WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Wednesday, July 2, 2008

Korean Teacer na rin ako!

Napakagadang experience ito dahil naranasan ko na rin ang magturo sa mga Koreans. Currently kasi ang MMSU-College of Teacher Education ay host ng mga Korean Students frong Kyung Hee University in Seoul, South Korea.

Originally, students were not allowed by the Administration to teach them kasi kaunti lang sila ngayon 40 lang ata di gaya last year na talagang marami sila. Pero dahil ang mga Koreans ngayon ay mga College Students they wanted na makipag-kilala sa mga CTE Students. Eh, syempre ang pinakaunang mga tatawagin ay ang mga English Majors, and I am a proud English Major. This is the reward na rin of being an English Major because you get to teach these Korean Students.

Generally, friendly naman sila dahil hindi talaga sila shy, kami nga ang parang shy eh sila hindi sila nahihiyang lumapit. Kaya yun naging malapit na rin kami sa kanila.

Kanina ngang umaga dahil wala ang teacher namin sa Iluko Lit, tinawag kami ng Prof namin sa English 102 (Syntax and Grammar) upang maging mga subordinate teachers sa mga Koreans. At yun nga naki-join kami sa kanilang Class.

At ang napunta sa amin ay isang Koreano na ang pangalan ay RAY. Mabait siya in fairness. Talagang mabait. Sabi niya first time lang daw niya na mag-aral ng English pero I could say na talagang magaling na siya sa lagay na iyon kasi he can already speak easily unlike his other companions na nag-iisip pa ng sasabihin. Well, ang itinuro namin sa kanila ay ang mga vowel sounds ng International Phonetic Alphabet. Talagang magaling si Ray kasi madali siyang matuto. I could really say that he is eager to learn, willing to learn, and has the intelligence and good attitude unlike the others who are quite noisy and lazy.

Nagkaroon lang nga ng mga kahirapan sa pagtuturo dahil sa letters "l" and "r". Ayon kay Ray ang "l" and "r" raw sa Korean ay may iisang katumbas lamang which is "la" kaya binababasa nila ang "read" as "lead" dahil nga dito sa confusion na ito. Pero siyempre inexplain namin na in English "l" is [l] and "r" is [r].

Ang nakakatuwa pa kay Ray natandaan niya talaga ako kasi nang bumalik na sila kaninang tanghali namukhaan pa rin niya ako kaya nga nag-shake hands pa kami gaya ng sa mga fraternities. Ngayon kinaiinggitan ako ng ilan dahil bakit raw parang ang close namin... Hehehe... Huwag mag-isip ng mali...

We have some pictures with the Koreans but I will just post them some other time wala kasi yung card reader ko...

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket