WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Sunday, April 13, 2008

The Unexpected Text Message!

Sa dami-rami naman ng mga mag-tetext sa akin hindi ko akalain na i-tetext ako ni Ate Rachel, isang third year student sa CTE na naging friend ko kamakailan dahil sa isang favor na ginawa ko para sa kanya.

Pero ang nakapagtataka ay iyong text niya. May gustong iparating. Sinasabi ba naman niya na "I have the strong feeling that you're really a leader" (kasi for the past school year Governor ako). Ang sabi ko naman sa sarili ko hindi naman ako magaling naglilingkod lamang sa abot ng aking makakaya upang magampanan ko ang aking posisyon na ibinigay ng aking mga fellow freshmen dahil sa kanilang pagtitiwala sa akin.

Tapos sabi niya "I believe in you." Teka, wait. Bakit parang nararamdaman ko na nagpaparamdam siya. Parang alam na niya na for the next school year I'll be running in the Student Council. Actually, wala pang nakaaalam talaga ng tungkol sa pagtakbo ko kasi it is just a secret agreement at hindi naman pa rin ako umaasa na tatakbo nga talaga ako kasi I'll be holding a higher and will be given again much power with much responsibility. Kahit hindi ako dating Student Council Officer pero dahil ako ay palaging kasama sa Council Meetings at dahil palagi akong Student Volunteer sa mga projects nila, ramdam ko ang pagkakaroon ng mabigat ng responsibility nila.

Kung ganoon man na nalaman na niya na tatakbo ako, wala akong masasabi at least nagparamdm siya na she will support me. Kahit nga mga classmates ko at mga friends ko di ko pa sinasabi ito dahil ayokong umasa talaga na kukunin ako. Pagsinasabi nilang ikaw ulit ang magiging Governor namin next year, pasimple na lamang akong tumatanggi para mag-give way dito sa higher position pero if ever man I would love to serve again the same people that I have serve na in the past school year. Gusto ko lamang itong ihayag pagdating ng tamang panahon na kukunin na talaga ako.

Okay lang naman na makialam ako sa mga school matters kasi I am part of it and if God wills it gusto ko rin talagang mapunta sa highest position ng studentry ng College, ang Student Council President, why not masaya ang maglingkod.

Malapit na rin naman ang pasukan ilang linggo na lang yan. It is good to plan na rin para sa pasukan...

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket