WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Thursday, June 5, 2008

This is the Beginning of THREE continuous YEARS!

Magsisimula na nga ang tatlong taon na walang humpay na pag-aaral ko sa College. Simula kasi sa Martes, Sophomore na ako at pagkatapos ng two regular semesters may summer class na ako at pati sa third year may summer class pa rin. Kung may pagitan man iyon ay semestral break at Christmas break lang.

Ngunit kahit may mga break man baka hindi rin maiiwasan ang di tumigil sa pag-aaral lalo pa ngayong Sophomore na ako dahil sa part na ito masyadong sensitibo ang aking Major. Opo masyadong sensitibo dahil kaunting pagbagsak lang ng grade maaaring maapektuhan ang overall standing mo at maaaring mag-cause ng iyong pagpapaalam sa College of Teacher Education. Binabantayan kasing masyado ng mga Professors ang mga English majors na katulad ko dahil talagang istrikto sila sa retention policy para sa mga English majors. Gusto kasi nilang masala talaga ang major na ito para ang lumabas lamang ay ang mga karapat-dapat.

Sa year na ito baka mas kumunti pa kami lalo pa't hindi ipinatupad ang totoong retention policy noong nakarang taon para sa aming mga English Majors kasi naawa raw ang mga English Professors sa mga ilang matatanggal at binigyan sila ng second chance. Kaya hanggang ngayon marami pa rin ang mga English Majors. Actually noong first year kami hindi nila inaakala na ganito kami karami, mga 40, malaki na ito dahil hindi masyadong in demand ang English teachers sa local level, I mean halos walang vacant para sa mga English teachers, ngunit in terms of abroad at mga Korean school kami ang in demand. Inaasahan kasi nila na mas mabili ang ibang subject concentration tulad ng Social Sciences, Math, Science at Filipino. Ang maganda lang sa mga majors ng subject na ito ang wala silang retention policy tulad ng sa amin. Ang sinusunod lang nila ay ang general retention policy ng University. At saka sila talagang inaalagaan kung maaari walang matatanggal di tulad naman sa amin kung maaari kahit isa lang ang matitira.

Di bale, sa year na ito lang naman ang retention policy at kapag nalagpasan na ito safe na safe ka na bilang English major general retention policy lang ang binabantayan mo. Sana malagpasan ko.

Magsisimula na talaga ang sleepless nights k ngayon lalo pa't may mga Educ-Educ subjects na ako... Educ 120, Educ 121 and so on... Tapos nandyan pa ang mga Major subjects... mga English 102 tapos may Lit 101 pa and so on... mga Major subjects na di bababa sa dalawa every semester... Ano ba iniisip ko pa lang parang ang hirap-hirap na...

Pero natatawa lang ako sa mga nag i-small sa course na Education... Kung magsalita sila parang hindi mahirap ang Education... Kung magsalita sila parang walang kwenta ang Education, parang napakadali... Kaya natatawa talaga ako sa mga taong kapag hindi na kinaya ang course nilang nauna tulad ng engineering, nursing at iba pa lumilipat ba naman sa Education sa pag-aakalang madali lang ang maging isang titser... Hoy para sabihin ko sa inyo mahirap siya kung gaano kahirap ang iba ganoon rin ang teaching kasi hindi lahat ng tao ay may K as in KARAPATAN para maging titser. Ang teaching kasi ay isang skill yan na wala sa lahat, iilan lang ang nabiyayaan.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Fr. Engelbert Elarmo ng Immaculate Concepcion Parish ng Batac City noong "SILAW AWARDS" (ang tawag sa awarding ceremony ng College namin) na ang teaching raw "is not only a mere profession but it is a vocation and at the same time a mission." (i'll make another post para dito)

Hay buhay noong pasukin ko ang Education buong kababaang loob ko itong tinanggap at itinuturing na kalooban ng Diyos. Kaya ngayon hinihiling ko sa Panginoon na Siya lamang ang aking magiging gabay hanggang sa matapos ko ito. Siya lamang ang aakay sa akin sa aking pagtawid sa tatlong taon ng pagtitiis at paghahanda para sa hinaharap na alam kong isang magiging kaayaaya.

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket