WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Saturday, February 21, 2009

Call of Duty: Emergency Altar Server

Bilang paghahanda ng aking Elementary Alma Mater, Shamrock Elementary School, sa ika-100 anibersaryo nito sa December 2010, nagkaroon ng isang Kick-off kahapon. Syempre pinakaunang ginawa ay ang isang Eucharistic celebration which was presided by our bisop, Laoag Bishop Sergio L. Utleg.

Bishop ang presider eh kaya ako naman syempre attend ng Mass. Akala ko pagdatin ko sa school eh makakakita na ako ng mga batchmates ko pero wala atang nakarating. Magreregister na sana ako pero I refused at naghintay muna ako sa labas ng school para maghintay ng mga batchmates. Pero wala talagang dumating, mukhang nag-iisang batch 2003 akong nag-attend. Kaya I planned na attend lang the Mass then uwi na ko.

Because I was just waiting outside eh sabi ko sa sarili ko I will just wait for the bishop bago ako pumasok. Hinintay ko nga siya. At dumating na siya nakasakay sa kanyang kotse na siya mismo ang nagdrive. Wala siyang kasama. I informed mga teachers na dumating na ang Bishop. Hay nakuh parang di nila alam ang sumalubong sa bisita. Kaya ako na ang nag-open pa sa gate para maipasok ang kotse ni Bishop. Naku ang mga teachers talaga walang kibo kaya para walang masbi si Bishop eh ako na lang sumalubong at tumulong sa kanya sa pagbuhat ng mga gamit.

Hayun, mano kaagad ako. Tapos tinanong niya kung taga-doon ako sa sa school then I said that I graduated from this school. Then I ask him kung may maitutulong ba ako. Hayun, tinulungan ko na lang siya sa pagbuhat sa bag niya na ang laman ay ang mga gagamitin sa Mass. Then the teachers with some alumni started to greet the Bishop. And so we lead him to the quadrangle of the school for the Mass.

Hayun, kwentuhan muna kami. He said that its his first time sa school and he said that maganda pala ang loob ng school. Hayun kwentuhan pa rin. Then we were at the quadrangle na. And syempre tulungan pa rin siya sa paghahanda sa altar. Then habang naghahanda, naku di ko na inexpect ang mga sumusunod na pangyayari.

The Bishop told me na magserve ako sa Mass. Naku ALTAR SERVER daw ako??? Ha??? Sabi ko sa kanya hindi naman ako Altar Server, Choir Member lang. hehehehe. Pero sabi niya madali lang naman gagawin ko, iabot lang ang mga gamit, magbell at tulungan siya sa offering. Hay naku, I cannot say no naman sa Bishop kaya pumayag na lang ako kasi mukahang madali lang naman. At saka naoobserve ko naman ang mga ginagawa ng mga server sa simbahan.

Hayun, I tried my best to do the job. Ganun pala maging altar server, I enjoyed it. Tagumpay di naman ako pumalya. hehehehe. Pagkatapos ng Mass pinagkamalan na talaga ako ng ibang teachers na kasama ako ni Bishop kahit alam nilang alumnus ako. Okay lang yun I'm glad to help the Bishop.

Pagkatapos ng Mass syempre iligpit na mga offerings kaya we put pa mga offerings sa kotse. Then may salu-salo ng kunti. Nakuh eh di automatic na na invited ako. hehehehe. Then hayun habang kumakain ako lumapit ang principal at nakitang wala akong cake. Sabi niya kukuha raw siya para sa akin, ako naman pahumble na pakipot ng kunti, sabi ko wag na lang po. Pero kumuha pa rin. hahahahaha. Nagserve ang principal para sa akin. hahahahaha. Parang hindi ako namukhaan, nakakahiya. Alam naman nila na apo ako ng isa sa mga dating teachers at apo ako ng dating supervisor ng DepEd Laoag. Naku di ako namukhaan. Kakahiya talaga kay principal na nagserve pa para lang sa akin.

Hayun natapos na ang pagkain ng Bishop kaya aalis na siya. Binuhat ko na ulit ung bag niya and the Missal. Naglakad na kami papunta sa kotse. At bago siya umalis nagmano muna ako. Then he asked my name. Eh di sinabi ko naman Mark po.

Then kaninang umaga (Monday morning, Feb 23) si Bishop ang nagmisa sa Carmel (everyday ako dun pag weekdays). After the Mass nagmano ako then. Sabi ko "Good morning Bishop." Then sabi niya "Good morning Mark." Ha, ngayon kabisado na niya ang pangalan ko. hehehehe.

Ang Shamrock ay isang school founded by an Irish Missionary in the American Period. Eventually, it was turn over to the government kaya naging public elementary school. Shamrock ang isa sa mga naging school ni President Marcos nung nasa elementary siya. Nag-aral siya ng grade 2 nung ang kanyang ama ay isang principal/supervisor sa Laoag (i'm not sure sa work ng ama niya basta related sa education). Hanggang ngayon nakatayo pa rin ang building na naging room ni Marcos. Then, nag-aral din si Archbishop Orlando Quevedo, OMI dito from his grades 1-3 bago sila lumipat sa Mindanao. He is the then Archbishop of Nueva Segovia (Vigan) and now the Metropolitan of Cotabato.

2 comments:

Chiz said...

Akala ko ang shamrock ay banda hehehehe

RLF said...

akala ko nman ang shamrock ay isang halamang namumulaklak, simbolo ni st.patrick... hahaha

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket