WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Thursday, June 5, 2008

The Very Inspiring Beginning!

Normal lang naman sa isang tao na maghangad ng kaligayahan sa buhay niya dahil hindi maipagkakaila na sa ating pamamalagi sa mundong ito marami tayong nararanasan na mga paghihirap. At ang kaligayan, ang eternal happiness ang ating goal sa ating buhay.

Hindi naman sa dahil sinasabi kong huwag nating tatanggapin ang mga paghihirap na nararanasan natin ngunit kung minsan tayo rin ay nauuhaw sa pagiging maligaya paminsan-minsan habang ipinagpapatuloy natin ang paglalakbay. Kaya ang Diyos kapag nakikita niyang kailangan na ng isang bagay para mabuhayan tayo ng loob ay hindi nag-aatubiling ibigay nga ito. Binibigyan niya tayo ng mga bagay na magiging inspirasyon natin upang maipagpatuloy ang laban hanggang sa tayo'y makarating sa Kanya, ang ultimate happiness.

At ngayon sa pagsisimula muli ng pagpapatuloy ng kwento ng aking buhay sa College, ako'y binigayan ng Diyos ng panibagong inspirasyon na siyang makapagbibigay ng hingit na lakas ng loob upang ipagpatuloy ang aking laban.

Aking mithiin na ako'y makatapos ng pag-aaral na hindi masyadong gagasto ang aking mga magulang para sa aking pag-aaral. Kaya sa dinami-dami ng University o College na aking papasukan iisa lang ang aking ginustong pasukan ang Mariano Marcos State University. Alam ko naman na kahit sa Maynila ko pa gustuhin pumasok kakayanin nila pero ako, ako ang tumatanggi sa mga offerings na ganito. Ano pang silbi na ako'y lumayo pa sa aking hometown kung Education lang naman ang kukunin ko. Bakit pa ako lalayo eh ang MMSU-CTE naman ay historically one of the first original institutions of teacher education sa bansa? Anong sense ng pag-aaral pa sa ibang lugar kung ang College na ito ay talagang dekalidad naman? Ang supplier ng karamihan sa mga teachers ng Ilocos Region at pati rin sa mga kalapit na Probinsya? Isa pa makakamura ka pa dahil State University nga may subsidy talaga mula sa Gobyerno di tulad ng UP na no. 1 ngang State University ng bansa pero mahal naman (Iskolar ng bayan pa ba kayo?)

Di ko alam kung saan ko nakuha ang ganitong mentality na maging conscious pagdating sa paggasta. Maaaring sabihin ninyo "Ilokano ka kasi kaya kuripot ka!" Pero para sabihin ko naman ang mga Ilokano ay hindi kuripot it is just may pagpapahalaga sa pinagpaguran, hindi basta gagasta kung walang justification. Ewan ko pero ganito ako masyadong conscious sa paggasta, dumarating pa talaga ang time na pinagdadamutan ko talaga ang sarili ko. Pinalaki kasi akong hindi humahawak ng pera kaya kapag may hinahawakan akong kahit anong amount halos kunti lang ang nagagasta at lahat ng natitira automatic na bumabalik sa nanay ko.

By the way, too much with that patalastas about me... Natanggap ko nga ang isang inspirasyon... opo I consider this as a inspiration sa aking pag-aaral... Na-retain po kasi ang aking pagiging isang COLLEGE SCHOLAR... eh di siyempre mas may subsidy pa akong natanggap... halos wala na akong binayaran kasi pagkatapos ng sem makakatanggap pa ako ng stipend... Tamang-tama talaga ang pagbibigay ng Diyos sa akin ng inspirasyon... Ibinibigay niya ito sa pagkakataong nawawalan na ako ng gana... Kasi being a College scholar means greater expectation sa part ko dahil academically ako ay Scholar, hindi ko naman hinanap ito upang mapunta sa akin kundi ibinigay bilang palit ng pagsisikap ko... Kaya ngayon mas patitindihin ko pa ang aking pagsisikap upang hindi lamang College Scholar kundi University Scholar pa (wish ko lang, di naman ako ganun kagaling)...

Pero aaminin ko na minimithi ko rin itong makuha kasi since high school academic scholar na ako... Para bang kahit wala na akong makuha pang mga medalya sa aking pagtatapos o kahit ano pang karangalan (oooppppsss... pero syempre mithiin ko pa rin magkaroon ng Latin honors sa aking pagtatapos sa College) basta academic scholar ako.

Ito ang aking pangako, na aking i-reretain ito sa aking makakaya at sa tulong ng Diyos. Kaawaan nawa ako ng Diyos!

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket