WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Sunday, August 10, 2008

CBCP Story continuation... The whole story...

Nagsimula ang aking pagnanais na makasali sa CBCP News Service noong magamit ang aking article sa anluwage.com... Talagang pumasok na sa aking isipan na bakit hindi ko subukan ang pagsali mismo sa CBCP NS... pero na-discourage ako because of some conflicts na maaaring maidulot at problems kapag sumali ako at talagang hesistant rin kasi I was thinking about my SC ambition na kapag na-elect ako baka hindi na ko mapag-sabay-sabay... Pero nakapag-adjust na starting noong June after the elections kasi we can do naman pa rin yung mga ibang gawain kahit naka-duty...

Nitong July, specifically the second and third of week, napapaisip na ako ulit kung ano kaya kung ituloy ko na lang ang balak ko... Still ang motivation ko ay nung gamitin yung article it means kasi para sa akin na may credibility ka na kapag nagamit ang isang article mo... Nag-isip ako at nagdasal kung ito ba ay will ni Lord... Pero na-motivate ulit ako ng maipaalala sa akin ng mga co-officers ko na "there is no harm in trying." Dahil dito noong gabi ng July 19, inihanda ko na ang aking resume at isang sample write-up as requirement ng CBCP NS... Kinabukasan, that was Sunday, pagkatapos ng pagsisimba ko agad kong ini-email ang mga requirements...

Lumipas ang isang linggo, wala pa ring email akong natatanggap... Nanghihinayang talaga ako dahil sa week na ito marami na ang naiset na pangyayari sa Diocese isa na ang Diocesan anniversary at ang Relics ni St. Pio... Naghintay ulit ako ng ilang araw pa... Wala pa rin Biyernes na... Kaya sa araw na iyon ng Biyernes inemail ko na si Msgr. Pepe Quitorio mismo dahil nakapost naman ang e-mail niya sa CBCP website... August 1 na ito, bisperas ng birthday ko... Sunday wala pa ring email...

At Monday na, August 4, may email na si Msgr. Pepe sa akin at nagsasabing ii-inform na niya ang managing editor ng CBCP NS tungkol sa aking application... Tuesday di ako nakapag-check ng email dahil maraming gawain sa SC at may meeting kami kinahapunan...

Wednesday, August 6, sa wakas may email na ang managing editor, si Sir Melo Acuna. Sabi niya sa email na send ko ulit ang resume... Sinend ko at kinahapunan sabi niyanna mag-send ako ng mga articles tungkol sa activities ng Diocese at words from the Bishop mismo... Pero naguguluhan ako dahil hindi direct ang pagsasalita niya tungkol sa ang aking appointment... Nung time na iyon biglang nag-YM naman itong si Fra. Dave, ccs... Kaya siya ang pinakaunang tao na nakaalam sa aking appointment... Naka-receive ulit ako ng e-mail ni Sir Melo at yan hindi pa rin direct ang pagsasalita niya kaya inassume ko na Diocesan correspondent na nga ako...

Dahil wala pa akong naipapadalang article, nag-effort na akong gumawa... At ginawa ko ito kahapon, Sunday...Pagkatapos ng Mass nagpaka-kapal muks ako upang i-interview ang isang SVD priest dahil nabalitaan ko ang tungkol sa Parish sa Pagudpud na ihahanddle nilang mga SVD ng Laoag... Kaya yun pagkatapos ng interview, akong pumunta sa pinakamalapit na internet cafe... For 30 minutes ko rin binuo ang article (note: ang nasa CBCP hindi yan yung original, edited na iyan kaya mas maliit)...

Ngayong umaga nga nabasa ko sa headlines ng CBCP ang tungkol sa isang SVD parish sa Pagudpud... Eh syempre dahil parang magkatulad ang headline kong original sa headline nila... binasa ko at tumambad ang pangalang Mark Vertido, nag-iisa lang naman ako sa palagay ko na may pangalang ganyan sa Laoag at baka sa Pilipinas... hehehehe

God bless sa bagong tungkulin ko!

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket