Ito ang aking naging reflection sa anluwage.com sa The Seven Last Words 2008 special noong Holy Week. Sa totoo lang nahirapan din ako para makabuo talaga ng isang magandang reflection kasi I need to read talaga kung paano ang attack ko.
But let us leave that thing. Lumipas na naman ang Holy Week. Back to school na naman para sa mga requirements. Ngayong linggong ito aking napagtanto ang connection ng "It is finished" sa mga paghihirap ko sa school.
Ilang araw na rin akong naghihintay ng magandang balita para sa mga requirements ko sa school. At ngayon "it is finished!" Yes tapos na nga ang lahat. Tapos na kasi ang pinakahuling requirement ko para sa sem na ito.
Tapos na ang NSTP - CWTS na course. Ilang araw rin akong kinakabahan kung ano ang mga gagawin namin sa pag-defense para sa aking group. Akala ko pa naman ako ang pasasagutin ng mga sagot being the leader. Pero hindi naman pala. Halos sumagot lang ako para sa mga absent ng mga ka-group namin.
Thank you Lord. Tapos na ang lahat para sa sem na ito. Class cards na lamang po ang aking hinihintay. May dalawa na ako dito. Yung isa hindi ko gusto ang nakasulat pero yung isa okay na rin kasi ako naman raw ang binigyan ng ganoong grade, highest pa raw...
Next sem kung papalarin, second year college na ako... My target for my life is to graduate in three years... Malapit na...
No comments:
Post a Comment