Kailan lang napabalita sa buong Laoag na ang Mayor ng Laoag City ay nagkaroon ng secret deal/transaction sa isang sikat na kumpanya ng mall sa bansa (di ko lang alam kung ano ang company na ito). Ibinunyag ito ng isa sa mga Councilor ng Laoag, Hon. Tito Lazo. Ang hindi katanggap-tanggap sa aking opinyon ay ang location ng pagpapatayuan nito ay sa isa sa pinaka-lumang elementary school dito, ang Laoag Central Elementary School.
Ano ito pagtataksil sa mga taga-Laoag? Isasakripisyo ang isang paaralan para sa Commercial Center?
Ano bang mas mahalaga iyang mall na iyan o ang pag-aaral ng mga bata? Sa totoo lang sa aking palagay, hindi kailanman kinakailangan ng mga taga-Laoag ang isang mall. Kahit pa sabihin pang wala pa ring mall sa Laoag hanggang ngayon. Sa tagal ng panahon, namuhay naman ang mga taga-Laoag kahit walang mall. Hindi dahil ako'y against sa modernization dahil sa tingin ko napag-iiwanan na rin ang Laoag ng ibang mga Ilocos cities ngunit kung ganito naman ang magiging sitwasyon kahit walang mall.
Sabi sa balita kahit rin naman daw magpapatayo ng mall dito ililipat naman raw ang paaralan na ito. Ililipat raw sa harapan ng Bishop's Residence. Ha? Sa tapat ng Bishop's Residence? Bakit naman doon? Mabubulabog na ang mga Carmelite nuns na kapitbahay lang ng Bishop. At saka ang Bishop's Residence ay nasa P. Gomez Street, eh street na ito halos may dalawang public schools na dinaraanan, ang Shamrock Elementary School (my Alma Mater) at ang Gabaldon Elementary School. Halos isang kilometro lang ang layo sa isa't isa. Kung sa tapat ng Bishop's Residence ito ipapatayo, halos halfway ito ng dalawang paaralan, eh di tatlo na ang public school sa iisang road lang. Masisira talaga ang strategic locations ng mga paaralan dito sa Laoag.
Laoag Cetral sakop nito ang pinaka-sentro ng poblacion ng Laoag, ang Shamrock ay sa Western part ng poblacion ang sakop at ang Gabaldon ay sakop naman ang Eastern part (bukod sa mga paaralan na ito may iba pa sa loob ng poblacion). Kung ililipat ito sa P. Gomez St. eh di mahihirap na ang mga nasa sentro ng Laoag, mas malayo na kasi ang school. At pati ang ilang mga magulang na may trabaho sa sentro kasi karaniwang sa Central nila ipinapasok ang kanilang mga anak.
Ayon sa historical background ng lupang kinatatayuan ng Laoag Central, ang lupaing ito ay parte ng orihinal na land area na sakop ng St. William's Church noon Cathedral ngayon (kaya the Catholic Church was the owner of the land) pero dahil nakita naman ng Simbahan ang layunin ng ipapatayong paaralan, dahil wala namang gamit ang lupang ito napilitan na lang na i-donate ito sa gobyerno para magkaroon ng paaralan para sa mga tao. Ngunit ayon sa agreement ng Town of Laoag noon at ng St. William's Church noon may ibinayad ang gobyerno na P5,000 ngunit hindi ito ang kabuuang bayad ng lupa (ang laki kaya ng lupang sakop ng Central). Sa agreement tatanggapin ito ng Simbahan sa kasunduang aayusin na lang ng gobyerno ang mga gusaling luma na nasa lupaing ito at gagawing gusali ng paaralang itatayo.
Tapos ito ang gagawin ngayon, gigibain ang mga istraktura para mag-give way lamang sa isang mall? No way, education first. Dahil sa agreement hindi pa rin tuluyang nabili ng gobyerno ang lupaing ito kaya mayroong karapatan pa rin ang Simbahan Katolika ng Laoag dito. At sa opinyon ko naman hindi naman aayon ang Simbahan na magiba ang Central. Kaya kahit gaano pa ang pagnanais ng Mayor kung ayaw ng Simbahan wala pa rin.
Ipagdarasal ko na lang na hindi papayag ang St. William's Cathedral sa nilalayun ng Administrasyong Farinas na pagpapatayo ng mall. Kaawaan nawa ng Diyos si Mayor Michael V. Farinas dahil hindi niya alam ang ginagawa niya (I guess).
No comments:
Post a Comment