It was on the afternoon ng January 1, 2009. Di kasi ako nakaattend ng Mass for the New Year kasi umuwi kami sa lola ko para dun magcelebrate eh may kalayuan at wala namang malapit na simbahan. At isa pa di ako pinayagan ng mga magulang ko dahil syempre baka maputukan pa ako.
Umaga palang ng New Year’s Eve eh nararamdaman ko na ang panankit ng mga muscles ko sa aking mga hita. Pero dahil magbabagong taon I decided na ako na lang ang maglalaba lahat ng mga maruming damit. Syempre kasi yan lang naman ang talagang ginagawa ko palagi at ako talaga nakatoka that time. Nagbagong taon na at nagsimula na rin manakit ng kunti ang aking mga braso. Pero okay lang yan sabi ko kasi nanakit pag minsan ang mga braso at hita ko pag napapagod ako.
Kinaumagahan, talagang nanakit na sila
Then yun nagpahatid ako sa mga magulang ko sa bayan. I decided na maglakad na lang kasi malapit lang naman talaga. Then sa isang crossing I tried to run to cross the street kasi syempre may mga sasakyan. At nung tumakbo na ako na-out balance ako mismo sa gitna ng daan. Then I tried to get up pero wala akong lakas na tumayo. Kaya yun nabahala na mga nakakita at nagpatulong ako sa isang driver. Sakto naman na dumaraan yung cousin ko kaya naman tinulungan niya ako. Inihatid niya ako sa
Nagumpisa na ang Mass at pinapansin ko ang mga binti ko yun kapag ifold mo eh nanginginig mga muscles at parang matutumba ka. Kaya sa duration ng Mass hindi ako lumuhod. Umupo na lang ako at nakayuko ng kunti ako. Nagdadalawang isip na ako nun kung pupunta pa ako sa communion. Yun sinubukan ko pa rin. At sa awa ng Diyos nakalakad ako at nakabalik pa sa upuan. Natapos na ang Mass at nagmano na ako sa Bishop at sa mga Carmelite Sisters. Uuwi na sana ako pero nung nasa pagitan na ako ng gate ng Carmel at ng Bishop’s Residence, magkapitbahay kasi sila, hayun na-out balance na naman ako. At hayun na hindi na talaga ako makatayo pa on my own. Nakita ako ng mga ale at tinanong kung napano ako eh yun sinabi ko na hindi ako makatayo. Ang mahirap dito masakit na rin mga braso ko kaya di ko kayang tulungan ang mga paa ko para at least eh makaupo ako dun sa gilid. Sinubukan ko talaga na makaupo para di mapansin na na-out balance ako.
May pangyayari with the Bishop dito but I decided to keep it na lang. Basta ang alam ko eh mabait siya.
Then dumidilim na that time at magsasara na pati ang Carmelite Monastery. Kahit gustuhin ko mang magtext
Hayun nag-usap muna kami ni Sr. Marla, nakita rin ako ng mga kasamahan niyang mga madre, Sr. Luz, OCD at Sr. Pheobe, OCD. At yun tinanong nila kung anong nangyari.
Dumating na mga magulang ko at tumuloy kami sa provincial hospital dahil yun ang pinakamalapit pero nagalit ang aking mga magulang dahil sa serbisyo nila. Matagal na ako dun pero di pa ako inaasikaso. Di man lang kinuha ang pangalan ko pero tinurukan na ako ng gamot. Kaya we decided to go home para pumunta na lang kami sa doctor kinaumagahan. Hayun from January 2 – 5 nakakulong ako sa hospital. Maraming test ang ginawa at ang diagnosis:
HYPOKALEMIA PERIODIC PARALYSIS
Or Lack of Potassium in the body na nagging dahilan ng panghihina ng aking mga muscles at nagparalyze sa aking mga paa. Sabi nila mapalad pa ako dahil hindi pa yun yung pinakagrabe at naagapan pa. Kasi kung hindi naagapan baka maparalyze buong katawan ko.
Kaya heto ako ngayon nagiging unggoy na ata sa kakakain ng saging. Basta rich in potassium ang aking dapat mga kainin. Less carbohydrates na iwasan pa raw mga pasta at ito nakakalungkot pero hindi na nila nirerecommend pa ang softdrinks sa akin dapat raw kung maaari eh Gatorade na lang daw ang maging tubig ko. Hay nakuh nakakalungkot naman ang buhay.
Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagdasal para sa akin.
Nagpapasalamat ako sa mga Discalced Carmelites na siyang tumulong sa akin.
Nagpapasalamat din ako sa mga Fraters at Scholars ng Confraternity of Catholic Saints lalo na kay Fra. Dave, ccs at Fra. Lloyd, ccs.
Nagpapasalamat din ako kay Rickxander, na walang sawa sa pakikinig sa akin ng nasa ospital ako through text at sa aking Kuya Angelo, aspirant sa OFMCap.
At pinasasalamatan ko rin ang aking kuya-tatay Bro. Jeamboy, OFMCap. Salamat sa pagdarasal ninyo.
MARAMING SALAMAT
Note: Next time na ang mga realizations ko.
2 comments:
Hello po kuya, nice blog you have here. recommend ko lang po sana maglagay kayo ng CBOX sa blog nio para makapagleave agad kami ng comment sa page nio po.. I'm grabbing the PP JPII intercession prayer, I'm one of his avid devotees. Santo Subito!
Halos Mag kapareho tayo nang
Story May Diagnosis din kasi ako
nang (HPP) o Hypokalemic periodic paralysis
pero bat sayo HYPOKALEMIA.? relate.
Post a Comment