Ako'y masyadong nalungkot ng malaman ko noong June ang pagka-dissolve ng CABSAT (Christian Association for Brotherhood, Services and Truth)... Ito ang mga lumabas na balita na wala na nga ang CABSAT pero nagtataka ako dahil sa mga record ng mga recognized organization ay nandoon pa rin ito... Nagawa ko na ang mga initiatives ko in the absence ng CABSAT, yung "Word Made Flesh."
Noong Lunes habang kami ay busy sa SC sa pag-peprapare sa mga kakailanganin sa Induction Program nakita ko ulit ang list ng mga recognized org at lumalabas na hindi pa pala ito dissolved... Pumunta ako sa SAC (Student Activities Coordinator) at sabi ni Dr. Tony hindi pa dissolve ito... Na-shock talaga ako sa narinig ko... Agad kong tinext ang Adviser ng CABSAT, si Ma'am Charm na English teacher namin... At napagkasunduan namin na magcoconduct na lang ako ng isang emergency reorganizational meeting... We need to do this because if it will not be conducted the CABSAT will truly be not recognized...
Naganap nga ang reorganizational... Marami rin naman ang nag-attend... Aaminin ko na may motibo ako para maging President ng org na ito dahil gusto kung magkaroon ng pagbabago sa nakaraang administration, hindi kasi naging active ito... Tinanong ko ang SC President kung allowed akong ma-elect, and the answer was yes... At nanalo nga akong President...
Kaya ngayon nag-iisip na ako ng mga programs, isa na rito ang Wednesday or Friday habit, isang prayer meeting evry Wednesday or Friday... Iniisip ko rin ang katuparan ng minimithi ni Ma'am Charm na retreat sa Foyer... At isa sa pinakamimithi ko ay ang pagcelebrate ng (National) Bible Week sa College...
I will be conducting the first meeting sa Lunes with our Adviser...
No comments:
Post a Comment