WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Friday, August 29, 2008

Ano bang kaugnayan ng Juan 1:1 sa Wikang Pambansa?

Diyos ko po... Talagang ako'y nagulat sa aking mga narinig kahapon sa Teatro Ilocandia sa pangunahing kampus ng Pampamahalaang Pamantasang Mariano Marcos (MMSU), Lungsod ng atac... Pumunta kami doon kahapon dahil sa "Pampinid na palatuntunan ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa" na inihanda ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino at Literatura (KAMFIL)... Nandoon ako unang-una dahil ako'y may asignatura sa Filipino (Retorika at Pagsulat)... Pangalawa dahil ang aming Kolehiyo ay may pagtatanghal at bilang isang opisyal ng SC kinakailangan tumulong sa mga magtatanghal...

Syempre pa't ang unang bahagi ay palaging Pambungad na Talumpati... Ang naghatid ng Pambungad na Talumpati ay ang pangulo ng KAMFIL, ang unang pangalan niya ay Isiah... Inumpisahan niya ang kanyang talumpati... Nakuha niya ang aking atensyon ng sabihin niya na ang wika ay napakahalaga at ang Diyos mismo ay nagpapahalaga dito... Hayan, talagang nakinig ako sa kanya kung papaano niya bibigyan ng katarungan ang kaniyang sinabi...

"In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God." (Juan 1:1)

Ito mismo ang kanyang kinuhang kataga mula sa Bibliya, sa Ingles talaga niya sinabi, upang bigyang katarungan ang kanyang sinabi na ang wika ay pinahahalagahan mismo ng Diyos... Gulat na gulat talaga ako sa paggamit niya dito... Ano bang pinagsasabi-sabi nito ang aking sinabi sa aking sarili...

Diyos ko po... Ano bang kaugnayan nito sa Wika? Ito ang isang maling interpretasyon sa mga nakasulat sa Bibliya... At ang tao naman na nag-uganay dito ay tinatawag na tanga... Bakit mo gagamitin ang ganitong mga kataga sa Bibliya kung wala ka namang kaalaman sa mga nakasulat? Hindi ka man lang nanaliksik kung ano ba ang tunay na sinasabi ng katagang ito... Masyadong naging literal ang pagkuha niya sa katagang ito na hindi katanggap-tanggap...

Ang paggamit ng Word (Verbo sa Bibliyang Filipino) ay tumutukoy kay Kristo at hindi tumutukoy sa Wika, hindi pagpapahalaga ng Diyos sa Wika... Kukuha ka na nga lamang ng isang kataga sa Bibliya maling interpretasyon pa... Ano ba naman... Ito tuloy ang aking nabuo sa aking isipan na huwag na huwag kang kukuha ng mga kataga sa Bibliya kung hindi mo alam itong ipaliwanag ng tama at mabuti... Na ang mga kataga sa Bibliya ay mas mabuting hindi nalang gamitin kung kakayanin mo pa namang gumawa ng sariling pagpapaliwanag tungkol sa isang bagay... At ang Bibliya ay hindi kuhanan ng mga "quotations," maaaring kumuha ngunit dapat ang pagpapaliwanag ay naayon sa tunay nitong kahulugan kung gagamitin man ito sa pagtatalumpati...

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket