WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Friday, October 24, 2008

Nagkaroon ba ako ng Sembreak?

From October 11 to November 2 ang nakatakdang semestral break ng University... Wow, napakasarap sanang magpahinga na muna mula sa mga gawaing nakakapagod hindi lamang ng katawan kundi pati ng isipan...

First week pa lang ng sembreak wala na, tapos ang sana'y mga maliligayang araw ng sembreak... Paano ba naman requirement mo para makapag-enroll ka is matapos mo ang mga FS at AR ng Student Council for the previous sem... Walang magagawa kundi tulungan ang aming Treasurer at Secretary... Pero okay rin lang naman kasi kukunin rin lang naman ang mga clas cards na matataas syempre ang grades... Ako pa, syempre College Scholar na naman ang lolo... Syempre na nangangarap pa rin naman ako ng Latin Honors pagkatapos ng degree na ito...

Ngayong second week, hay nakakapagod ang week na ito... Ikaw ba naman ay enrolling officer... Naku 8 hours ka na ngang naka-duty sa pangongolekta ng mga provisional fees na halos magkanda hilo-hilo na kami sa pangongolekta pagkatapos niyan isang oras pa ng auditing na halos hindi magkatugma-tugma ang mga pera... Buti na lang at palaging sobra ang pera na aming nakokolekta... Kanina lang natapos ang aking enrollment... Hay, nakakapagod napakaraming step... Pero nakapagpapangiti pa rin sa akin kahit ako'y pagod na ang general weighted average ko ngayong sem na ito ay 1.597... At least fighting pa rin naman ang average... I'll try rin naman na mkuha ang 1.45 gwa next sem para maging University Scholar ang lolo... Bukas, mag-aatend ako ng di ko malaman kung seminar, symposium, or training, o baka naman ay isang program ng Youth for Christ sa LHS Gym... Syempre kahit hindi po naman ako YFC dahil alam naman ni Dr. Resurrection Mateo na pareho kaming religious, ipinadala niya ako doon total pwede rin ang mga hindi YFC members... At the same time kukunin ko na rin ang chance para makagawa ng bagong article for CBCP News...

Next week, puno na ang schedule ko... Monday resume ako sa aking post bilang enrolling officer... Sa Tuesday and Wednesday, pupunta na ako ng Adams para sa Outreach ng Diocese of Laoag... Thursday or Friday, I will meet ang isang mahalagang tao doon sa Mangato... Then Saturday, All Saints Day... Hay napakaraming mga gagawin... Wala na akong time pa para mag-relax... I ave only Sundays... Okay lang... Worth naman kasi puro service ang aking ibinibigay...

Gusto ko rin ang life na ganito yung palaging maraming ginagawa... Ayoko nung palaging naka-upo lang at naghihintay ng wala... Well, balanced pa rin naman kahit ganito ang aking mga ginagawa... Syempre una pa rin si Lord, ang aking mga nagagawa ay dulot ng pagtalima ko sa kanya...

At nawa'y wala sanang mga taong maging sagabal o kj sa aking mga ginagawa... Sana di na ako maka-enconter pa ng mga nambibwisit ng araw... Nahihigh blood tuloy ako... Hay, hinay-hinay lang Mark huwag kang magagalit... Just smile always...

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket