Kahapon, kagaya ng aming napagkasunduan na mga SC officers para ready ang lahat at mas maganda ang aming pagseserbisyo sa mga kapwa mag-aaral, kami ay nag-reconstruct sa Student Center at gumawa ng mga plano para sa mga darating na activities ng school.
Napilitan kaming mag-exceed ng isang oras sa target time namin na 5:00 PM. Imagine 6:00 ng gabi, Sunday, umuulan pa, nasa school kami pero this is in the name of service although parang its unfair kasi that was God's day pero syempre naman ako Misa muna bago ang iba. Kaya nag-extend nga kami hanggang 6:00.
Nakikinig kami ng radyo at katatapos lang ng Angelus... 6 na kasi at expected na kahit may tao pa sa SC office eh kailangan na talagang umuwi... Biglang may pito kaming narinig, akala namin ito ay mula sa mga guards usually ganun kasi ginagawa nila. Kaya nagligpit na kami... Nagpapatuloy ang mga pito... Kaya kinabahan na ang iba sa amin kasi iba na rin ang pinanggagalingan ng pito... Nakababa na ako noon kaya wala nang problema sa akin... Ang SC office ay nasa dulong left ng building at ang pito na naririnig nila ay galing sa Social Hall na nasa dulong right naman... Tumingin ang isang kasamahan namin doon sa Social Hall pero wala namang guard... Kaya kinabahan na sila at kumaripas ng takbo pababa... Nang nasa baba na kami, nagtataka na talaga sila kung sino ang pumipito eh wala namang tao.
Nagtanong kami sa mga guards kung may pumito o nagronda na bang kasama nila. Ang sagot nila wala. Kinabahan na talaga kami. Kami nga ba ay minulto kahapon. Kung guni-guni lang bakit narinig naming lahat?
Sa loob ng College ay may girls dormitory, marami kaming nakasalubong na mga nag-dodorm sa school at naikwento namin ang mga pangyayari. Hayan na lumbas na ang mga iba't ibang kwento nila kapag gabi sa school. Minsan raw naka-ilaw ang buong SC office at kapag 10:00 lang yun, eh sa katunayan walang ilaw na nakabukas sa buong building kapag gabi. Isang pang pagkakataon raw may nakikita silang nakaputi sa garage area ng school. Kung minsan mismong sa dorm may umiiyak kapag gabing bata.
Nakakatakot talaga sa school na to, kasi one time raw may nagparamdam talaga sa mga estudyante habang nag-kaklase sila. Kaya yun nagpabendisyon pa raw sila sa pari para lang mawala yung nagparamdam. Okay, let see its history.
Ang College ay ang pinakamatandang College sa MMSU, since 1918. Ito ang isa sa pinakaunang kolehiyo ng mga teachers sa buong Pilipinas. Ang current main building ng College ay ipinatayo pa back 1946. Pero kung titingnan mo yung nakasulat sa building, ang katotohanan ay reconstruction lang pala pagkatpos ng war. Kaya ba may mga multo dahil sa inukupa rin ng mga Hapon ang school... Baka maraming namtay dito...
Well, God is good. He will protect us. But natatakot na akong mag-second sem dahil kaming mga lower years lang ang matitira sa SC wala na ang mga higher, practice teaching na kasi nila nun... Wala sanang magparamdam...
No comments:
Post a Comment