WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Friday, October 10, 2008

Last Day of the Semester: Semestral Break na!

Technically, tapos na ang aking semester pero reality dictates na hindi pa tapos kasi I have two exams pa sa Monday... History and English 102... Tapos na ang other test ko at it seems fine pa rin naman ang aking mga scores... Come what may, tapos na ang aking pagkakataon para ipakita ang aking kagalinang kahit pa anong gawin ko wala nang magagawa... Tanggapin na lang ang magiging resulta...

Matinding issue ngayon kung sinong matitira sa aming mga English Majors... Issue ito lalo pa't kami lang ang may screening sa lahat ng mga Majors... Ako hindi talaga ako nag-aalala ng ganun kasi matatanggap ko kung ano man ang conviction ng mga English Professors ko... Nakikita naman nila kung sino ang mga karapat-dapat at hindi... Alam nila kung isno ang mga nagsisikap at mga taong ginagamit lang ang Major na ito... Mahirap pumasok sa Major na ito... Opo maaaring sabihin na Education lang naman... pero ang lahat ng mga kurso ay may hirap... Walnag superior at inferior... Mahirap siya lalo pa't ang ituturo mo someday is Language and Communication... Gaya nga ng sabi ng mga Language Scholars tulad ni Noam Chomsky, Langauge is not taught but learned... Therefore the role of Language teachers are not to teach the language but to help them learn it the easy way... Kung sino ang maiiwan nasa kamay na iyan ng mga Professors namin...

Tapos na ang semester ko na naging memorable sa akin kasi maraming mga luha ang ipinatak ng mata ko dahil na rin sa katangahan ko... Opo, inaamin ko napakatanga ko pagdating sa pag-handle ng pera... Imagine para ko lang itinapon ang 2000 sa loob ng dalawang buwan... Nawala ko ang lahat ng ito... Pero ganito talaga ang buhay I need to lean something from this... Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung papaano ako naging napakatanga...

Tapos na rin ang paghihirap ko sa mga subjects na di ko sukat akalain na itatake ko... Gay na lang ng Iluko Litereature ang Language... Diyos ko po hindi naman sa dahil ako'y hindi fluent sa vernacular ko pero nakaka-nosebleed kasi talagang pinag-aralan namin ang grammar ng Iluko language... Pero dahil sa subject na ito mas natuklas ko ang aking pagiging Ilokano... My rich heritage, my beautiful community, and our historical past... I can say proudly that "Ilokano daytoy ading!"

Tapos na rin ang sem kung saan nagawa ko ang mga bagay na di ko inaasahang magagawa ko... Like ng pagbuhay ko sa tamang gawain ng CABSAT... Ngayon it is a working organization already sa school... Kahit I am only holding 64 members, okay lang yun... Basta ang importante we are doing our job to respond to the spiritual needs ng mga students... Dahil na rin dito hindi ko inaasahan na pwede ko palang paglapitin ang MMSU sa Diocese through the Outreach sa Adams... Tapos na ang aking collection period at magreremit na ako ng pera sa Tuesday... Kahit kunti lang naman yung na collect okay lang in the sense that we are not a Catholic institution anyway, buti nga at may tumulong pa rin... ang exact perang nakuha ko is 1234... gandang amount 1234...

May recollection din sana ngayong sem break namin pero I needed to cancel it at ipapa-December ko na lang, gahol na kasi sa time ng preparation at I need to consider na marami sa mga students na sasai ay uuwi na rin sa mga bayan nila... Well, I have the power anyways, I need not to worry...

Sana maging maganda ang resulta ng 1st sem 2nd year ko at ako'y nakatingin na ng buong tapang at paghahanda pwa sa susunod na semester... Gagalingan ko para na rin sa mga taong nag-eexpect ng malaki sa akin... At isa pa ang lahat ng aking pinagdaraanan ngayon ay malaki ag maidudulot sa panghinaharap kong gawain...

Goodbye sa mga matatanggal at kung ako man ay isa sa kanila... Good luck and God bless naman kung matitira ako...

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket