SEMINAR WORKSHOP ON ILUKO WRITING
Isang seminar workshop ito tungkol sa pagsulat ng sanaysay (Iluko) or essay at daniw (Iluko) or poem... Actually, nahuli nga ako ng kaunti sa seminar... hehehehe... May nauna kasi akong ginawa bago mag-attend... (Pumunta muna ako sa Carmelite Monastery... hehehehehehe... nakisimba)... Buti na lang at hindi pa nag-uumpisa ang program...
Maliit lamang ang sakop ng seminar na ito, usually mga nagta-take lang ng Iluko Language and Literature ang required na umattend... Note na ang Iluko Lang. and Lit. dito sa school ay kinukuha lang ng mga English and Filipino majors... Kaya may pagka-exclusive ang nasabing seminar... Roughly mga 70 persons lang ang sumali sa nasabing seminar composeof BSE I-A, II-A, III-A, at IV-A... Talagang para sa amin lang... Pero masaya siya kahit kukunti lang ang participants...
This year ang theme ay "Panangitandudo kadagiti Agtutubo kas Insturmento iti Panangitagiben ken Pinagduras iti Iluko babaen iti Panagsurat." (Promotion of the Iluko Language through Writing as an Instrument in giving Importance and Development to the Youth)...
May dalawa kaming speakers na nag-lecture tungkol sa paggawa ng daniw at sanaysay... Sa daniw ay si Mr. Mario Tejada from Pinili, Ilocos Norte at sa sanaysay naman ay si Mr. Pete Duldulao, ex-president ng GUMIL-Ilocos Norte, both of them are memmbers of GUMIL Filipinas... GUMIL means Gunglo dagiti Mannurat nga Ilokano (Association of Ilocano Writers)... Nag-attend rin ang President naman ng NAKEM Conference Philippines, na yearly nagcoconduct ng mga conferences tungkol sa aming vernacular in Hawaii at dito sa Pilipinas...
Maraming activities like speaking the Iluko language in the whole program... Unlike in normal classes kasi na ayaw kaming pagsalitain sa Iluko... Yun nga lang nakaka-nosebleed yung mga terms na naririnig namin na as in ngayon lang namin narinig... Masyadong malalim... Lahat ng intermission numbers ay Iluko at kumanta ako in Iluko together with my classmate... At ang pinakagusto kong part ay yung pagsulat ng sanaysay...
"FOR THE FIRST TIME"
Nagkaroon sa huling part ng seminar ng on the spot writing contest ng daniw at sanaysay... Syempre sali naman ako dito kasi requirement ng Iluko teacher namin ang at least isang piece... Pero ang pinili ko ay ang sanaysay... Essay kasi talaga ang linya pagdating sa Literature... I am not good in poetry...
Ang ibinigay na theme ng mga susulatin namin ay "Akem iti Iluko iti Pinagduras iti Ilokano," (The Role of Iluko in the Development of Ilocano)... Binaliktad lang nila ang theme ng seminar...
They gave us more than an hour to do our work... from mga 11:30 hanggang mga 12:30... Habang nagsusulat kumakain rin kami ng aming lunch... Pero ako tinutukan ko ng mabuti ang aking pagsusulat at dahil dito two-page essay ang nagawa ko in Iluko... For the first time ito na aking nagawang obra maestra sa wikang Iluko... Iilan lang kami sa pagsulat ng sanaysay... Mas marami ang sa poetry...
Pagkatapos ng pagpasa namin sa aming ginawa ay chineck naman ito ni Mr. Duldulao at Mr. Tejada... Habang nag-checheck sila nagkantahan muna kami at naglaro ng Hep Hep Huray... hehehehehe...
Dumating na ang announcement ng mga winners... Unang inihayag ang mga nanalo s aming part... At ang first place ay napanalunan ni, wala nang iba pa kundi si... AKO... Ako nga ang nakakuha ng first prize... What a co-incidence ang for the first time kong work sa Iluko ay nanalo this year ng first prize at ito ang for the first time kung nanalo sa taon na ito at isa pa for the first time ang GUMIL CTE-Chapter ay nagkaroon ng contest na ganito... hehehehe... Habang ang nanalo naman sa isang category ay classmate ko rin, kapwa BSEd II-A ang kumuha ng mga pinakamatataas na gantimpala...
Before the final announcement, alam ko na na ako ang nanalo kasi nasilip ko yung papel ko na nasa harapan ng lahat ng mga papel... hehehehehehe... Ewan ko lang pero talagang binasa kasi ng judge yung Paper ko as in ang papel ko ang pinakaunang binasa niya...
Bago ang announcing ng winners, ipinaliwanag muna ni Mr. Duldulao kung bakit ito ang mga napili niya... Bale there are three winnersin each category... Sabi niy yung 3rd at 2nd sa amin ay kapwa tumalakay sa importance ng Iluko... At kaibahan lang ay ang 3rd gumamit ng mga words na abbreviated tulad sa text at yung 2nd ay hindi... Nang sabihin na ang tungkol sa 1st, ang work ko, sabi niya kung ikukumpara ang aking gawa sa dalawa malayo ang aking lamang As in one kilometer... Napakalawak daw ng aking pag-iisip... Nagustuhan raw niya ang aking sinulat tungkol sa kahalagahan ng Iluko sa pagbubuklod ng mga Ilocano, at yung isa pa na tungkol naman sa pagiging inseparable ng Language at Culture (sa part na ito aking isiningit kasi ang mga natutuhan ko sa Social Dimensions na subject namin)... Hehehehe... At ang pinakanakapagpangiti sa akin hanggang tenga ay nang sabihin niya na nasa bakod na ako ng mga essayist na Ilukano na nagpupublish ng kanilang mga works... Kailangan lang raw ng kaunting developments pa sa aking skill para next time baka maipublish na rin ang aking mga essay sa BANNAWAG (Ito po ang counterpart ng Tagalog magazine na LIWAYWAY sa mga Iluko)... Aba todo ngiti na ako that time...
At sabi pa nya na inborn raw ang aking kagalingan dahil sa nabasa niya... Kaya hinamon niya ang iba pang mga nakatunggali ko na galingan rin... Maganda raw yung sa kanila pero walang masyadong laman... At sabi pa niya meron talagang mga taong inborn ang kagalingan sa pagsusulat at kung gusto rin nating maging magaling sa pagsusulat kailangan na raw nating maisilang muli... Joke pa niya kung may mga Born Again Christians pwede ring magkaroon ng Born Again Writers... Dahil hindi pa huli ang lahat kung gusto mo ring maging magaling sa pagsusulat...
At inihayag nga na ako ang winner at palakpakan ang buong tao sa venue... For the first time ko ulit naramdaman ito, ang mapalakpakan ng mga tao dahil sa aking written work, ang huli ay way back sa aking pagiging student journalist... Ang hindi ko talaga inaasahan ay pagwawagi ko sa work ko na nasa wikang Iluko... Kinonggratulate ako mismo ni Mr. Duldulao at sinabing pagbutihin ko raw ang aking skill...
At sabi naman ng mga classmates ko "We are very proud of you!" Yan ang pinakamagandang nasabi nila sa akin... Kasi they acknowledge my winning as my contribution to our section, to our group...
CONCLUSION
Napakasaya ko talaga dahil dito... Mababaw ako para maging masaya (but it does not mean naman na mababaw ako pagdating sa spiritual aspect-malalim ako pagdating dito, dahil naniniwala akong true and eternal happiness the world cannot give but they add and are small term happiness)...
Dahil sa pagiging winner ko nakuha ko ang kiliti ng Iluko Professor namin... At least ngayon hindi na ako masyadong magiging mahiyain kapag kinakausap siya... Hindi na ako maiinsecure pa...
Na-realize ko na talagang malayo ang iyong mararating sa pagsusulat... At napatunayan ko na iyan... Malayo na rin ako sa dating Mark na napaka-shy... Na halos nasa bahay lang at hindi nakikisalamuha sa iba except sa mga classmates... Malayo na rin ng kunti ang narating ko sa pagsusulat... Dahil sa pagsusulat nakakilala ako ng mga taong hindi mo inaasahang makilalala... At aking tuloy nakikita na ang mundo ng pagsusulat ay napakalawak... Marami pa akong tatawirin... Hindi dito nagtatapos ang lahat...
But ang nais kong magawa sa aking sarili ay manatiling maging mapagkumbaba kung ano man ang mga makuha ko sa buhay kong ito sapagkat ang lahat ng ito ay hindi para sa akin kundi para lamang sa Kanya... Mula sa Kanya at para rin sa Kanya... I want to use my talents for the service of the One who have saved me from sin and gave life to me...
Thank you Lord for this talent!!!