Gaya ng pagkakaalam ng ilang tao ako po'y nasa bahay lamang tuwing Martes, Huwebes at Sabado ngunit ngayong araw na ito, Huwebes, nag-move ang mga schedules dahil sa mga di inaasahang pangyayari kaya wala ako ngayon sa bahay kundi naririto ako at abala sa pag-cocomputer...
Sa mga araw na nabaggit usually nagsisimula ang araw ko six ng umaga o mas maaga ng kunti... Pagkatapos mag-agahan deretso ako sa labahan... Hindi ako nahihiya na sabihin ito ngunit ako po ay isang dakilang human washing machine, labandero na lang, sa mga araw na nabanggit... Opo lahat ng mga damit na nagamit ako ang naglalaba... May washing machine naman pero once in a blue moon kung gamitin ko, tuwing di ko trip mag-kamay sa paglalaba, para makatipid sa kuryente at makabawas sa global warming (nakaaapekto kasi sa greenhouse gas release ang paggamit ng dryer)... At saka mas malinis ang handwash kaysa machine wash... Mabigat siyang gawain as in lalo na kapag ang kamay mo ay marami nang mga sugat... Palagi kasing nahihiwa o kaya'y napapaso ang kamay ko... Mabigat siya kasi nagkakanda-kuba ako sa pagyuko...
Pero kailangan gawin para the next day payagan akong lumabas ng bahay...
Pagkatapos ng mga paglalaba freet time na ako... Wala nang gawain... Kaya kung minsan nagbabasa, natutulog, etc. lang ang ginagawa ko... hehehehe...
Pero noong nakaraang Martes dahil wala na talaga akong magawa nakaisip ako ng isang gawain...
Saktong may nakatabing maliit na cut ng kahoy (mula sa branch ng puno ng Sampaloc) na pagmamay-ari ng kapatid ko... Drafting student kasi siya at syempre mga letterings ang ginagawa, eh isang project nila ang maglettering sa isang cut ng kahoy kaya may isang naitabing di niya nagamit... Syempre ako may pagka-artistic din kung minsan dahil ako rin ay drafting student back in high school (pareho kasi kami ng kapatid kung nasa vocational high school ng kapatid ko)... At noong high school palagi akong naka-tambay minsan sa handycrafts class nanood sa mga gawain ng mga babaeng classmates ko... Kaya nagkaroon din ako ng mga idea kung paano mapapkinabangan ang mga bagay-bagay sa paligid...
Back to our story... Yun nga kinuha ko yung kahoy... Nag-isip ng mga design na maaaring i-lettering... Eh naalala ko part na pala ako ng Confraternity of Catholic Saints... At kailan lang inaprubahan ang aking request para sa isang religious name... Kaya iyon ang mga naging theme ng aking design ko...
Drafting student man ako, inaamin ko na hindi talaga ako ganun kagaling sa pagleletering at pag-drawing kaya dahil mas magaling ang nakababata kung kapatid na babae nagpatulong ako...
Ito ang kinalabasan... hehehe matuwa na dyan ang mga members ng CCS pero mahirap kasing mag-drawing sa kahoy... Pasensya na tao lang... I did my best.... sabay kanta...
Ito pa bilang memorabilla ng aking pagiging part ng CCS... Ang aking religious name, sorry po blured ito kasi wala dito yung software ko upang mag-edit ng pics, na PETER FRANCIS MARIA OF THE HOLY ROSARY AND OF THE HOLY CROSS ang nasa other side ng kahoy...
Pasensya na blured talaga... Ako gumawa ng pangit na design... hehehe... Basta yung Peter Francis Maria of the Holy Rosary ay kulay blue kasi kulay yan ni Mama Mary... Tapos yung and of the Holy Cross ay ginawa kung parang cross at napapalibutan pa rin ng tweleve stars katulad kay Mama Mary...
Mas maganda pong tignan yung tunay kaysa yang nasa picture...
Ganito ang aking mga kabaliwan kapag walang magawa sa bahay gumagawa ng mga bagay-bagay mula sa mga patapong bagay... ang daming bagay sa sentence...
Be creative... yan ang isang titser, creative palagi... Para kahit naka-manila paper technology lang siya magagawan pa rin niya ng paraan... hehehehe...
No comments:
Post a Comment