WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Sunday, March 23, 2008

Matatapos na kaya?

Ito ang matagal ko nang pinapangarap ang matapos na ang NSTP - CWTS 2 na subject ko ngayong sem. Ito na yata ang pinakakakaibang CWTS sa lahat. Hindi lang naglilinis at kung anu-ano pa kasi ang sa amin talagang kailangang may project oputput, may accomplishment report with financial statement.

Ito na ang pinakamahirap na subject para sa akin sa sem na ito buti pa ang Trigo na kinakatkutan ko nairaos ko ngunit ang subject na ito hanggang ngayon hindi pa tapos. Imagine naman may pa-defense-defense pang nalalaman ang mga professors namin. Ano 'to thesis.

Ang dami ko nang nasayang na pera para lamang sa subject na ito. Buti na lang at bukas matatapos na ang kalbaryo ng second sem ko.

Marami mang pagsubok na dumating ipinapasa-Diyos ko lang ang lahat para ang lahat ay matapos ng maluwalhati. At effective pala ito. Hanggang sa ngayon hindi pa naman ako nagkakaproblema sa ibang subjects ko.

Thank you Lord dahil matatapos na rin ang First year ko. Ilang taon na lang malapit na. Looking forward for my graduation. Nakakainggit nga ang mga magtatapos parang gusto ko na ulit grumaduate. Pero darating din tayo diyan malapit na. Diyos ang gagabay sa akin sa aking paglalakbay sa College.

No comments:

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket