Katatapos lamang ng aming English Festival sa School, one week celebration for the English Language... Katapat siya ng Buwan ng Wikang Pambansa... For two weeks kami ay puspusang nag-preapare para sa aming sasalihang mga events... At yan ay ang Musical Broadway...
Ang proponent lang naman ng Musical Broadway na ito ay ang aming English 102, Major subject po ito ng mga English Major, na si Prof. Charmagne Balantac... And so kami ay kailangang sumali dahil nirequire niya kami... Lalo pa't maraming hindi nakapasa sa mid-term namin sa kanya, pero ako no probs... Carrying-carry ang subject niya, syempre pasado pa naman... At ang panakot pa niya kapag hindi kami nanalo sa contest na ito... Siguradong pito na lang ang matitira sa aming mga English Majors...
Ako no worries... Kasi kung hindi man ako isa sa pito (pero I know I am one of them... hehehehe... yabang ko no?) I am ready to face anything... Actually meron na akong alternate na Major kung saka-sakali man... hehehehe...
Puspusan ang practices for the past days... As in from 8:00 Am to 6:00 Pm para manalo lang... Two days before ng performance we needed to join the Pantomime, paubos na kasi ang "class fund" namin... Ang class fund ay weekly contribution namin sa aming section para magkaroon kami ng budget kapag may mga photocopied materials etc., P5 lang naman... hehehehehe... at least may madudukot ang treasurer namin kapag gipit ang section... hehehehehe... Ang Pantomime sa hapon gaganapin at ang script naman umaga lang namin ginawa... Kaya sabi namin bahala na mag-on the spot na lang kami...
Hayon ang topic ng Pantomime ay humurous love story... Kami naman ang ginawa namin ay story ng mga abnormal... As in ako ang naging tatay na epeleptic... hehehehe... Nakakatawa kaya ang mukha ko noon... hehehe... At yan nanalo kami... First place...
Kahapon naman ang performance namin sa Musical Broadway... Kanakabahan talaga kami... Para bang ang mangayayari ay tulad sa PDA... Finals night... Sino sa amin ang matitira... Pito ba o kami pa ring lahat... hehehehe... Ako kinabahan rin dahil kung ganoon ang mangayayari nakakahiya naman kung pipito lang... Nag-perform kami at nanalo na naman... First place... Yan ang unang performance namin sa araw na iyan... Then required lahat ng mga first place na mag-perform sa culminating activity... Kaya kumaripas kami sa paghahanda ulit... Nagperform kami ng Musical Broadway first at sa pagitan lang ng isa pang performance kami ulit, Pantomime naman... heheehehehe... Palit ng damit dito, palit ng damit doon... Make-up dito, make-up doon... Hay nakakapagod...
At last safe na muna ang lahat sa eviction... hehehehehehe... Isang semester pa at makakahinga na ako ng maluwag dahil hindi na mahigpit pa ang elimination... hehehehehe...
Ngayon, napag-isip-isip ko na napaka-versatile pala naming mga magkaka-section... Kaya naming gawin ang napakaraming performance sa isang araw... Iba-iba talaga kami... May magaling sa pagkanta, sa pagsayaw, sa pag-arte... Lahat may kanya-kanyang linya... At kung iisipin ang pagtutulungan ay napakaepektibo kung gusto nating magtagumpay...
Nga pala... Nakisali ako sa Essay Writing contest at nanalo naman ako ng 2nd place... hehehehehe... Ang isinulat kasi ni Pietro Francesco (that is my pen name) ay bitin sa hulihan... hehehehehehe... Inaamin ko na pati ako bilang nagsulat ay nabitin sa ending ng aking sulatin... Sayang first sana ako... hehehehehe...
No comments:
Post a Comment