WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Friday, March 14, 2008

Nakakatawang College Experience...

Ang Kaso...

Kahapon, nai-set ang aming final exam sa English 101 (Introduction to Linguistics). Napaka-late nga dahil 4-5 ang test. Ready na ang lahat at dumating na si Sir Antonio, ang teaher namin at the same time Students Activities Coordinator at kilala siya bilang istrikto pagdating sa mga rules ng University.

Sabi niya lumabas na lahat ng walang permit, naka-incomplete uniform at iba pa. Eh ang suot ko naman ay inaakala kung complete uniform pa rin naman. (Ang nasa picture yan mismo ang aking suot kahapon) Nag-inspect mismo siya sa amin at hindi naman niya ako sinita kaya ang akala ko pwede pa rin akong mag-take ng final exam. Nag-test na ako. Natapos ko na hanggang item no. 10, nasa second page na ako ng napakahirap na test ni Sir. Biglang pumasok si Sir at sabi niya, "Where is Mark Rodney P. Vertido?" Akala ko naman may tatanungin lang siya tungkol sa aming Accomplishment Report at Financial Statement ng Freshmen Class Organization being the Class Governor.

Siyempre tinaas ko naman kamay ko. Then sabi niya, "You're not in your proper uniform, please give me your paper and you can now go out! Apay di ka naka-slocks? (Bakit hindi ka naka-slocks?)" Na-shock ako. Binigay ko yung paper ko dahil ayoko namang pagalitan pa mismo ako ni Sir.

Lumabas na ako, syempre biglang-bigla pa rin sa pangyayari kasi normally naman hindi sinisita ang mga nakapantalon kapag naka-type B uniform. Wala naman akong magawa. Marami rin naman kaming napalabas, kasama na diyan ang aming University Scholar. Tinanong namin kung kailan ang special test tapos sabi niya pag-iisipan pa niya kung magpapa-special exam siya.

Na-realize ko rin...

Pagkatapos ng test kinausap namin si Sir. (In tagalog na lang kasi the dialogue was in Ilokano)

Sir: Why are you here!

Kami: Sir, kami yung pinalabas mo sa test.

Sir: Ay, wala akong pinalabas ni isa sa test.

Kami: Sir sabi mo lumabas na yung mga naka-incomplete uniform.

Sir: Ako ba ang nagpalabas sa inyo?

Nung sinabi niya iyon na-realize ko na hindi nga naman siya ang nagpalabas sa amin kundi ang aming sarili rin dahil hindi kami nag-comply sa rules kaya kami rina ang nagpalabas sa aming mga sarili.

Ang nakakatawa...

Pero binigyan pa rin naman kami ni Sir ng isa pang pagkakataon sa Lunes... Pero ang prerequisite ay dapat naka-complete uniform kami kung gusto namin mag-test.

Ang nakakatawa wala nang official class sa Lunes start na dapat ng Summer vacation ng naming mga first year na wala pang summer class. At tapos naka-uniform kami. Nakakahiya talaga, hindi ko mapigilang tumawa dahil parang magmumukhang baliw ako sa school.

But I have to accept it kasi manganganib ang position ko bilang English Major at pati na rin ang aking pagiging College Scholar.

Lingid sa aking kaalama, trinaydor pala ako...

Kaninang umaga nalaman ko ang katotohanan kung bakit napalabas pa ako kahapon. Kung titignan tanggap ko man kung napalabas ako dahil sa hindi ako nag-comply sa rules pero ang hindi ko matanggap ay trinaydor pala ako ng mga mismong pinagkakatiwalaan kong mga tao.

Dalawang class kasi ang nag-test kahapon kami at yung mga higher years na under kay Sir Antonio, eh ang ginawa ni Sir per column ibang year para walang kopyahan. Kaya ilan sa mga friends ko ang napunta sa kabilang classroom.

Kaminang umaga sinabi ng aking friend na isa na mismong nasa ibang room kung bakit napalabas pa ako. Sabi niya yung dalawa ko raw na mga friends ang mismong nagsumbong pa sa aming Professor tungkol sa aking pagiging incomplete uniform. Hindi ko inaasahang tratarydurin pa mismo ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko, dalawa sila. Kapag hinihiram digital cam ko okay lang para sa akin, kapag USB flashdisk mo nga sabi nila okay lang para sa akin na ipahiram, pautang nga sabi nila sa akin okay lang. Inaakala ko pa namang mapagkakatiwalaan ko sila ngunit hindi pala.

Talagang nasaktan ako kaninang umaga sa nalaman ko. Napaisip ako kung bakit nila iyon ginawa. Gaya ng sabi ko okay lang kung mismong nasita pa iyon ni Sir ngunit ang kaso ibinuking pa pala ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko. Iniisip ko kung bakit nila ako ginanon. Unang pumasok sa aking isipan na may galit sila sa akin o may pagkainggit dahil palaging highest ako sa mga test. Ngunit ayaw ko nang isipin pa ang mga maaaring mga dahilan.

Kaya naman pala kahapon ng sabay-sabay kaming umuwi ang sabi nung isa sa kanila sa akin, "Thanks for everything!" Sabi ko naman, "Why are you saying things like that, eh magkikita pa naman tayo sa next sem?" Sab niya, "Basta!" Ano ito parang halik ni Hudas. Pagkatapos kang trinaydor parang magpaparamdam na nagsosory. What a coincidence dahil ngayong malapit pa naman ang Holy Week ginawa mismo ito sa akin.

Hindi naman ako nagagalit dahil okay I understand kung ganon man ngunit ang nararamdaman ko ngayon the friendship has already some cracks. Parang may mantsa na ang friendship namin na kahit pa labhan mo nang Surf o kaya'y Tide hindi na maaalis. Ilang beses na rin akong ginaganito ng mga taong pinagkakatiwalaan ko. I am always a friendly person pero expect na lang nila ang kaunting pag-fade ng tiwala ko sa kanila.

Lessons...

Dapat mag-comply sa mga rules and regulations para hindi malintikan...

At pinakamahalagang natutuhan, maaaring ang mga pinagkakatiwalaan mo ay ang siyang magiging traydor sa iyo...

The friendship is not over but the trust is somewhat there to be broken.

(Note: Kung mababasa man ito ng mga taong tinutukoy ko sa aking Blogger account, nais kung lang ipahayag ang aking nararamdaman, kilala na ninyo ang inyong mga sarili, pinapatawad ko kayo sa nagawa ninyo sa akin dahil mapagpatawad naman ako. Kung ginawa man ninyo iyon dahil sa mga rules, naiintindihan ko ngunit kung ginawa man ninyo iyon dahil sa inggit pinapatawad ko pa rin kayo. Kasalanan ko iyon dahil hindi ako nag-comply pero ang hindi ko matanggap ay idiniin pa pala talaga ninyo ang aking pagkapalabas. Salamat sa inyo dahil natuto ako ng ilang bagay.)

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket