It started with an invitation from my Adviser sa Chorale Society namin sa school. Why not naman sabi ko kay ma'am. Total Katoliko naman ako at sa Cathedral naman yan. At saka buhay ko naman ang pagkanta. I accepted the invitation to join the Cathedral Choir, the official Choir of St. William's Cathedral Parish, Diocese of Laoag, headed by the Bishop mismo, Bp. Sergio L. Utleg.
Ang sabi ni ma'am eh parang may kaunting audition in front of the Bishop bago ako maging official member. I waited for the Bishop to come for the audition. Meanwhile, ang first piece sa practice ay ang Hallelujah-Messiah ni Handel. Tatayo talaga mga balahibo mo kapag narinig mo ang kantang ito. Well, mahirap siya ng kunti kasi matataas na nota ang sa tenor. Mahirap abutin ng kunti.
Then Wednesday, January 28, 2009, dumating na ang Bishop. Audition time na, nanginginig ako ng kunti kasi siya mismo ang tumitipa sa piano. Hala, baka magkamali ako. Nakuh naman ang hina ng pagtugtog ni Bishop nalilito ako ng kunti. Then, buti na lang at nakapasa ako, I retain my voice range as tenor. I am officially a choir member. For the first time I committed myself for a ministry in my parish.
Di man ako nasa tabi ng pari sa Misa, di man ako katulong niya, ang katotohanan kung walang choir walang maglelead sa sacred music which is part of the Mass. hehehehe... This is the music ministry.
Ngayon, abah may natuklasan ako si Bishop napakagaling palang Choir master. Nakuh naman talented, akala ko eh pagiging Obispo lang ang inaatupag niya. Napaka-active gabi-gabi na nasa practice at siya mismo ang nagtratrain sa aming mga tenor at base. Kung minsan kung wala ka pang kasama eh one-on-one pa. Hay nakuh kailan lang ng ma-turn off ako sa kanya pero ngayon well kahit pa ganun ang nangyari between us eh kahit anong gawin ko kailangan ko siyang mahalin kasi Bishop ko siya.
Every Feb. 1 nagsisimula ang celebration para sa pista ng aming patron na si San Gulliermo Hermitanio (St. William the Hermit). Happy Fiesta sa amin! Mas kilala ito sa Pamulinawen Festival.
No comments:
Post a Comment