Bumuhos talaga ang luha kanina sa Social Hall nang ganapin ang Culminating Activity ng aming mga Korean friends... Kasi naman last day na nila sa school at this means its time to say goodbye for the moment... Kung magkikita-kita man kami ulit time will come and only God will know...
Syempre, ang inyong lingkod hindi napaluha... Mamasa-masa lang ang mata pero walang pumatak... Syempre hindi mo naman talaga mapipigilan ang emotions kasi iiwanan ka na nila, silang mga kaibigan mo ng 18 days, short period man pero naging close kami as in very close dahil nakatulong kami sa kanilang pag-aaral ng English... As in kami lang naman kasi ang section as in section na nagkaroon ng exclusive privilege na magturo ng English sa mga Koreans... Eh, di syempre iba talaga ang aming naging bonding... Kami lang naman kasi ang nagpasaya sa mga class na naganap... Isipin mo na mula sa isang room na sila ay serious na nag-aaral pag pumunta na sila sa amin ang lesson naituturo pa rin pero may happiness sa atmosphere hindi borikito (boring)...
Kanina nga sa Program, hindi ko inexpect na may ibibigay na souvenir yung isang Koreano sa akin... Binigyan ko kasi siya ng bracelet na ipinabili ko sa St. Pauls... Eh Christian namn siya at gustong-gusto niya yung binigay ko... Kanina lumapit siya sa akin at ibinigay naman niya ang kanyang isang University uniform sa akin... As in nabigla ako dahil hindi ko ineexpect na ibibigay niya yun sa akin...Pero sabi niya salamat raw kasi marami akong naitulong sa kanya... Muntik pa talaga akong mapaluha kanina ngunit ayaw lumabas ng luha kasi ang iniisip ko ay dapat akong maging masaya... Kailangang alaways smiling...
At yun nga nagtapos na ang Program at kinailangan na talaga nilang umalis dahil malapit na ang kanilang flight pabalik ng Seoul, South Korea... Pero bago yan nagkaroon muna ng pagawit sa Auld Lang Syne at dito hindi na napigilan pa ng mga classmates ko ang humagulgol sa pag-iyak... At pati mga Koreans umiyak...
At nawala na nga sila at nasabi na namin ang goodbye namin sa isa't isa... At sa kabuuan nabigyan ako ng isang picture, isang golf ball, ang t-shirt at isang accessory... Wala na ang bus at pumunta naman kami sa likod ng Main building papunta sa may College Dormitory kung saan tumutuloy ang favorite naming Professor, Ma'am Charm... At doon nagsiiayak na kaming lahat pati ako na hindi nagpapakita ng emotion napaluha ng kunti... Minsan pa lang akong umiyak sa school noong 2007 Intrams ng mapuno ako na muntik mag-collapse dahil sa pagod...
Bilang pagpapasalamat naman kay Prof. Charmagne Balantac, ibinigay namin sa kanya ang isang cake bilang pagpapasalamat sa kanya dahil kung hindi sa kanya hindi kami magkakaroon ng exclusive access with the Koreans... Kinain namin ang cake malapit sa flagpole kung saan nakikita kami ng maraming tao... Well, ikinain na lang namin ang kalungkutang nararamdaman namin... Ngunit masama pa rin ang pakiramdam namin, I am sure marami na ngayon ang binaha ang kwarto dahil sa pagsesenti...
Tapos na ang isang kabanata ng paglalakbay namin bilang mga English majors...
No comments:
Post a Comment