WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Thursday, April 24, 2008

Si Mark!

Ako si Mark. Sa dami dami ng pangalan naman na pwedeng ibigay napunta sa akin ang pangalan na Mark. Maybe ipinangalan sa akin itong pangalan na ito dahil baka sikat ito noon kasi sa batch ko sa elementary man o high school marami ang may first name na Mark.

Sabi naman ng nanay ko bigla na alang daw naisip ng tatay ko ang pangalan na ito, ni hindi pa nga raw ikinunsulta ng tatay ko sa nanay ko nang isilang ako. Well, thankful din naman ako dahil ipinangalan ako sa isa sa mga Evangelist, si St. Mark.

Ngayon pala ang feastday ni St. Mark. Kaarawan namin... hehehehe... kaya araw ko 'to... Pero kaninang umaga parang kamalasan ulit ang naranasan ko... Akala ko ba araw ko 'to? May pinuntahan ako kaninang umaga, wala akong kasama sa bahay, di syempre natural magsasara ako ng bahay... Umalis na ako pero nang nasa pupuntahan na ako bigla kong naisip hindi ka ata nadala ang susi... Hinalungakat ko mga gamit ko wala nga... Wala na naman akong susi... Umuwi ako balisang-balisa, hindi alam ang gagawin, ayoko na kasing mag-astang akyat bahay ulit...

Dahil sa aking pagkabalisa at pag-iisip naglakad na lang ako pauwi kahit napakalayo pa ng bahay namin... Talagang lakad lang ng lakad... Dumating na ako sa bahay namin... Bago ko hawakan ang door knob sinabi ko sana di ko nailock ang pinto.... tentenenen... hindi nga nai-lock... yes nakapasok ulit ako...

Salamat kay St. Mark di pala niya ako pinabayaan... hehehe...

Na-realize ko nung isang araw napakaganda pala ng pangalan ko dahil ako'y naipangalan kay St. Mark... At sa isip-isip ko kung ito ang ibinigay sa akin na pangalan kung gayon mayroon pala akong misyon na ihayag rin ang Mabuting Balita gaya ni St. Mark... kaya ipinapangako ko sa sarili ko at sa Diyos na gagawin ko ang lahat upang magampanan ko ang misyong ito...

Sancte Marce, ora pro nobis.

Thursday, April 17, 2008

Nasagasaan siya ng Bus: Pag-alala kay Sir Lumabao...

(inspired by the post of Kuya Dave)

Nasagasaan din siya ng bus!

Si Mr. Alex Lumabao ay ang aking section adviser noong 3rd year high school ako na lubos na napamahal sa akin dahil sa kanyang natural na kabaitan at kabutihan... Mabuti siyang tao sa katunayan every afternoon pagkatapos ng cleaning time sa school hinihimok niya kami para sa isang prayer meeting sa katotohanang wala kami sa isang religious school... Sa katunayan hindi Katoliko si Sir dati lang ngunit siya ay isang Baptist at sa katunayan malapit na sana siyang maging isang pastor ng Baptist...

Ang mga pangyayari ay naganap isang hapon, mismong Linggo iyon noong 2005. Ayon sa mga nakakaalam si Mr. Alex Lumabao ay nanggaling umano sa bahay ng isang estudyante niya. Umuwi siya mga alas dos ng hapon... Ang hindi ko alam dumaan pa pala siya sa aming bahay bago siya naaksidente... Gamit niya palagi ang kanyang motor...

Main way kasi ng mga sasakyan ang kalsada sa harapan ng bahay namin kaya dumaan siya doon... Ngunit Linggo iyon halos walang mga sasakyan na dumaraan... iilan lang dahil Linggo nga... At saka alas dos iyon ng hapon halos tulog ang mga tao kasi siesta time... Dumaan na nga siya at pagdating sa isang crossing (ito ay ang crossing ng Sacred Heart Chapela, mga dalawang crossing mula sa bahay namin) isang bus ang biglang sumulpot at iyon hindi na siya nakapagpreno pa tuloy-tuloy hanggang sa siya ay nahagip na ng bus (ang bus company ay pag-aari ni Chavit Singson yung Partas na may terminal sa Cubao)... Mayroong mga iilang nakakita naman sa pangyayari... Kaya nasaklulohan siya... Ayon sa mga nakakita noong nasagasaan na siya hindi pa siya patay ngunit ang driver umano ng bus ay astang itutuloy na lang ang pagsagasa sa kanya para mamatay siya pero sinuway siya ng mga tao...

Dinala nga siya sa pinakamalapit na hospital... Sa pagkakataon namang iyon ang nanay ko ay kagagaling lang ng palengke may binili... Dumaan raw siya sa pinangayarian at kitang-kita umano ang dugo na nagkalat sa daan at yung motor ay yuping-yupi... Ngunit hindi niya alam na si Sir pala ang naaksidente...

Kinabukasan sa school kumalat na ang balita na nasagasaan nga raw si Sir... Doon ko lang nalaman ang tungkol dito... Gulat na gulat talaga ako dahil napakalapit lamang ng pangyayari ngunit hindi ko nalaman ito ng araw na iyon... Nang tangahali ng araw na iyon pumunta kami sa hospital na pinagdalhan sa kanya... Napakasakit na encounter sa kanya dahil hindi na niya kami maalala... Talagang kukulo ang dugo mo kung malalaman mong nagbigay lamang ang bus company ng P50,000 eh sa totoo lang kulang na kulang ito... Pero anong magagawa namin... Mismong pamilya hindi na nagsampa pa ng kaso...

Dinala siya kaagad sa La Union upang ipa-opera... Pagkatapos ng ilang buwan bumalik na siya sa Laoag sa bahay nila...

Binisita namin siya sa isang pagkakataon... Maaawa ka talaga sa kanyang kalagayan sapagkat yung 1/4 ng skull niya ay tinanggal upang maooperahan ang ulo niya... Tapos yung part na iyon ng skull niya ay inilagay sa may tiyan niya at gagamitin sana kapag gumaling na siya... Nakakaawa, makikita mo yung ulo niya na wala nang shape... Baldado at halos hindi makapagsalita... At hindi ka na niya maalala pa...

At kamakailan lang bago mag-Holy Week pumanaw na ang mabuting adviser ko... Ang nakakalungkot hindi na ako nakapunta pa sa burol niya kasi busy na talaga ako noon sa school... Panalangin na lamang ang aking maibibigay sa kanya...

Alam kong siya ay nasa langit ngayon at ipignagdarasal kaming mga estudyante niya na dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaroon kami ng isang bonding na hindi basta-basta mabubuwag... Na-develop namin ang isang samahan na parang magkakapatid na ang tatay namin ay si Sir...

I love you Sir!

Tuesday, April 15, 2008

HAPPY BIRTHDAY YOUR HOLINESS!

HAPPY BIRTHDAY YOUR HOLINESS!

THE 81st BIRTHDAY

OF

HIS HOLINESS POPE BENEDICT XVI

APRIL 16, 1927

The Past School Year...

The past school year I have discovered many things in me that I thought I can never be.

The past school year I learned that I can sing. I learned that I have the talent to sing. How? I just auditioned for the College Choir. That day when the auditions was held I was not feeling anwell to take a class in Filipino 4 because I was always getting sleepy in this class. My classmates said there is an audition for the College Choir. I said to myself why not join the audition this is a way to get rid of the sleepy class in Filipino 4. I joined the audition having no preparations. Actually before I sang, I just wrote the lyrics of the song that I will sing because I was nervous that I may forget the lyrics while singing. The song that I sang was the Bukas Palad hit, God of Silence in a tenor style. And I succeed, going to two more auditions. And at last I was an official member already. Although this was already the last year in the choir for our current choir master, Dr. Mary Lou Aurelio, Ed.D., because she will retire already, at least I get a chance to work with her. This year I got the chance to perform in front of many people at the Teatro Ilocandia (swerte na ako hindi lahat may chance). And our choir was awarded as the most active interest club in the whole university.

The past school year I discovered that I can be also at the top if I will strive in my studies. I realized that it was only my fear in the past that made me feel that I was always inferior to others. I realized that somehow I can be the superior one in school. At first, I thought I was just a regular student because my classmates, or let us just say competitors (because I know that they see me as a competitor, an enemy for them), were valedictorians, salutatorians, and all the honors but at the end I had realized that I was better than them. I am not being a hypocrite. But I can say I excelled to almost every subject except Math.

The past school year I discovered that I can be a leader also. I thought I will be always a follower but this year it showed that I was not to be a follower forever I can also be a leader. And it shows that it is right to say that if you want to be a good leader you should be a good follower. And I governed an organization, and in the end I have led this organization into what it is now. The leader in me is awaken.

The past school year many unexpected things happened to me. If before I was a nobody at school today I have become somehow someone to reckon with. I made a mark already in school and I realized that if I will be assertive I can succeed also in my school career.

But still I should not forget the fact that I should always see to it that I my feet is always set on the ground. I have nothing. To God be the Glory! And if I gain any praise let it go to Calvary!

Sunday, April 13, 2008

The Unexpected Text Message!

Sa dami-rami naman ng mga mag-tetext sa akin hindi ko akalain na i-tetext ako ni Ate Rachel, isang third year student sa CTE na naging friend ko kamakailan dahil sa isang favor na ginawa ko para sa kanya.

Pero ang nakapagtataka ay iyong text niya. May gustong iparating. Sinasabi ba naman niya na "I have the strong feeling that you're really a leader" (kasi for the past school year Governor ako). Ang sabi ko naman sa sarili ko hindi naman ako magaling naglilingkod lamang sa abot ng aking makakaya upang magampanan ko ang aking posisyon na ibinigay ng aking mga fellow freshmen dahil sa kanilang pagtitiwala sa akin.

Tapos sabi niya "I believe in you." Teka, wait. Bakit parang nararamdaman ko na nagpaparamdam siya. Parang alam na niya na for the next school year I'll be running in the Student Council. Actually, wala pang nakaaalam talaga ng tungkol sa pagtakbo ko kasi it is just a secret agreement at hindi naman pa rin ako umaasa na tatakbo nga talaga ako kasi I'll be holding a higher and will be given again much power with much responsibility. Kahit hindi ako dating Student Council Officer pero dahil ako ay palaging kasama sa Council Meetings at dahil palagi akong Student Volunteer sa mga projects nila, ramdam ko ang pagkakaroon ng mabigat ng responsibility nila.

Kung ganoon man na nalaman na niya na tatakbo ako, wala akong masasabi at least nagparamdm siya na she will support me. Kahit nga mga classmates ko at mga friends ko di ko pa sinasabi ito dahil ayokong umasa talaga na kukunin ako. Pagsinasabi nilang ikaw ulit ang magiging Governor namin next year, pasimple na lamang akong tumatanggi para mag-give way dito sa higher position pero if ever man I would love to serve again the same people that I have serve na in the past school year. Gusto ko lamang itong ihayag pagdating ng tamang panahon na kukunin na talaga ako.

Okay lang naman na makialam ako sa mga school matters kasi I am part of it and if God wills it gusto ko rin talagang mapunta sa highest position ng studentry ng College, ang Student Council President, why not masaya ang maglingkod.

Malapit na rin naman ang pasukan ilang linggo na lang yan. It is good to plan na rin para sa pasukan...

Saturday, April 12, 2008

What a Beautiful Sunday!

Its Good Shepherd Sunday! Its a beautiful day today. The sun is up in the sky.

Ngunit beautiful nga ba today?

For the first time in history, for three years na akong nakikisimba tuwing 7:30 sa Cathedral tuwing si Fr. Arellano ang presider, for the first time na nagdeliver siya ng pinakamaikling homily niya. Imagine kung datirati higit 15 minutes ang sermon niya ngayon for the first time halos hindi pa tumagal ng three minutes. Ang kunti, parang ipinaliwanag lang niya ang tungkol sa Good Shepherd parang wala akong naintindihan... Hindi masyadong deep yung explanation, hindi inspiring... Parang wala lang... Kung sa bagay nagpakita kasi ng napaka-aga yung baliw na palaging naninira sa kalagitnaan ng Misa... Yung baliw na minumura palagi si Father kaya baka nawala siya sa mood na mag-sermon.

What a beautiful Sunday!

Nasira lang naman ang cellphone ko... Hindi ko ma-open... Grabe bago lang yung battery ngayon bago na naman ang sira...

What a beautiful Sunday!

Akala ko yun lang ang mga mangyayari sa akin ngayon. I am expecting na good news naman ang makukuha ko sa susunod na pinuntahan ko pero heart breaking words pala ang matatanggap ko... Pumunta ako sa Parish Rector namin para may itanong, kasi may nagpapakamusta sa kanya, at mag-fofollow-up sana kung tuloy pa ba ang meeting namin with the Bishop or with Kuya Paul, ang Presidant ng Parish Council for the Youth... For 30 minutes hinintay ko siya kasi may kausap na other Priest... Hintay lang ako, sumakit na nga ang likod ko sa kakaupo at paghihintay sa kanya... Sa wakas lumabas rin siya... Maganda naman ang pagtanggap niya gaya ng dati... Sakto naman na dumating si Kuya Paul pero magsisimula na kasi Mass kakanta ata sila kaya hindi na kami nakapag-usap...

Sa huling beses kaming nag-usap ni Father sabi niya kung pwede ba akong magpakita ng ilang mga documents or something about sa aking proposals. Nagdala naman ako... Binasa niya... Pagkatapos sabi niya maganda, napakaganda pero... BUT... my proposals raw naman pala is very hard to approve kasi it my cause confusion raw sa mga tao, pinakamalala it can cause heresy (nagmumukha ba akong magdadala ng mga bagay heretic?)... Hindi naman ako erehe... Heart breaking talaga kasi noong una napaka-supportive niya pero bakit ganun nang mabasa na niya mga documants na ipinakita ko parang diniscourage na niya ako... Sabi niya consult the heirarchy first... Ano? Consult the Heirarchy? Kailangang ma-approve ng Catholic higher heirarchy muna ang ipinopropose ko bago ko iharap sa kanila... Mabigat raw kasi yung mithiin ng proposal ko... Baka hindi naintindihan ni Father yung nakasulat... Di ko lang alam... Hindi naman mabigat... Ang ganda ganda nga... At sabi niya huwag mo munang ipaparating yan sa Bishop... Nagkaroon na naman ba ng misunderstanding?

Na-discourage talaga ako sa mga sinabi niya kaya heto ako ngayon, depress sa mga pangyayari... Pinanghihinaan na nga ako ng loob noong Wednesday... ngayon mas pinanghinaan pa ako... Parang gusto ko na talagang i-quit... parang hindi ko na kakayanin pa... Bugbog na bugbog na ang aking puso't kaluluwa sa mga events na nagpapahina sa akin... Hindi na nga ako masyadong makatulog sa pagpaplano pero ngayon ganito pa ang narinig ko ulit...

Ay Apo! No amamakem nga nagpintas ni manggeg mo ita nga aldaw... No amamakem nga nagmayat ti aldaw ita... No amamakem nga ada ururayem nga napintas a balikas nga makapapigsa ti nakem mo... Apay nga kastoy kadi aya Apo ti napasamak kanniak? Nakapinpintas ti saritaan idi Miyerkules... Agragrag-o bassit ti pusok ta napapigsa ti nakem ko gapu iti nagpipintas nga imbagbaga na kanyak ngem apay kastoy... Haan aya nga naawat tay impabasak kenyana... Ay Dios Ko! Nalawlawag pay ngem lawag iti nakasurat... Maawatan pay pati iti ubing ti nakasurat... Nakapipintas ngem apay haan na nga naawatan nga nalaing iti nakasurat... Nasakit daytoy nga naubra kanyak... Talaga nga madlaw ko latta iti nakem ko nga napakapsutan nak gapu iti nangngeg ko... Kasla kayat ko pay ketdi nga bekkelen bagbaggi kon... Ngem napanunut ko nga daytoy ket maysa laeng nga padas para iti pammatik kenka... Maysa nga padas tapno mas tumibkerak koma a ngem mas kimmapsutak met ita... Apo, haan nak kadi nga baybay-an... Kaasiannak ken patibkerrem iti nakem ko ken pusok tapno malasatak dagitoy...

Kaawaan nawa ako ng Diyos!

What a beautiful Sunday! Wala nang pupuntahan ang mga plano ko! Ang inaasahang magaganap wala na! Sawing-kapalaran! Naka-ngiti ako ngunit sa aking puso masyado akong nasaktan dahil umasa ako sa isang bagay na walang kasiguruhan.

wasak na wasak ang puso ko....

Thursday, April 10, 2008

Inuubo ako!

Kahapon pa ako inuubo. Ewan ko nga ba kung bakit summer na summer inuubo ako. Wednesday pa lang talagang masakit na lalamunan ko. At kagabi lumala na at ngayon inuubo na ako.

Baka siguro dahil maainit sa umaga tapos malamig naman sa gabi iba na ang naging effect sa akin. At saka mahilig kasi akong uminom ng mga malalamig. Kung kailan I need to think very much ngayon ako nag-uubo-ubo. Hirap kayang mag-concentrate sa ginagawa mo kapag may ubo ka. Nawawala concentration ko.

I really need to think para makapagplano ng mga gagawin ko lalo pa't sa Monday, kung papalarin, I will have a very important appointment. An appointment that will have a very big impact on my life. I will meet lang naman one of the most important figure dito sa Laoag. I did not expect for this.

I thought matagal pa itong mangyayari kasi wala pa ako sa stage na iyon na kailangan ko na talaga siyang puntahan. Pero dahil sa pagkakataon, I will meet the Bishop of Laoag. Sino ba naman ako. Isang college student na dahil committed sa pinasok niyang ministry, sa hindi inaasahang pagkakataon, I will go to him to introduce some important matters. At ngayon inaayos na mismo ng Parish Priest namin itong meeting na ito. Ano ba? Mahiyain kaya ako. Pagharap nga lang sa Parish Priest nanginginig na ako, tapos ngayon mismong Bishop na, eh di hindi lang panginginig aabutin ko kundi sasakit na naman ang tiyan ko nito (nagkakaroon kasi ako ng hyperacidity kapag too much ang nerbiyos ko). Mamimilipit na naman ako sa sakit ng aking tiyan.

Anong sasabihin ko sa kanya... hindi ko alam. I need to plan na talaga. Pero paano ako makapag-iisip ng mabuti kung pahirap naman sa akin ang ubong ito. Hay buhay, puno ka talaga ng mga pangyayaring di inaasahan. Mabait rin naman siya dahil ilang ulit ko na rin siyang naka-face to face pero iba na yung kakausapin ka niya mismo. Highest ecclesiastical authority kaya siya sa Diocese, eh ako parang isang maliit na worker ant lamang na gustong makipag-usap sa queen ant (kung ganoon man ang paglalarawan). I am just a nobody.

But I am very excited about this, kasi I do not know what will be the effect on me kung matutuloy man ito. Pero I am expecting for his blessing. Monday malapit ka na, here I go!

God bless me!

Tuesday, April 8, 2008

Education versus Commercialization?

Kailan lang napabalita sa buong Laoag na ang Mayor ng Laoag City ay nagkaroon ng secret deal/transaction sa isang sikat na kumpanya ng mall sa bansa (di ko lang alam kung ano ang company na ito). Ibinunyag ito ng isa sa mga Councilor ng Laoag, Hon. Tito Lazo. Ang hindi katanggap-tanggap sa aking opinyon ay ang location ng pagpapatayuan nito ay sa isa sa pinaka-lumang elementary school dito, ang Laoag Central Elementary School.

Ano ito pagtataksil sa mga taga-Laoag? Isasakripisyo ang isang paaralan para sa Commercial Center?

Ano bang mas mahalaga iyang mall na iyan o ang pag-aaral ng mga bata? Sa totoo lang sa aking palagay, hindi kailanman kinakailangan ng mga taga-Laoag ang isang mall. Kahit pa sabihin pang wala pa ring mall sa Laoag hanggang ngayon. Sa tagal ng panahon, namuhay naman ang mga taga-Laoag kahit walang mall. Hindi dahil ako'y against sa modernization dahil sa tingin ko napag-iiwanan na rin ang Laoag ng ibang mga Ilocos cities ngunit kung ganito naman ang magiging sitwasyon kahit walang mall.

Sabi sa balita kahit rin naman daw magpapatayo ng mall dito ililipat naman raw ang paaralan na ito. Ililipat raw sa harapan ng Bishop's Residence. Ha? Sa tapat ng Bishop's Residence? Bakit naman doon? Mabubulabog na ang mga Carmelite nuns na kapitbahay lang ng Bishop. At saka ang Bishop's Residence ay nasa P. Gomez Street, eh street na ito halos may dalawang public schools na dinaraanan, ang Shamrock Elementary School (my Alma Mater) at ang Gabaldon Elementary School. Halos isang kilometro lang ang layo sa isa't isa. Kung sa tapat ng Bishop's Residence ito ipapatayo, halos halfway ito ng dalawang paaralan, eh di tatlo na ang public school sa iisang road lang. Masisira talaga ang strategic locations ng mga paaralan dito sa Laoag.

Laoag Cetral sakop nito ang pinaka-sentro ng poblacion ng Laoag, ang Shamrock ay sa Western part ng poblacion ang sakop at ang Gabaldon ay sakop naman ang Eastern part (bukod sa mga paaralan na ito may iba pa sa loob ng poblacion). Kung ililipat ito sa P. Gomez St. eh di mahihirap na ang mga nasa sentro ng Laoag, mas malayo na kasi ang school. At pati ang ilang mga magulang na may trabaho sa sentro kasi karaniwang sa Central nila ipinapasok ang kanilang mga anak.

Ayon sa historical background ng lupang kinatatayuan ng Laoag Central, ang lupaing ito ay parte ng orihinal na land area na sakop ng St. William's Church noon Cathedral ngayon (kaya the Catholic Church was the owner of the land) pero dahil nakita naman ng Simbahan ang layunin ng ipapatayong paaralan, dahil wala namang gamit ang lupang ito napilitan na lang na i-donate ito sa gobyerno para magkaroon ng paaralan para sa mga tao. Ngunit ayon sa agreement ng Town of Laoag noon at ng St. William's Church noon may ibinayad ang gobyerno na P5,000 ngunit hindi ito ang kabuuang bayad ng lupa (ang laki kaya ng lupang sakop ng Central). Sa agreement tatanggapin ito ng Simbahan sa kasunduang aayusin na lang ng gobyerno ang mga gusaling luma na nasa lupaing ito at gagawing gusali ng paaralang itatayo.

Tapos ito ang gagawin ngayon, gigibain ang mga istraktura para mag-give way lamang sa isang mall? No way, education first. Dahil sa agreement hindi pa rin tuluyang nabili ng gobyerno ang lupaing ito kaya mayroong karapatan pa rin ang Simbahan Katolika ng Laoag dito. At sa opinyon ko naman hindi naman aayon ang Simbahan na magiba ang Central. Kaya kahit gaano pa ang pagnanais ng Mayor kung ayaw ng Simbahan wala pa rin.

Ipagdarasal ko na lang na hindi papayag ang St. William's Cathedral sa nilalayun ng Administrasyong Farinas na pagpapatayo ng mall. Kaawaan nawa ng Diyos si Mayor Michael V. Farinas dahil hindi niya alam ang ginagawa niya (I guess).

Sunday, April 6, 2008

4 o'clock in the morning...

Back in 2007, in oridnary days like this, I only get up from bed 5:30 to 6:00 in the morning. Then, I can stay long as late as 11:30 PM and wake up 4:00 in the morning if there are important things to do, 6:00 if there is nothing important. But now all had changed.

Since January this year when we temporarily moved to my maternal grandparent's house because our house was demolished and currently constructed the 11 became as early as 8 in the evening and 4 in the morning is the permanent time to wake up. What can I do we are in a bario, unlike if you are in the city proper that you can wake up as late as 6:30.

At 4:00 my grandfather is already awake to do his ritual in his throne (can you get me?). I can't help but to wake up also because I am disturb for my ears are very sensitive when sleeping. After doing his restroom habit then he afterwards start cooking rice. Me I am awake already but still at bed thinking for my schedules for the day.

Then after five o'clock the chickens, dogs, pigs, every animal in the place becomes very noisy. So I have to get up also. Usually just sitting at the living room starting morning prayers or having a spiritual readings, books. Then after having this I need to help to do the chores. I usually get the traditional floor polisher, scrub as they call it and polish the floor. What can I do? If I will not move for sure my mother will get angry with me again, saying an endless holmily (talo pa si father).

In 2007 I have my internet connection in our house, just click on the computer. But now I can only use the web when I am in the city proper because I am using SmartBro (no commercial) and unfortunately there is no reception in the bario.

Well, maybe the Lord had temporarily put me to this situation so that I can somewhat learn again although since I was a child I was already trained for house works that is why I can just cook what ever I want, I can do everything except pamamlatsa! I cannot really do this job.

When I was in the elementary I always sas that it will be a good thing if our house was far away in my school so that there will be no explanation if I will be late (naughty boy). But now I realize how hard it is that your house is far. You need to wake up early to prepare to go to school (especially this college I really need to sacrifice). You cannot just go back to your house and get something because it is far. I realize now that for years this was the sacrifices that my schoolmates whose houses are far away from school makes everyday.

It is difficult but it is for me to adjust. This is only a little sacrifice. And I know that God will help me especially that I will be a sophomore next school year because this year level is the most critical stage for an English Major like me because the retention polisy is strictest in this year.

And this summer I am jailed in a house TTHSat and can only have freedom MWFSun. What a unfortunate summer. But I still thank the Lord because I am in that house close to Mother Nature and with all of God's creatures.

Wednesday, April 2, 2008

The Term is Over!

This past school year was very challenging one for me because it was the first time in my life that I headed an organization which tested my capabilities as a leader. For a whole year I have been heading one of the smallest but one of the key organization of the College, the Freshmen Class Organization (FCO).

It was a year where I had to show how can I lead over 280 people. Since the time that I was elected to this position I always felt that I was not worthy for this position. I thought I cannot do the job but then I have shown the whole College that I can do it even if I am only a Freshman. At first I do not know what to do especially when the Intramurals came. I have to plan for the whole thing since I cannot really depend for the help of my Vice Governor because he was also an athlete I have nobody from the officers to depend on. There few of them that was very helpful but I cannot really depend on them.

The Intramurals came and for the first time because of the pressure the whole College saw me how to cry. The pressure is on, all emotions and everything and so I do not know what happened but the tears just fell down in front of our adviser.

But also because of the Intramurals the College also saw my dedication, my working attitudes. And so they were amazed because they've saw an excellent job. And now because of this many already know the name Mark Rodney Vertido.

I have led this organization for a year. I have hardships for this organization for a year. Have some laughters and problems for this organization. But certainly it develop the leader in me. I that was only a simple not recognized student in high school. But most of all I learned how to be a servant for the people that elected me.

And now as the school year 2007-2008 ends for my life, I say goodbye then to this position as I end my term as a governor. But a new chapter in my life will also be openned. The current Vice President of the Student Council of the College that is looking forward to be elected as President already gave me her plans to get me for her line up. I agreed why not if this is the way to serve again. If God wills it i will be under the SC next year.

Goodbye Governor Vertido!

I AM YOUR SERVANT!

Tuesday, April 1, 2008

Three Years of Missing You!



I really miss you my spiritual father! I wish I could met you longer! I will always love you and I will always miss you!


We love you, John Paul II! We love you, John Paul II!
Pray for us, John Paul II!
Ionnes Paulus PP. II, ora pro nobis!
ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket