Arrellano kasi di maganda yung speakers kahapon mahina pero ang malinaw na narinig ko ay may mga bagong SVD Fathers na ma-dedestino na sa Laoag at isa dito ang dating President ng DWCL.

Therefore, nadestino na rin sa ibang lugar si Fr. Arrellano. Goodbye na ba ito? Wala na ba ang favorite priest ko? Ganun talaga ang buhay hindi naman maaaring palaging sa Laoag si Father. Mas mabuti na rin yun na nadestino na rin sa ibang lugar si Father para hindi na siya guluhin ni mamang baliw.

Goodbye Father kung gayun man! Pero magkikita pa rin tayo someday!

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket