WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Sunday, August 10, 2008

The Three Days...

Miyerkules, Huwebes, Biyernes…

Sa tatlong araw na ito, hindi inaasahang mga pangyayari ang aking naranasan. May mga ibang events dito na hindi ko na lang babanggitin dahil ito ay para sa susunod kong post.

Miyerkules

Isang seminar ang naganap sa College of Teacher Education. Ang seminar ay tungkol sa Learning Outcomes. Syempre kakaiba ito sa pandinig, lalo na sa aming mga Sophomore pa lamang kasi kakaumpisa pa lamang naming magkaroon ng Professional Education Course, ang Educ 110 (Social Dimensions). Kahit pa ang topic ay hindi pa namin pinag-aaralan, dumalo na lamang kami upang makaiwas sa Midterm namin sa PE 3 dahil hindi pa kami nakahanda.

Sa seminar ang lecturer lang naman ay isang Irish Senior Lecturer in Science Education, si DR. DECLAN KENNEDY, MSc, Med, PhD, HDE, FICI. Kumusta naman yan ang haba ng kanyang kawing sa pangalan. Napakagaling talaga niya. Siya pala ay galing sa Colaiste na hOllscoile Corcaigh, Eire, gets? Ang trnaslation niyan ay University College Cork, Ireland. Naku sa lecturing niya nabanggit niya ang tungkol sa mga Bologna Agreement at iba pa. Siyempre naman ang lolo ninyo attentive baka kasi magpa-test si Dr. Resurrecion Mateo, ang Educ 110 prof namin.

Okay, tatlong oras lang naman ang kanyang lecturing. At ito na ang hindi ko inaasahan. Bigla siyang nagtanong sa hulihan ng kanyang lecture. Tinanong niya kung kailan magtatapos ang Bologna Agreement. Ako naman dahil attentive ako isinigaw ko ng di masyadong kalakasan ang 2010. Ay, nabigla ako, ako lang pala ang nakasagot sa tanong, pati mga teachers na nandoon hindi nakasagot. Hehehehe… Abah, mas magaling na ba ako kaysa sa kanila??? Hehehe… Tumingins si Dr. Declan sa akin at sinabing "Can you repeat that?" Inulit ko naman. Tapos sabi niya "You are correct! I think you should be given a price." Ay, flattered naman ako sa dinami-rami ng mga mabibigyan ng price ako lang ang nakatanggap sa araw na iyan.

Ibinigay lang naman niya sa akin ang mga dala-dala niyang "sweets" mula Ireland. Ay, nag-iisa kaya iyon ayon sa kanya at ipapamigay sana niya yun pagkatapos ng lecture para sa lahat. Pagkatpos sa akin lahat napunta. Kakahiya tuloy pero okey lang pagkakataon naman para makilala… Hehehehe…As in pumunta siya sa akin at kinongratulate… Hehehehe… Then sabi niya pagkatpos ng seminar na it was very great to meet me because I am attentive at like niya akong maging student niya… Ngek… Sige isama mo ako sa Ireland… Pagkatapos sabi pa niya pagbalik raw niya mula sa Ireland bibigyan niya ulit ako ng mga sweets… Thank you… Tapos binigyan pa niya ako ng kanyang calling card… Kumusta naman yun ako lang ang estudyanteng binigyan aside sa mga teachers na nandoon…

Ang saya ko ng araw na iyon kasi lahat ng tao naging friends ko… Hehehe… Friend ang tawag nila sa akin dahil hihingi lang naman sila ng sweets ko… Pati teachers humingi… Hehehehe…

Huwebes

Naitakda ang aking reporting sa History… Abah matagal ko na kayang hinihintay ang sandaling iyon… Isang buwan na akong naghihintay para mag-report… Ngunit okay lang kasi ang aking topic ay Spanish rule… Imagine ang report ko lang naman ay tungkol sa Exploration and Conquest ng Philippines at Political and Ecclesiatical Structure of the Spanish Government of the Philippines… Yan nakakagana dahil I will explain Ecclesiatical… Hehehe…

Dumating nga ang reporting time, at unang pagkakita pa lang ng Prof ko eh na-impress na siya dahil may globe pa akong dala-dala… Syempre nagpaka-kapal muks na ako doon sa Faculty room ng mga Social Studies teachers para lamang mahiram ang globe… Hehehehehehe… Then sinimulan ko ang reporting sa pamamagitan ng isang maikling motivation para mag-isip naman ang mga nakikinig, syempre teachers kailangang meron palaging motivation… Syempre dahil parang recalling lang ang report ko kaya motivation ko naman ay pag-recall ng mga events… Nag-enjoy naman sila…

Unang part, explanation ng colonialism at exploration. Ipinaliwanag ko kung gayon ang mga ito hanggang sa makarating kami sa mga motivation ng explorations… Napunta sa God, Gold and Glory… Then ang Spain at Portugal… Pagkatapos ng unang part sinabi ng Prof ko na I am very good raw… Kasi naman napaka-detailed raw ng pagpapaliwanag ko sa bawat important words, names, terms at dates… Para daw ako ay nasa panahong aking inereport na para ang kamag-anak ko lang si Ferdinand Magellan, Charles I at iba pa dahil as in naman talaga nag-research talaga ako, kinalkal ko pa talaga ang aking mga inaalikabok na libro, tapos sabi niya I am a "real historian" daw… Nakatulong rin kasi ang aking kaalaman sa history ng Catholic Church upang maintindihan ang history ng Europe… Saan ka pa pagsamahin ba naman ang History at Church… Kaya tuloy nagkaroon rin ako ng parang kaunting pagpapaliwanag na rin sa Catholic Church… Very detailed talaga…

Second part ay ang Rediscovery of the Philippines… Dito nag-umpisa na naman ang aking kakaibang sakit… Ang pagsakit ng aking sikmura… Parang may asido sa aking sikmura at talagang namimilipit ako sa sakit… Pero ganito talaga kapag ako’y kinakabahan lalo pa’t nakakapressure yung paghanga ng Prof ko sa akin… Iyon naihatid ko pa rin ang second part kahit namimilipit na ako sa sakit… Hehehehe… Hindi pa tapos ang report ko at itutuloy pa lang…

Pagkatpos ng class lumapit ang Prof ko at sinabing "Congratulations!" Ha??? Ngayon ko lang narinig ang ganito dahil lamang sa report ko… Hehehehe… Flattering!!! Ginaganahan tuloy ako… Ewan ko nga ba kung bakit pa ako nag-English bakit di na lang Social Studies kasi truly I have the heart for History…

Dahil umpisa pa lang ng reporting ganito na aking naging performance, ako na naman siyempre ang magiging reference ng aking mga classmates, I mean kung ganoon ang aking ipinakita tiyak na sa lahat ng kanilang makakaya susubukan nila akong talbugan… Sige subukan niyo rin…

Biyernes

Nagkaroon ng kaunting pagsasalu-salo ang mga BSEd II-A English Majors together with our favorite teacher in English, si Ma’am Charmagne Balantac. Sa College dorm naganap ito sa kanyang quarters. Simple lang ang salu-salo namin dahil dadalawa lang ang putahe, monggo at crispy pata…

Ang salu-salong ito ay bilang treat niya sa amin dahil sa pagtulong namin sa kanya nang nandito ang aming mga Korean students… Celebration na rin ng Beijing Olympics… Hehehehehe…

Simple lang sana ito pero dahil ang aming mga kamay naman ay malikhain, lalo pa’t may mga churva sa amin, napakaengrande ang aming naging dining area… Para kang nasa isang high class resto… Abah naman ang kakainin mo monggo at crispy pata tapos ang table setting ang sosyal pang-hotel…

Akalain mo ba namang pati yung kakainin namin kami pa ang nagtulung-tulong na maghanda… Pero masaya dahil kahit simple ay nagkaroon kami ng bonding… Isang masarap na bonding… May nag-iisa kaming bisitang teacher si Dr. Rosable Acosta, science-math Prof… At dumating ang kainan… As in ang plato yung babasagin, ayos na ayos ang mga table… Pero may kulang walang kutsra at tinidor… Imagine mo naman nagkamay kaming lahat… Hehehehe… Kahit yung dalawang teacher… Hehehehehe… Kamayin ba naman yung monggo… Hehehehe… Mukhang improper pero totoo kahit sino kung ganoon ang sitwasyon magkakamay talaga…

Ang saya-saya ng experience na ito… Walang hiyaan nagpakanatural ang lahat… Simple lang talaga ang pagkakaibigan naming lahat… Through thick and thin talaga kami at walang iwanan sa ere…

Note: Habang nagaganap ito isa na palang kababalaghan na naman ang nangyayari sa College dahil minumulto na pala ang Main Building namin. The story will be posted on my next blog…

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket