WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Saturday, September 13, 2008

Multo o Guni-guni lang siya???

Honestly, hindi pa ako nakakakita ng multo since birth... Ewan ko nga ba lahat ata ng mga taong nasa paligid ko ay naranasan na ang mga kababalaghan tungkol sa multo... Gaya na lamang sa school, silang lahat naranasan sabay-sabay na multuhin pero ako lang ang hindi affected... Imagine mailap ba talaga sila sa akin kasi kapag nagpaparamdam sila sa mga kasamahan ko its either wala ako or wala ako sa senses ko kaya hindi ko napapansin or natutulog ako (ito ay kapag natutulog kami sa SC office) gaya kanina...

Itong nagdaang gabi, kinailangan naming mag-overnight sa Student Council office para mag-rush ng mga effect-effect namin para sa Intramurals... As in gising kami hanggang mga 3-4 AM... "Walang tulugan," ika nga ni Kuya Germs... Buti na lang ang 24- hours bukas ang Jollibee kaya nakabili kami ng makakain past 1 Am... Pagsapit ng mga 5 Am, tulog na ang lahat maliban sa isa naming kasamahan, si Ate Zyrill na ubod ng sipag... Tinapos niya muna ang mga computer works bago tuluyang magpahinga pero while she was typing may bigla siyang narinig na kalabog tapos may umiyak na babae... Narinig rin ng mga iba naming kasamahan ako lang ang hindi kasi nasa middle ako ng matinding antok... Nagising na lang ako pagkatapos ng event... hehehehehe... Mailap talaga sila sa akin... Ayon sa kanya parang may pinalong babae ng dos por dos tapos umiyak... Well, hindi ko alam dahil tulog ako...

Pero ang talagang first time na kinilabutan ako ay kagabi... Dumating kasi ako sa SC ng mga 7 Pm, eh hindi ko naman alam na umiwi pala ang mga co-officers ko para magpalit muna... Masyado akong napaaga... Ang balak ko pa nga sana ay lukuhin ko sila pero hindi ako nagtagumpay dahil wala ni isang tao sa office... Ako ang kinilabutan, nag-iisa ako sa taas ng building kung saan maraming mga multo ang nagpapakita... Diyos ko tumayo ang balahibo ko... Uuwi sana ako ngunit napag-isip-isip ko na huwag na lang at magplano na lang ng ibang pananakot... Kaya yun nag-stay na lang ako sa office total may TV naman, manonood na lang ako ng Finals ng PDA, isinara ko ang pinto para safe ako kung may magparamdam sa corridor... Syempre nag-iisa ako walang ni isang tao na sa building, ako lang... Naka-on naman ang lahat ng mga ilaw sa building, sa corridors nakailaw lahat... Pero nandoon yung pagkatakot ko na baka habang nag-iisa ako eh may biglang magparamdam... Sige yan nag-umpisa ang ang palabas... Suddenly sa kalagitnaan ng aking panood biglang may narinig akong pito ng pito, walang katapusan siya... nag-observe ako sa paligid ko wala namang ibang tao... Sa labas hindi siya nagmumula... Kinilabutan na ako kasi ganito yung naexperience nila noon... Tapos bigla pang bumukas ng kunti ang pinto... Agad akong pumunta sa pintuan at tiningnan kung bakit ganon... Nagtaka talaga ako kung ano yung force na nagbukas sa pinto... Hindi pa rin tapos ang mga pito... Then afterwards dumating ang tatlo kong kasama... Eh bumili sila ng fishball at coke litro sa labas... Malamang naman siguro matagal na sila nang kunti sa labas kaya kung sa labas man nanggagaling ang pito maririnig nila iyon... Tinanong ko sila kung narinig ba nila iyon pero sabi nila wala raw...

Ano ito, ito ba ang first pagpaparamdam nila sa akin??? Guni-guni o multo??? Kung anuman siya, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa???

Hindi maipagkakaila ang pagkakaroon ng mga SPIRITS sa ating kapaligiran... I believe na may mga ganito pero I am ready kung sakali na magpakita sila sa akin... Why should I fear nasa side ko ang Diyos...

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket