WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Tuesday, September 2, 2008

Kapag Ako'y Sumabog... Hala Ka!

Alam ng mga classmates ko na ako'y isang taong hindi alam magalit... Let us just say na hindi ako palaaway at totoo yan kahit kailan hindi ko pa naranasan ang makipag-away kahit kanino but there are those times na talagang hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng misunderstandings kaya nagkakaroon ng tampuhan but never a war...

You may say that I am the type of person na pa-safe, palaging umiiwas sa disgrasya... And yes ganun nga ako kahit laitin mo ako hindi ako kikibo, kikimkimin ko na lang para hindi magkaroon ng anumang disgrasya... Lalo pa't may sense ako of protecting my name... Alam mo yun, yung parang ayaw mong mag-iba ang impression ng tao sa iyo... Hindi naman sa ako'y nagbabalatkayo o mapagpanggap kundi hindi lang talaga ako expressive kahit masaktan ako at ayaw ko lang na mabahiran ako ng kakaibang impression... Lalo pa't ang impression ng mga everyday kong kasalamuha sa akin ay isang taong mabuti, mabait, "religious" daw (are you joking), at iba pang napakamagagandang pagkilala...

Opo, inaamin ko rin naman na may mga ilang bad impression sa akin na ini-oopen ng mga friends ko gaya ng OA daw ako kapag nasa classroom, but I admit it OA ako lalo na kapag alam ko ang sagot o kaya'y ako lang ang may alam sa certain topic... Nagiging active kasi ako kapag ganun pero it does not mean naman na minamata ko ang ibang classmates ko ganun lang talaga ako dahil I need to express what I know... Pero kung na-ofend ko man sila open naman kami sa isa't isa at nasasabi namin ang mga ito... Tanggap ko ang pagpunang ito... Siguro marami pang patalikod na puna sa akin hindi ko lang naririnig but kung meron man sige sabihin lang at I will understand and try to change if there is a need to change...

Pero kahapon, kahit gaano ko pa ikimkim na lang ang mga naririnig ko hindi ko na napigilan at sumabog na ang bulkang Rodney (I am using Rodney sa skul para makilala ako kasi maraming Mark sa skul)... Unang atake, okay lang... Ilang beses na rin nilang ipinamumukha sa akin ang mga katagang "A good teacher makes hard things easy." Nailabas ang quote na ito sa subject naming Social Dimensions... At sa History class namin inulit ito... Hindi naman sa pagmamayabang pero ako kasi ang tinatawag nilang "Historian" ng aming section dahil kakaiba raw ang aking galing sa History (Note: Phil. Histo lang, World hindi masyado, Church merong kunti)...

Recently kasi nagreport ako tungkol sa Spanish Rule in the Philippines, eh napahanga ko si Ma'am dahil najustify ko lahat ng mga events na aking nabanggit linking it to World History and the Culture of Spain and Philippines... Okay lang kay Ma'am dahil nagkakaintindihan kami pero sa mga classmates ko raw nagkaroon ng kaunting confusion dahil sa iba't ibang nai-insert kong ideas... Pero ang defense ko naman kung ang reporting ay just reading what is said in the Histo books I'd beter not report... Kasi ang aking naisip sa pagrereport ay i-justify why is that like that... Pero hindi pala kami magkakapareho ng understanding... Well okay lang kaya nga simpler ang ginawa ko...

Syempre kahit hindi pa sabihin alam kong may kaunting patama sa akin ang "A good teacher makes hard things easy." Hindi ko muna yun pinansin... Carry lang... Second strike... Sinabi naman ng isa na "teaching is imparting knowledge not impressing somebody." Syempre nagiging sensitive na ako dahil sa mga naririnig ko... I did not impressed nobody in my report it is just that I wanted to take a deeper look on why that thing happened in History. If they assume that I was making a way to impress our Histo Professor, well, I am sorry but I am just doing my job, if they cannot appreciate it then it's not my problem anymore...

Nagiging sensitive na talaga ako sa stage na ito... Pero suddenly nakisawsaw naman ang isa naming classmate at sinabing... "yung iba kasing reporter jan nag-lagay ng iba't ibang cheverlu jan kaya naging confusing ang report niya..." Heto na ang climax... Hindi ko na napigilan ang aking sarili... Buti na lang wala si Ma'am... Sinabi ko ito in a very high tone, talagang galit (This was in Iluko language), "Tama na nga yan... Alam niyo nakakasakit na kayo ng damdamin... Kung may gusto kayong sabihin, sabihin niyo na lang ng harapan at hindi ng patama dahil nasasaktan ako... Kung ganun mang naging confusing ang report ko hindi ko na kasalanan iyon dahil tinatanong ko naman kayo noon kung naintindhan ninyo ang aking mga sinasabi..."

Hyper talaga ako ng moment na iyon as in pinakakalma na ako ng mga classmates ko dahil iyon pa lang ata ang first time nila na makita ako nang ganun... Then afterwards sabi ko: "Hindi ninyo ako kilala."

Pero syempre naisip kong I need to be calm... Pero ang talagang nagpakalma sa akin ay nang ibigay ng classmate ko sa akin ang rosary na hiniram niya... Kumalma ako pero deep inside I was guilty why I acted that way... Kaya hindi na muna ako nagsasalita-salita until noontime... I was very silent... At kahapunan kahit alam kong hindi ako ang dahilan ng conflict na iyon nag-sorry ako sa mga taong kinagalit ko...

Hay, buhay... Pero naisip ko rin naman na parang maganda rin yung nagawa kong pagiging Hyper para malaman din naman nila na hindi nila ako kayang iganon-ganon na lamang... I was angry not because I hate them but because I became very sensitive... At ipinagtanggol ko lang ang aking sarili...

Sana hindi na ulit iyon maulit... Kakaiba kasi ang feeling... Parang mag-hihigh blood talaga ako... hehehehehe...

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket