WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Saturday, March 29, 2008

Third Death Anniversary of John Paul II: Isang Himala...

Tatlong taon na rin ang nakakalipas ng pumanaw ang pinakamamahal nating John Paul II. Abril 2, 2005 noon sa oras na 9:37 PM sa Vatican at 3:37 AM naman sa Pilipinas nang April 3. April 2, isang araw bago ang Divine Mercy Sunday.

Divine Mercy Sunday, una kong ginawa noon ay tumutok sa TV ewan ko nga ba eh ang dapat kong gawin ay pumunta kaagad sa Simbahan. Nararamdaman ko kasi ang isang kalungkutan sa aking puso. At dahil Kapamilya ako, syempre ABS-CBN at una kong titingnan. At bumulaga sa akin ang balita ng pagkamatay ni John Paul II. Gusto kong umiyak noon pero hindi ko magawa. Malungkot talaga ako hindi ako makapagsalita sa aking napanood. Ngunit gabi pa lang bago ako matulog noon, parang nararamdaman ko nang malapit na ang oras niya.

Hindi na ako nakapunta pa sa Simbahan, nakatutok talaga ako sa mga pangyayari, sa isang malungkot na pangyayari. Nalulungkot ako dahil wala na ang aking pinakamamahal na Papa. Hindi ko man natunghayan ng mabuti ang kaniyang pamumuno sa Simbahang Katolika ngunit dahil sa karisma niya isa siya sa mga naging inspirasyon ko upang maging mas malapit sa piling ng Simbahan at sa Diyos.

Napamahal siya sa akin dahil sa kakaiba talaga ang kaniyang karisma. Napaka-holy niya. Bagay talaga sa kaniya ang kaniyang titulong Santo Papa. Kaya ako'y natutuwa ng pagkatapos lamang ng ilang araw simula ng siya ay ilibing napasimulan ang kanyang Cause for Beautification and Canonization.

Simula noon sa abot ng aking makakaya sinusubukan kung kumuha ng mga bagay na makakapagpa-alala sa kaniya. Everytime na mag-iinternet ako noon palagi akong kumukuha ng mga images niya (first anniversary hanggang ngayon). At bilang pagpapakita ko ng lubos na pagmamahal ko sa taong ito ang Friendster account ko at pati na rin dito sa multiply ang wallpaper ay siya. Pagkatapos niyan niregaluhan ako ng friend ko ng isang calendar na siya ang ipinoportray (first anniversary pa rin). At bumili rin ako ng biography niya by George Weigel na hanggang sa ngayon hindi ko pa natapos basahin dahil sa kakapalan nito (second anniversary). At recently lamang dahil talagang gusto kong magkaroon ng mga bagay na makakapagpaalala sa akin sa kaniya bumili ako ng gift para sa aking sarili, ang John Paul II rosary ko (para sa third anniversary niya).

Ngunit ngayon, may napapansin ako sa aking biniling rosary. Tingnan ninyo ang larawan ng case ng aking rosary. Iyan ang normal na makikita mo noong ilang araw pa lang na nabili ko ito. Ngunit ngayon habang papalapit ang kanyang death anniversary kung titignan mo ito may makikita kang kakaiba. Sa ulo niya kasi hanggang sa neck part niya sa likod kapag itinapad mo sa liwang makakakita ka ng parang nag-gloglow na kulay yellow. Parang yung sa mga santo, may halo. Baka dumi lang siguro sabi ko pero nilinis ko naman at ganoon pa rin hindi naman siya matanggal. Ano kaya ito? Himala ba ito? Dumi lang ba ito? Unremovable stain ba ito ng metal case? O nagkataon lamang?

Kung ano man ito basta siya pa rin ang aking inspirasyon. Kung pinaghihimalaan man niya ako ikinagagalak ko ito.

Ionnes Paulus PP. II, ora pro nobis

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket