WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Tuesday, July 22, 2008

CABSAT, the only Christian org sa College, Muling Nabuhay...

Ako'y masyadong nalungkot ng malaman ko noong June ang pagka-dissolve ng CABSAT (Christian Association for Brotherhood, Services and Truth)... Ito ang mga lumabas na balita na wala na nga ang CABSAT pero nagtataka ako dahil sa mga record ng mga recognized organization ay nandoon pa rin ito... Nagawa ko na ang mga initiatives ko in the absence ng CABSAT, yung "Word Made Flesh."

Noong Lunes habang kami ay busy sa SC sa pag-peprapare sa mga kakailanganin sa Induction Program nakita ko ulit ang list ng mga recognized org at lumalabas na hindi pa pala ito dissolved... Pumunta ako sa SAC (Student Activities Coordinator) at sabi ni Dr. Tony hindi pa dissolve ito... Na-shock talaga ako sa narinig ko... Agad kong tinext ang Adviser ng CABSAT, si Ma'am Charm na English teacher namin... At napagkasunduan namin na magcoconduct na lang ako ng isang emergency reorganizational meeting... We need to do this because if it will not be conducted the CABSAT will truly be not recognized...

Naganap nga ang reorganizational... Marami rin naman ang nag-attend... Aaminin ko na may motibo ako para maging President ng org na ito dahil gusto kung magkaroon ng pagbabago sa nakaraang administration, hindi kasi naging active ito... Tinanong ko ang SC President kung allowed akong ma-elect, and the answer was yes... At nanalo nga akong President...

Kaya ngayon nag-iisip na ako ng mga programs, isa na rito ang Wednesday or Friday habit, isang prayer meeting evry Wednesday or Friday... Iniisip ko rin ang katuparan ng minimithi ni Ma'am Charm na retreat sa Foyer... At isa sa pinakamimithi ko ay ang pagcelebrate ng (National) Bible Week sa College...

I will be conducting the first meeting sa Lunes with our Adviser...

The Powers are Official...

Opisyal na nga ang aking pagiging Business Manager ng Student Council dahil kahapon naganap ang Mass Induction Program ng lahat ng mga organization sa College namin... Ngunit hindi lamang ito ang kapangyarihang aking pinanghahawakan... Ako rin kasi ang Secretary ng MMSU - CTE Choral Society, ang Assistant News Editor ng CTE Bulletin, at higit sa lahat ang President ng Christian Association for Brotherhood, Services and Truth (CABSAT, hindi ko inaasahan ang org na ito-please see next blog).

Ang ganda ng sinabi ng aming SC President, si Ate Karen sa kanyang Inaugural speech... Sabi niya... Do not criticize what you do not understand... Marami kasing mga criticisms sa SC kaya nasabi niya ito... Isipin mo ba namang everytime na lang kapag may problema with Programs o iba pang bagay na related sa SC lalo na ang collection of funds SC ang may kasalanan... Kaya maraming criticisms ang lumalabas...

Ako I was a Student Volunteer ng SC noong 1st year kaya alam ko ang pagod nila pero ngayon na SC na ako wala akong masasabi sa hirap ng mga ginagawa namin... Kung alam lang ng mga estudyante ang pinagdadaanang hirap ng mga SC officers everytime na may program sa school o kaya'y para ma-maintain ang mga project ng SC...

Friday, July 18, 2008

Goodbye Friends!!!

Bumuhos talaga ang luha kanina sa Social Hall nang ganapin ang Culminating Activity ng aming mga Korean friends... Kasi naman last day na nila sa school at this means its time to say goodbye for the moment... Kung magkikita-kita man kami ulit time will come and only God will know...

Syempre, ang inyong lingkod hindi napaluha... Mamasa-masa lang ang mata pero walang pumatak... Syempre hindi mo naman talaga mapipigilan ang emotions kasi iiwanan ka na nila, silang mga kaibigan mo ng 18 days, short period man pero naging close kami as in very close dahil nakatulong kami sa kanilang pag-aaral ng English... As in kami lang naman kasi ang section as in section na nagkaroon ng exclusive privilege na magturo ng English sa mga Koreans... Eh, di syempre iba talaga ang aming naging bonding... Kami lang naman kasi ang nagpasaya sa mga class na naganap... Isipin mo na mula sa isang room na sila ay serious na nag-aaral pag pumunta na sila sa amin ang lesson naituturo pa rin pero may happiness sa atmosphere hindi borikito (boring)...

Kanina nga sa Program, hindi ko inexpect na may ibibigay na souvenir yung isang Koreano sa akin... Binigyan ko kasi siya ng bracelet na ipinabili ko sa St. Pauls... Eh Christian namn siya at gustong-gusto niya yung binigay ko... Kanina lumapit siya sa akin at ibinigay naman niya ang kanyang isang University uniform sa akin... As in nabigla ako dahil hindi ko ineexpect na ibibigay niya yun sa akin...Pero sabi niya salamat raw kasi marami akong naitulong sa kanya... Muntik pa talaga akong mapaluha kanina ngunit ayaw lumabas ng luha kasi ang iniisip ko ay dapat akong maging masaya... Kailangang alaways smiling...

At yun nga nagtapos na ang Program at kinailangan na talaga nilang umalis dahil malapit na ang kanilang flight pabalik ng Seoul, South Korea... Pero bago yan nagkaroon muna ng pagawit sa Auld Lang Syne at dito hindi na napigilan pa ng mga classmates ko ang humagulgol sa pag-iyak... At pati mga Koreans umiyak...

At nawala na nga sila at nasabi na namin ang goodbye namin sa isa't isa... At sa kabuuan nabigyan ako ng isang picture, isang golf ball, ang t-shirt at isang accessory... Wala na ang bus at pumunta naman kami sa likod ng Main building papunta sa may College Dormitory kung saan tumutuloy ang favorite naming Professor, Ma'am Charm... At doon nagsiiayak na kaming lahat pati ako na hindi nagpapakita ng emotion napaluha ng kunti... Minsan pa lang akong umiyak sa school noong 2007 Intrams ng mapuno ako na muntik mag-collapse dahil sa pagod...

Bilang pagpapasalamat naman kay Prof. Charmagne Balantac, ibinigay namin sa kanya ang isang cake bilang pagpapasalamat sa kanya dahil kung hindi sa kanya hindi kami magkakaroon ng exclusive access with the Koreans... Kinain namin ang cake malapit sa flagpole kung saan nakikita kami ng maraming tao... Well, ikinain na lang namin ang kalungkutang nararamdaman namin... Ngunit masama pa rin ang pakiramdam namin, I am sure marami na ngayon ang binaha ang kwarto dahil sa pagsesenti...

Tapos na ang isang kabanata ng paglalakbay namin bilang mga English majors...

Saturday, July 12, 2008

On the spot Reporting ang Drama ko noong Friday...

On the spot report without any materials in Filipino 6

Hindi sana ako mag-oon the spot reporting kung si Dr. Coma or Mamang (we call her Mamang because she is our adviser) ay hindi makakalimutin... Imagine noong Wednesday sabi niya "hindi muna kayo mag-rereport para mas maayos sa Lunes na lang at magkakaroon tayo ng ebalwasyon sa nakaraang pag-uulat" iyan ang sinabi niya mismo sa akin...

Pero noong Biyernes, natapos na ang huling ulat ng naunang grupo. Biglang sabi niya na susunod na raw ang grupo namin... Kaya nag-complain ako dahil hindi ko inaasahan na ngayon na pala ang reporting... Sinabi ko na pinanghahawakan ko ang sinabi niya noong Miyerkules pero parang uminit ng kaunti ang ulo niya kaya sinabi ko na mag-uulat na lang ako on the spot...

Pumunta na ako sa harapan at ipinakilala ko muna ang aming iuulat... Nag-ulat nga ako tungkol sa pagsasaling-wika (translation) kahit wala ang aking mga visual aids or what we call Manila Paper technology... Opo, Manila Paper technology lang po ang gamit ko, as in nagsusulat sa Manila Paper para magkaroon ng ipapakopya, wala kasing OHP or multi media projector kaya magtiis na lang sa Manila Paper...

Wala yung script na ginwa ko kaya wala akong mabasa, eh nandoon pa naman ang mga analysis ko sa akong ulat... Kaya ginamit ko na lang yung photocopy ng librong pinagkunan ko ng aking report... Habang ipinabasa ko ang ilang parte ay nag-aanalize naman ako para maihatid ko ng malinaw ang aralin... Sa kabutihang palad natapos ko naman ang pag-uulat ng maayos... Ni walang mga nagtanong... meaning naiintindihan nila ng mabuti ang report ko...

Thank you God dahil hindi ako natakot sa aking pag-rereport...

Next report ko will be in our History Class... topic about the Spanish Rule in the Philippines, I am actually ready na pero I need to research some parts pa...

Wednesday, July 2, 2008

"WORD MADE FLESH" SC Resolution: My Initiative Project at School!

Ito ang aking draft sa resolution (reactions please):

Mariano Marcos State University

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Laoag City

Student Council Resolution No.__ Series of 2008

A RESOLUTION FOR THE WEEKLY ‘WORD MADE FLESH" CORNER

AT THE SC BULLETIN BOARD

WHEREAS,

there is a need for the students to be reminded of the Christian teachings;

WHEREAS,

there is no concrete religious instruction or religious organization in the College that can respond to the religious and spiritual needs of the students;

WHEREAS,

the College is not a religious institution but also needs an organization that can remind the students their spiritual dimension as human beings;

WHEREAS,

being an institution of teacher education the religious and spiritual needs of the students shall be well responded so that the College will not only produce high-quality teachers but also God-fearing teachers;

WHEREAS,

the "WORD MADE FLESH" will showcase passages both from the Old and New testaments of the Bible, words from the Saints, and a Bible Trivia;

WHEREAS,

in the absence of an organization that can cater this necessity, the Student Council (SC), being the umbrella organization of the College, will sponsor such activity as part of its continuing service to the studentry;

WHEREAS,

in a meeting of the SC officers, the officers agreed to sponsor the "WORD MADE FLESH" corner to be posted in a designated area of the SC Bulletin Board and to be updated weekly;

NOW THEREFORE,

be resolved as it is resolved to sponsor the "WORD MADE FLESH" corner at the SC Bulletin Board;

RESOLVED FINALLY,

that copies of the said resolution be furnished to the office of the Students’ Activity Coordinator, the Dean of the College of Teacher Education, and the Director of the Student Services and Development for their information and approval.

Done this 27th day of June, 2008 at the College of Teacher Education, Laoag City.

Prepared by:

MARK RODNEY P. VERTIDO

Business Manager, Student Council

Attested by:

KAREN F. DE JESUS

President, Student Council

Signed in the Presence of:

EFREN JONICEL D. DOMINGO

Vice President, Student Council

PETER JOHN S. MAGANA

Secretary, Student Council

RAMIL J. BALTAZAR

Sub-Secretary, Student Council

RAYMUND VINCENT A. BARIA

Treasurer, Student Council

MELVIN LORENZO

Sub-Treasurer, Student Council

ALLAN C. GOBRIN

Auditor, Student Council

ARNEL JORDAN B. DOMINGO

Sub-Auditor, Student Council

REMA AGUSTIN

P.I.O., Student Council

JERWIN VALENCIA

Athletic Manager, Student Council

ZYRILL DOMINGO

Athletic Manager, Student Council

EMIJU WINIE RIVERA

Peace Officer, Student Council

LOVELY JANE DURANTE

Peace Officer, Student Council

Noted by:

ANTONIO M. ASUNCION, Ph. D.

Student Affairs Coordinator

Approved by:

EDURDO T. BORJA, Ed. D.

Dean, CTE

Korean Teacer na rin ako!

Napakagadang experience ito dahil naranasan ko na rin ang magturo sa mga Koreans. Currently kasi ang MMSU-College of Teacher Education ay host ng mga Korean Students frong Kyung Hee University in Seoul, South Korea.

Originally, students were not allowed by the Administration to teach them kasi kaunti lang sila ngayon 40 lang ata di gaya last year na talagang marami sila. Pero dahil ang mga Koreans ngayon ay mga College Students they wanted na makipag-kilala sa mga CTE Students. Eh, syempre ang pinakaunang mga tatawagin ay ang mga English Majors, and I am a proud English Major. This is the reward na rin of being an English Major because you get to teach these Korean Students.

Generally, friendly naman sila dahil hindi talaga sila shy, kami nga ang parang shy eh sila hindi sila nahihiyang lumapit. Kaya yun naging malapit na rin kami sa kanila.

Kanina ngang umaga dahil wala ang teacher namin sa Iluko Lit, tinawag kami ng Prof namin sa English 102 (Syntax and Grammar) upang maging mga subordinate teachers sa mga Koreans. At yun nga naki-join kami sa kanilang Class.

At ang napunta sa amin ay isang Koreano na ang pangalan ay RAY. Mabait siya in fairness. Talagang mabait. Sabi niya first time lang daw niya na mag-aral ng English pero I could say na talagang magaling na siya sa lagay na iyon kasi he can already speak easily unlike his other companions na nag-iisip pa ng sasabihin. Well, ang itinuro namin sa kanila ay ang mga vowel sounds ng International Phonetic Alphabet. Talagang magaling si Ray kasi madali siyang matuto. I could really say that he is eager to learn, willing to learn, and has the intelligence and good attitude unlike the others who are quite noisy and lazy.

Nagkaroon lang nga ng mga kahirapan sa pagtuturo dahil sa letters "l" and "r". Ayon kay Ray ang "l" and "r" raw sa Korean ay may iisang katumbas lamang which is "la" kaya binababasa nila ang "read" as "lead" dahil nga dito sa confusion na ito. Pero siyempre inexplain namin na in English "l" is [l] and "r" is [r].

Ang nakakatuwa pa kay Ray natandaan niya talaga ako kasi nang bumalik na sila kaninang tanghali namukhaan pa rin niya ako kaya nga nag-shake hands pa kami gaya ng sa mga fraternities. Ngayon kinaiinggitan ako ng ilan dahil bakit raw parang ang close namin... Hehehe... Huwag mag-isip ng mali...

We have some pictures with the Koreans but I will just post them some other time wala kasi yung card reader ko...

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket