WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Sunday, June 22, 2008

Ang Bagyong Si Frank... Bow...

Grabe... habang ang Kamaynilaan, Iloilo at iba pang lugar ay binabayo ng mga pag-uulan dulot ni Bagyong Frank nandito ang Laoag binabayo naman ng matinding init ng panahon...

Kahapon, syempre hindi ko pa inaakalang daraan ang bagyo kaya nasa city ako, punta Church then punta sa School para sa SC preparations... Pagsapit ng hapon, yan na narinig na namin ang unang utot ni Governor ay este ang siren pala (parang palaging red alaert ang Laoag dahil sa siren na ito) na mula sa Provincial Capitol... Syempre mapapatigil ka kasi usually 12 noon lang ang siren eh lampas 12 na meaning signal na yan ng bagyo... Okay signal no. 1 tirik pa rin ang araw ni walang hangin kang mararamdaman, napakainit... Then maghapon na ang nakalipas wala pa ring hanging dumaraan kahit ulan wala... Pagsapit ng 5:00 yan na may signal na ulit na wala sa oras (6:00 ang time ng siren) signal no. 2 na pero wala pa ring ulan at hangin...

Abah, ano to iniiwasan ang Laoag... Ayaw umulan...Buong gabing napakainit walang ulan... Kagabi sinabi ng DepEd na suspended ang klase sa lahat ng antas kasama ang Ilocos Norte... pero kaninang umaga hindi na ako makapakali kasi mag-ispeech ako sa school... Kaya text dito text diyan na ako... Pero walang sumasagot, eh signal no. 1 na lang pala kaya meaning may klase na ang College... eh di syempre being a good student punta ako sa school... Nagpatuloy ang SC rally at ako nga ay officially elected na kaya busy na ulit ang life ko... Abah tirik pa rin ang araw kahit sinabi ng PAG-ASA na sa hapon ng Lunes halos nasa tabi lang ng Laoag ang Bagyo... Its a miracle wala ni ulan kaninang umaga hanggang kaninang hapon... Umambon ng napakaikling time then ngayon malalakas na hangin na ang nararamdaman pero wala pa ring ulan... Parang walang bagyo...

Kaya joke nila kaninang umaga sa school, hindi signal no. 2 ang Laoag dahil sa Bagyo kundi signal no. 2 sa kainitan ng panahon... Mabuti rin naman yun na hindi talagang naapektuhan ng Bagyo ang Laoag kasi start na ng planting ng rice dito sa amin pero sana naman umulan kahit kunti para na-refresh ang mainit na climate...

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket