WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Thursday, June 5, 2008

"...not only a mere profession but also a vocation and at the same time a mission!"

"Teaching is not only a mere profession but also a vocation and at the same time a mission," ito ang mga katagang talagang tumatak sa aking isipan noong magkaroon ng Thanksgiving Mass sa school noong pang March (di ko na nai-post noon busy kasi) sa pangunguna ni Fr. Engelbert Elarmo ng Immaculate Concepcion Parish, Batac City.

Minsan pa muling naipaalala sa akin na tunay ngang hindi ko pinili ang maging isang titser. Ewan ko nga ba kasi ni minsan sa aking pagkabata di ko ninais na maging titser iniisip ko palagi na parang wala akong K para dito. Pero habang papalapit noon ang oras ng pagdedesisyon walang pag-aatubili kong pinili ang Education. At sa aking mga reflections na isip ko na talaga palang mas mabuti na ito ang aking pinili dahil nandito ang aking puso. Hilig ko kasing mag-aral kahit di kailangang pag-aralan pinag-aaralan ko kaya kung gayon ako bakit di na lang ako mag-Education. Tamang-tama ito ang aking pinili ang maging titser.

Sa Mass na iyon na-realize kong ako'y nag-fufulfill lamang sa aking bokasyon, ang maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paghubog sa bawat anak Niya dito sa mundo. Na-realize kong kakaiba ang bokasyon na ito dahil ako ay isang instrumento upang buuin ang lipunang ito.

Sabi nga nila ang influence ng teacher ay infinite, hindi tumitigil kaya masasabing ito ay isang sensitibong misyon. Kasi kapag ikaw ay nakapagturo ng isang kamalian maipapasa ito hanggang sa hindi maitutuwid ang kamaliang nagawa mo. Kaya ang isang teacher ay dapat maingat sa mga itinuturo niya.

Isa pa sa talagang napakagandang sermon ni Fr. Engelbert ay nang ihalintulad niya ang teacher bilang isang ilaw at walis... Sa Ilokano ang ILAW ay SILAW... tignan po ninyo kung paano niya iniugnay ang SILAW at WALIS.

Sabi niya tamang-tama raw ang pangalan ng awarding ceremony namin (SILAW Awards) dahil ang mga teachers ay mga tunay na "silaw" ng mundo. Sila ang taga-pagdala ng "silaw" sa mga tao dahil sa pamamagitan ng kanilang walang kapagurang pagtuturo tayo ay nabibigayan ng kaliwanagan sa mga bagay-bagay. Kumuha siya ng isang kandila at sinindihan tapos naddemonstrate siya. Tinanong niya kung ano ang mangyayari kapag inilagay sa apoy ang papel, plastic, at metal. Sabi niya lahat ay siguradong maaapektuhan either masusunog, matutunaw, o mag-iinit. Ganito raw ang titser kahit sinuman ay maaari niyang maimpluwensiyahan. Marami siyang gamit.

Then pagkatapos nito binaliktad niya ang word na SILAW ginawa niyang WALIS... SILAW=WALIS... Sabi niya ang isang teacher kung gayon bilang isang SILAW ay kailangan maging isang WALIS daw ang titser sa lipuna. Sa pamamagitan ng kanyang mga turo at ikinikilos kailangang maipakita niya ang magagandang asal. At siya dapat ang maging daan upang mabago ang lipunan. Dapat niyang walisin ang iba't ibang uri ng sakit ng lipunan sa pamamagitan ng kanyang pagtuturo na ang kanyang mga itinuturo ay dapat ma-absorb ng kanyang mga estudyante upang mula sa simulain na ito unti-unting mawawalis ang mga sakit ng ating lipunan.

Sana maging ganito ako, ngunit di lang ako kundi tayong lahat, isang SILAW na makakatulong pa sa lipunan bilang isang WALIS.

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket