WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Sunday, June 15, 2008

The Wedding (hindi ako naka-attend)... gusto ko lang ikwento...

Hindi nga ako naka-attend sa wedding na ito dahil hindi ko maiwan ang school. Mahirap na kasing lumiban sa klase. Bakit ko pa nga ba kailangan ikwento to kung wala rin naman ako sa eksena? Hehehehe...

Ang pagkakaalam ng marami ako ang eldest son ng tatay ko. Pwes aking ilalahad na ang katotohanan. Hindi po ako ang tunay na eldest son ng tatay ko. Bale may kuya ako in real life, as in biologically kuya ko siya na anak ng tatay ko sa kanyang pagkabinata. Nobody's perfect. Bago pa man ang nanay ko nagkaroon na nang anak ang tatay ko at siya ang Kuya Gilbert ko. Bale ako ang eldest sa pangalawang pamilya ng tatay ko (as if naman nagkaroon siya ng first). At dahil sa mga hindi maaaring ilahad na dahilan napilitan na lang na ipaampon ang kuya ko sa tito ko rin sa father side kaya nanatili pa rin siyang isang Vertido. Alam rin naman ng buong angkan ang tungkol dito at sa mura kong edad at least ng magka-isip na ako alam ko na lahat ang mga basic na secrets ng pamilya namin tulad nito. Hindi naman ipinagkait na malaman ko ito ng nanay ko.

Maiba tayo, ating ipagpatuloy na natin ang kwento tungkol sa kasal. Ang kasal ay kasal ng kuya ko at ng kanyang pinakamamahal na si ate Karen. Ginanap lang naman ang kasal sa Pampanga kaya hindi talaga ako naka-attend kasi mas mahalaga pa rin naman ang school para sa akin at saka malayo siya hindi ko gustong mapagod sa paglalakbay. Kaya ang pumunta lang sa aming pamilya ay ang nanay, tatay at ang bunso namin. Halos kaunti rin lang naman ang umattend sa buo naming angkan, at least representatives lang ng bawat pamilya dahil nga malayo at nag-umpisana ang klase.

Pero ng makita ang mga pictures sabi ko sana nandoon rin ako. Enjoy pala ang pumunta doon. Hehehehe... Sayang sana nakapunta na rin ako sa Pampanga sa Express Way ko lang kasi nadadaanan... Hehehehe... At sana kung nakapunta ako eh di nakilala ko lang naman sana ang sikat na pulitikong pari na si Among Ed Panlillo, ang Gobernador ng Pampanga, tingnan ang picture:

Eh di sana kung pumunta ako di lang sa TV ko siya nakikita... hehehehe... Para na-interview ko rin sana siya. Abah akalain mo raw magaling siyang mag-Iloko. Paano ba naman kasi sa Vigan lang naman siya na-ordain kaya natuto ng Iloko. Abah maganda rin sanang experience ang makilala ko siya. Frustrated talaga ako dahil hindi ako sumama. Buti pa ang bunso namin nakasama.

Abah, bigatin pala ang mga bisita sa wedding. Balita ko nga mga commisioner daw ng mga government offices ang present. Abah, abah, abah...

Buti pa mga cousins ko naka-attend... hehehehe... uy hindi lahat sa picture mga cousin ko, yun lang mga teens ang cousins ko... yang mga matatanda mga tita at tito ang mga yan...

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket