WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Thursday, April 17, 2008

Nasagasaan siya ng Bus: Pag-alala kay Sir Lumabao...

(inspired by the post of Kuya Dave)

Nasagasaan din siya ng bus!

Si Mr. Alex Lumabao ay ang aking section adviser noong 3rd year high school ako na lubos na napamahal sa akin dahil sa kanyang natural na kabaitan at kabutihan... Mabuti siyang tao sa katunayan every afternoon pagkatapos ng cleaning time sa school hinihimok niya kami para sa isang prayer meeting sa katotohanang wala kami sa isang religious school... Sa katunayan hindi Katoliko si Sir dati lang ngunit siya ay isang Baptist at sa katunayan malapit na sana siyang maging isang pastor ng Baptist...

Ang mga pangyayari ay naganap isang hapon, mismong Linggo iyon noong 2005. Ayon sa mga nakakaalam si Mr. Alex Lumabao ay nanggaling umano sa bahay ng isang estudyante niya. Umuwi siya mga alas dos ng hapon... Ang hindi ko alam dumaan pa pala siya sa aming bahay bago siya naaksidente... Gamit niya palagi ang kanyang motor...

Main way kasi ng mga sasakyan ang kalsada sa harapan ng bahay namin kaya dumaan siya doon... Ngunit Linggo iyon halos walang mga sasakyan na dumaraan... iilan lang dahil Linggo nga... At saka alas dos iyon ng hapon halos tulog ang mga tao kasi siesta time... Dumaan na nga siya at pagdating sa isang crossing (ito ay ang crossing ng Sacred Heart Chapela, mga dalawang crossing mula sa bahay namin) isang bus ang biglang sumulpot at iyon hindi na siya nakapagpreno pa tuloy-tuloy hanggang sa siya ay nahagip na ng bus (ang bus company ay pag-aari ni Chavit Singson yung Partas na may terminal sa Cubao)... Mayroong mga iilang nakakita naman sa pangyayari... Kaya nasaklulohan siya... Ayon sa mga nakakita noong nasagasaan na siya hindi pa siya patay ngunit ang driver umano ng bus ay astang itutuloy na lang ang pagsagasa sa kanya para mamatay siya pero sinuway siya ng mga tao...

Dinala nga siya sa pinakamalapit na hospital... Sa pagkakataon namang iyon ang nanay ko ay kagagaling lang ng palengke may binili... Dumaan raw siya sa pinangayarian at kitang-kita umano ang dugo na nagkalat sa daan at yung motor ay yuping-yupi... Ngunit hindi niya alam na si Sir pala ang naaksidente...

Kinabukasan sa school kumalat na ang balita na nasagasaan nga raw si Sir... Doon ko lang nalaman ang tungkol dito... Gulat na gulat talaga ako dahil napakalapit lamang ng pangyayari ngunit hindi ko nalaman ito ng araw na iyon... Nang tangahali ng araw na iyon pumunta kami sa hospital na pinagdalhan sa kanya... Napakasakit na encounter sa kanya dahil hindi na niya kami maalala... Talagang kukulo ang dugo mo kung malalaman mong nagbigay lamang ang bus company ng P50,000 eh sa totoo lang kulang na kulang ito... Pero anong magagawa namin... Mismong pamilya hindi na nagsampa pa ng kaso...

Dinala siya kaagad sa La Union upang ipa-opera... Pagkatapos ng ilang buwan bumalik na siya sa Laoag sa bahay nila...

Binisita namin siya sa isang pagkakataon... Maaawa ka talaga sa kanyang kalagayan sapagkat yung 1/4 ng skull niya ay tinanggal upang maooperahan ang ulo niya... Tapos yung part na iyon ng skull niya ay inilagay sa may tiyan niya at gagamitin sana kapag gumaling na siya... Nakakaawa, makikita mo yung ulo niya na wala nang shape... Baldado at halos hindi makapagsalita... At hindi ka na niya maalala pa...

At kamakailan lang bago mag-Holy Week pumanaw na ang mabuting adviser ko... Ang nakakalungkot hindi na ako nakapunta pa sa burol niya kasi busy na talaga ako noon sa school... Panalangin na lamang ang aking maibibigay sa kanya...

Alam kong siya ay nasa langit ngayon at ipignagdarasal kaming mga estudyante niya na dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaroon kami ng isang bonding na hindi basta-basta mabubuwag... Na-develop namin ang isang samahan na parang magkakapatid na ang tatay namin ay si Sir...

I love you Sir!

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket