On the spot report without any materials in Filipino 6
Hindi sana ako mag-oon the spot reporting kung si Dr. Coma or Mamang (we call her Mamang because she is our adviser) ay hindi makakalimutin... Imagine noong Wednesday sabi niya "hindi muna kayo mag-rereport para mas maayos sa Lunes na lang at magkakaroon tayo ng ebalwasyon sa nakaraang pag-uulat" iyan ang sinabi niya mismo sa akin...
Pero noong Biyernes, natapos na ang huling ulat ng naunang grupo. Biglang sabi niya na susunod na raw ang grupo namin... Kaya nag-complain ako dahil hindi ko inaasahan na ngayon na pala ang reporting... Sinabi ko na pinanghahawakan ko ang sinabi niya noong Miyerkules pero parang uminit ng kaunti ang ulo niya kaya sinabi ko na mag-uulat na lang ako on the spot...
Pumunta na ako sa harapan at ipinakilala ko muna ang aming iuulat... Nag-ulat nga ako tungkol sa pagsasaling-wika (translation) kahit wala ang aking mga visual aids or what we call Manila Paper technology... Opo, Manila Paper technology lang po ang gamit ko, as in nagsusulat sa Manila Paper para magkaroon ng ipapakopya, wala kasing OHP or multi media projector kaya magtiis na lang sa Manila Paper...
Wala yung script na ginwa ko kaya wala akong mabasa, eh nandoon pa naman ang mga analysis ko sa akong ulat... Kaya ginamit ko na lang yung photocopy ng librong pinagkunan ko ng aking report... Habang ipinabasa ko ang ilang parte ay nag-aanalize naman ako para maihatid ko ng malinaw ang aralin... Sa kabutihang palad natapos ko naman ang pag-uulat ng maayos... Ni walang mga nagtanong... meaning naiintindihan nila ng mabuti ang report ko...
Thank you God dahil hindi ako natakot sa aking pag-rereport...
Next report ko will be in our History Class... topic about the Spanish Rule in the Philippines, I am actually ready na pero I need to research some parts pa...
No comments:
Post a Comment