WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Saturday, August 1, 2009

It's my birthday!

HAPPY BIRTHDAY TO ME!

Yeah! August to is my real biological birthday. I will be 19 already. A nice day to celebrate for it falls on a Sunday.

HAPPY BIRTHDAY TO ME again! hehehehehe...

i'll post again tomorrow... inaantok na ako...

Saturday, July 18, 2009

A Poem Inspired by Carmel...

As I was having my course in Creative Writing just this summer, we were tasked to do some poems as part of our workshops in making a good one. And one of the poems that I have made is really dedicated to Carmel.


I do not know why but I just want to dedicate something to Carmel for in this just small period of time I find a place where I can say my second home also. I want to thank Carmel of the things that it gives to me physically and spiritually. It is Carmel that awakens my prayer life, a deeper sense of prayer. A shift from the vocal conscious prayers to a merely mental unconscious prayers.


As I go to Carmel everyday, I have wrote this poem as an expression also of what I experience in Carmel which I call the Garden of Souls. I call this as a masterpiece because it is not usuall for me to make poems for I am not poetic really. Here is it, a little product of my creative mind, I guess.


The Garden of Souls


The stillness overcomes sound
In the garden where souls bound
Nourished by the silence found
Harmony and peace around


Every creatures finds delight
The weary soul in this site
The darkness of the soul's night
Vanished by the garden's light


Melodies of music I heard
From the group of cloistered birds
Cloistered for the garden's world
Praying deeply for the world


From this tiresome world of mine
Restless for the One Divine
I want to cross from this line
To be in the garden Divine.



I was getting some thoughts in my mind of why have I written such words. A message again maybe but I know that the soul of this writer of mine hides something that I should again investigate.

Saturday, June 13, 2009

Pugad ng Extra-judicial Killings! Con-Ass ibasura!


Isang nakakalungkot na naman na balita ang tumambad sa mga local radio ng Ilocos Norte dahil sa balita na isa na namang lalaki ang walang habas na pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan. It happened just yesterday, June 12, mga alas sais ng hapon mismo sa Laoag. Isang abogadong noong 2006 lang pumasa sa bar exams ang pinatay sa pamamgitan ng pagbaril dito ng ilang ulit. We do not know the reason for this but this is another case of extra-judicial killings.


It is not already am unusuall thing anymore here in Ilocos Norte. Nakuh, kung ikaw ba naman ang nakatira sa isang probinsya na kung saan halos every morning na lang may mababalitaan kang binaril. Common na common na ata yan. Ito ang nakakatakot sa probinsya, para bang naging nakagawian na na kapag meron kang kaaway ang sagot lamang dyan upang masolve agad ay ang pagpatay na sa kanya.


Pugad na ba ang aming probinsya sa mga ganitong serye ng pagpatay sa mga tao. Nakakatakot na nga. Sa hometown ng roots ko mismo ay maraming kaso na nang binabaril ng walang anuman. Kung ganito ang nangyayari sa isang probinsya ng bansang ito, hindi ba sumasalamin na rin ito sa pangkabuuang sitwasyon ng ating bansa? Hindi maipagkakaila na ganito rin ang nangyayari sa ating bansa, sa dami ng mga extra-judicial killings ni isa wala pa atang naresolba.


Bukod dito ang mga pinapatay karamihan ay yung mga tagapagpahayag ng katotohanan, mga taong nagserserbisyo at nagsasabi lamang ng katotohanan gaya na lamang ng mga journalist. Hindi nakapagtatakang isipin na labeled na ang ating bansa bilang isa sa mga most dangerous country for journalists. Ganito kagulo ang ating bansa, pinapatay ang mga mamamayang walang kalaban-laban.


Sabi ang isang tungkulin ng isang estado at ng pamahalaan ay ang pagpapanatili ng peace and order ng isang bansa. Well, may mga pulis naman tayo mga sundalo na mga tagapag-enforce ng batas para sa kaayusan. Pero papaano kung sila pala ang may dahilan ng kaguluhang ito?


Sa ating bansa, napapanatili pa ba ng pamahalaan ang peace and order? Malaking suntok ito sa pamahalaan. Tapos nandito naman ang mga taksil na mga maka-administrasyon na trinaydor ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpasa sa Resolution 1109 para sa Con-Ass. Nagkaroon sila ng panahon para ipasa ito ngunit di man lang nila maaksyunan ang mga extra-judicial killings. Mga mahahalagang suliranin ito ng bayan compared sa Con-Ass na iyan ngunit ano ang ating napapala mula sa pamahalaang ito kundi ang pagiging sakim ng iilan upang mapanatili nila ang kanilang mga kinauupuan. Mga corrupt nga sila! Corrupted na ng kapangyarihan.


The people first, being the most important in the state not for the unworthy people who are sitting right there doing nothing but to represent there own interests in what should be is the assembly of the people!


Magising na tayo kaibigan. Tama na ito. Pagbabago ang kailangan sa bansang ito.


NO TO CON-ASS! YES TO SOLUTION TO POVERTY, EDUCATION, EXTRA-JUDICIAL KILLINGS, ETC.!


Wednesday, June 10, 2009

No to CON-ASS! Di ako papayag...



NO TO CON-ASS! DI AKO PAPAYAG!


Isang malinaw na pagtraydor sa sambayanang Pilipino ang ginawang pagpasa ng mga maka-Administrasyong mambabatas ng Kongreso ng ating bansa sa Resolution No. 1109, o tinatawag na resolution para maisakatuparan ang isang Constitutional Assembly, ang hakbangin upang mabago ang kasalukuyang pamahalaan patungo sa Parliamentary form of government.


Di ako papayag!


Isang paglapastangan ito sa karapatan ng mga Pilipino. Sa loob ng isang gabi, buong pwersang nilaspastangan ng galamay ni Gloria ang bayang Pilipino upang magawa nila ang isa sa mga hakbangin nila para makakapit pa sa kapangyarihan.


Di ako papayag, di kami papayag!


Kasama na sa mga bumoto para dyan ang aming congressman, Hon. Roque Ablan, Jr. Iginagalang ko man siya bilang pinuno sa aming distrito ngunit hindi ako payag sa kanyang naging hakbang. Isa siya sa mga taksil ng bayang Pilipino, hindi ko siya maipagmamalaki.


Di ako papayag, di kami papayag, di pumapayag ang sambayanang Pilipino!


Kahit sino sa kanilang mga bumoto ay di maipagmamalaki ninuman. Sa gitna ng mga problemang pang-ekonomiko, pang-kaayusan, panlipunan at iba pa ng bansa, papaano nila maisisingit ang isang bagay na tumutugon lamang sa kanilang pansariling interest? Kung hindi naman mga lapastangan at mga walang utang na loob ang mga taong ito. Papaano nilang isingit ang usaping itong ni hindi makatutulong sa mga problema ng bayan kundi magdudulot lang ng mas matinding kaguluhan sa mga tao? Mga tampalasan, mga tuta ng palasyo, mga tuta ni Arroyo.


Hindi man namin kayo malitis ngayon dahil sa mga pinaggagawa-gawa niyo, hayaan ninyong ang kasaysayan mismo ng bansang ito ang siyang magpapataw ng tiyak na parusa sa inyong mga alaala bilang mga taong nagpapahirap pa sa mga Pilipino. HISTORY WILL SEE YOU ALL!


DI AKO PAPAYAG! na busalan na naman ninyo ang mga Pilipino. SA MGA NAGMAMAHAL SA ATING BANSA, ITO NA ANG TAMANG PANAHON UPANG WAKASAN NA ANG PAGHAHARI NG MGA BALUKTOT NA LIDER NG BANSANG ITO. KUNG MAY PAGMAMAHAL PA KAYO SA BAYAN NA ITO KUMILOS, BUMOTO KA SA SUSUNOD NA ELEKSYON, AT HUWAG SUPORTAHAN ANG CON-ASS NA IYAN KUNG MAGKAROON MAN NG ISANG PLEBESITO O REFERENDUM ANG BANSA.


Kasama lahat ng mga Pilipinong naninindigan para sa isang malayang Pilipino at isang maayos, mapayapa, at maunlad na bansa, AKING SINUSUPORTAHAN ANG MGA PILIPINONG SUMISIGAW NGAYON NG:


NO TO CON-ASS!





KAAWAAN NAWA NG DIYOS ANG BANSANG PILIPINAS!

Monday, June 1, 2009

A Mission for the Moderator: 100% KP NCR Catacumba (Late Edition)

The Moderator hails from the City of Dipolog in Zamboanga Del Norte. While, I am here in Laoag City, the north city of Philippines. Both of us are located in a far distance from the National Capital Region, especifically in Makati City, where the first NCR Catacumba was held.
For some weeks, preparations was set for the Catacumba. Pre -registration was started and so on. The Moderator listed his name in the pre-registration. It would be a great event then having not just the Moderator but the Founder himself. A most-awaited event then. I was then never sure if I will have the chance still to attend because of an earlier trip to NCR, and so my pocket was nearly empty already.
But on the week of the Catacumba, the Moderator talked to me and offered me the chance to attend the Catacumba because he cannot already promise to make it anymore for some reasons. Well, its a chance for me because its one of a lifetime that you would meet persons from the virtual world of Friendster.com, a very rare occasion maybe. Given the money for my fare I responded affirmitively. But then I made it sure that I would go there as a representative of him. I am the one nearer and so why not.
11-hours of travel with no long sleep at all and so when I set foot from the bus to the streets of NCR I was feeling a little bit dizzy already. But it is just okay, I was there to fulfill my mission for the Moderator.
Then I met my Tatay Francesco at the St. Anthony Shrine of the Franciscans, just last December 2008 this Shrine gave me a wonderful experience that I will never forget and every time that it rains I remember that experience. For the time that I was in NCR I have to stay with Tatay Francesco because luckily my aunt in Sampaloc went home to Ilocos. Tatay Francesco is caring, understanding, kind, and I enjoyed staying with him.
At the venue, La Paz Parish of Makati, I then met these wonderful persons: Kuya Randolf, Kuya Paulo, Kuya Dean, Kuya Ryan, Ate Chelli, Abhi, and also my Kuya Philip, for the second time already. If not of them, of their efforts, of their plans, no Catacumba would happen. Then adding also the participation of Fr. Zenki, it was great to be with him also. With all the friends and family of Kuya Pau. Afterwards here comes Kuya Natz and to complete Rickxander and Jerome. A handful of the 100% KP family.
A successful Catacumba in its own right, there are just some lapses, just like what Kuya Randolf said to me, but that cannot be avoided for it is just the first of its kind. I sometimes call it a "trial and error" assembly for this is where all will be tested and even the second up to the third will be parts of this "trial and error." Well, it is just normal because we are just still learning to form a group.
To fulfill my responsibility and mission for the Catacumba, with all the best that I could be, I explained to them a brief summary of the story of 100% KP. Just a brief and unorganize story, I guess. But that was only a try to create the story for the Moderator himself has some difficulties in doing this. And to finish a well job of a representative, I have presented a simple report on what has happened with all my insights, opinions, reactions, and recommendations to the Moderator privately. And uneasy thing to do for I need to carefully tell everything and give my insights truthfully and balancely. The report will be a private thing to us already so that misinterpretation would not arise.
I thanked God that a part of the diversified population came and united for a day. A day of great joy and a day of God's blessing to the one and only 100% Katolikong Pinoy group of Friendster.com. The Catacumba will always remind us of the two things that the group needs at these times: direction and Spiritual direction. What will be our mission, vision, goals, objectives and ideals and aspirations for this group? And aside from this we need a guide that will be able to check for the group. The surest step for an institutionalized group.
This is now the challenged for the virtual group: What then now? What will be next? What will happen tomorrow for us? When will we move? But then this diverse minds of ours will again unite soon to decide for the future of the group. We have not came to this far that the members will meet officially just to have a waste for all of these are now the preparatory period for this group.
For our beloved moderator, Mr. Francis Raymund M. Gonzales, now, with all of the members, the future of the group depends to us.
These things, I have already think about and may this group now blossom to what it was carefully as the sun rises also to us all.
God bless! pace e bene!

Monday, May 4, 2009

TALDIAP 3: This is it!

(Published May 1, 2009)

Patapos na naman ang aking trip sa Manila. Dalawang araw lang naman kami. 6 AM pa lang gising na at naghahanda na naman para sa pagbabalik sa Intramuros. After our breakfast, karipas na naman kami papuntang Intramuros. Heto na, isang matinding practice ang aming ginawa 8 hours before performance.

Nagkakagulo na ang lahat, pati mga directors kasi mas malawak ng kunti ang stage kailangang mag-adjust din ng kunti. Maraming mga sigaw na naman ang aming narinig. Pero we understand na lang kasi ninenerbiyos rin naman ang mga directors.

After practice balik kami sa dorm para magempake na. Parang kailan lang eh nandun kami. Balik kaagad sa Intramuros. Nagjoin muna kami sa mga palarong ibinigay ng mga resort hotels ng Ilocos Norte. Ilan sa mga kagroup namin ang nanalo ng mga bigating prizes like hotel stay for 3 days. May nanalo pa ng electric fan at blender. At ako nanalo rin ako ng isang consulation prize.
Kahit kaunting araw lang kami, masaya ako kasi nakapunta ang lola at tita ko sa performance, di lang nga nila tinapos kasi nagamamadali sila papuntang SM. Pero mas masaya pa ng mameet ko si Kuya Philip, isa sa mga friends ko sa 100% KP. Siya lang naman ang nakapunta sa mga nainvite kong members kaya malaki ang pasasalamat ko.

Performance na at to the highest level na ang lahat. Nagkaroon lang ng isang technical problem pero all in all successful ang performance. Ayon nga kay Kuya Philip, "... maganda yun nga lang di ko maintindihan ang mga sinasabi ninyo." Kahit pa at least pinuri na kami. At bilang pagpapatunay na maganda talaga ito, may booking na kaagad kami for a show sa Sarrat, Ilocos Norte nung Wednesday. At ngayon bali-balita na na may invitation na rin daw galing sa Laguna. Hayz.... parang isang panaginip lang ang lahat...

Pagkatapos ng performance, naglakad-lakad ako ulit sa Intramuros at dun ko nakita na naman ang mukha ng kahirapan. Napadpad ako sa mga daang di ko inaasahan na ganun pala. For some reason nakakadestruct siya sa view ng Intramuros pero mas mananaig ang awa sa iyo. Siguro wala pa ito sa mga mas depress na parts ng Metro Manila pero bakit ganoon? Mga batang nagkalat, mga matatanda, mga madudungis na tao. Natatakot ako sa kanila dahil siyempre di ko naman sila kilala pero nawala na rin ang takot dahil sa pagkaawa. Mahirap lang kami pero hindi sa ganoong aabot na sitwasyon. Sila ang mga taong kailangang kong matulungan, kahit sa dasal ko man lang. Gusto ko silang mapaglingkuran, makipamuhay sa kanila.

Pagkatapos nito, balik na ako sa sasakyan. Pauwi na kami pero sa aking puso para bang nararamdaman ko na ayoko nang umalis pa. Parang nandito na ang aking misyon after seeing all of that sa gitna ng gabi sa ilalim ng sinag ng buwan. Ano pa kaya yung mas mahirap pa, ano na lang kaya ang aking magiging reaksyon.

Lord, may I love the poor and love to be poor, to serve You by serving them. Amen.

TAlDIAP 2: Gising 24 hours

(Published May 1, 2009)
Hay nakuh, halos 24 hours kaming gising lahat lalo na ako. Wala akong masasabing matinong tulog sa biyahe namin. I like kasi to watch the road while travelling. I cannot really sleep well.
Pagkadating pa lang sa Manila, sa tutuluyan naming dormitory, kain na agad then hindi na rin ako nakaligo sa totoo lang. Nagmamadali kasi ang mga director para makapunta na kami sa Intramuros for our blockings kaya hilamos at kunting basa sa katawan na lang ang ginawa ko para magmukhang fresh.

Pagkadating sa Intramuros diretso sa Clamshell. Doon hayun picture-picture muna with all the tingin-tingin sa paligid. That day was Ilocos Sur day kaya hindi rin kami nakapagblockings talaga. Hay nakuh akala namin may magagawa kami sa maghapon, wala rin lang pala sana natulog na lang kami.

And so while being idle there, naglibot-libot na lang kami muna around Intramuros. Para akong nagbalik sa historic Spahinsh era. Daming matututuhan sa daan. Marami mang mga pagbabago dahil sa modernization I can still see the historic value of the place. Para bang maraming nakatagong history sa mga inaapakan namin that even I have seen a place na di ko inaakala na makikita ko, ang isa sa mga pinakaunang simbahang hawak ng mga Capuchino.

Naglakad-lakad lang kami sa Intramuros and along the walls pa nga. Parang hindi pagod, parang hindi puyat ang mama. Then kinagabihan, pagkatapos ng isang day na nasayang lang dahil wala namang ginawa, pumunta naman kami sa SM para makabili rin naman ng mga kahit ano. Hay bakuh given one hour lang, magsasara na kasi sila. Takbo naman kami, hindi makapakali kung saan bibili. But I was frustrated na wala yung gusto kong bilhin sa St. Pauls. To my frustration, bumili na lang ako ng isang sweater. Hay nakuh.

Uwi agad then, pagkatapos naligo tulog na ako.

TALDIAP 1: From the Church of San Agustin to San Agustin Church

(Published April 27, 2009)
Ha? Ano bang ibig sabihin ko sa pamagat na to? From the Church of San Agustin to San Agustin Church? Binaliktad ko lang ata. But I am not joking about this. I give this as its title because it is symbolic. This is our journey to the Ilocos Norte Day at the Clamshell, Intramuros.

Ano bang symbol ang pinagsasabi-sabi ko? Ganito yun. The Church of San Agustin is more popularly known as the Paoay Church. While San Agustin Church is the one which is seen at Intramuros Manila. Both are World Heritage Sites. I came from Ilocos Norte the home of the Paoay Church and I came to Intramuros the home of the San Agustin Church.

This weekend, we have just came from the historic walled-city of Intramuros to perform for the Ilocos Norte Day of the Regional Showcase of the Department of Tourism. Pinalad ako na nakasama ako sa performers ng Ilocos Norte. Ang College kasi ang kinuha ng Provincial Tourism Office para magperform ng isang cultural presentation featuring a glimpse of our culture na dati na naming ipinakita sa school noon.

Honestly, I was not part of the original cast. Pero dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari napasama ako sa mga performers. My classmate had an task given by our professor pero kasi kung gagawin niya ito magpapakita siya sa mga directors ng shows eh he is one of the casts pero dahil ayaw niyang sumama kaya hindi siya sumasama sa mga practice. Well, he has his own reasons. While for me, okay lang na hindi ako kasama sa cast kasi iniisip ko talaga ang schedule ko kung napasama ako doon. Pero natatakot talaga yung classmate ko na magpakita sa kanila kaya nakiusap siya na kung maaari ako na lang ang magbigay sa ipinapabigay ng professor namin. Okay lang yun sa akin kasi may sasabihin rin ako sa adviser namin sa choir.

Then nakita na ako ng overall director. Tinanong niya bakit hindi nakikipagparticipate sa practice, sabi ko naman eh wala naman po ako sa official list. Then sabi niya I was part of the cast of the performers sa school kaya naman dapat lang eh kasama ako sa cast. Eh di na rin naman ako makapalag kasi nahihiya na rin ako sa kanya. And so I said I want to join.

Hayun, after three days of continuos practices, from Wednesday until Friday morning. Masaya maging part ng isang performing arts group. Ang bonding namin. Waaaaa! Kakamiss silang lahat. What I mean is that marami na kasi sa kanila ang graduate na and so wala na sila sa mga susunod na performances. Lalo pa't we are already incorporated sa troupe na ito na kumbaga masasabi nang pinagsama-sama na ang mga pinakamagagaling sa school.

Friday night we travelled from Laoag to the City of Manila. Sumakay ako sa coaster rather doon sa shuttle bus. Iilan lang kasi ang boys doon sa bus, kakahiya puro mga girls doon. At nasa coaster talaga ang mga katropa ko pati na ang isa sa mga English professors ko. Well, it is a very enjoyable travel. Story dito story diyan. Tapos siyempre kasi andun si Sir kaya naman nakapagusap kami tungkol sa mga bagay-bagay sa English department. Hehehehehe, pakialamero kasi ako eh.

After 10 hours of travel we reached Manila. Para bang nagbalik ako sa bahay eh hindi naman talaga dito ang lugar ko.

Saturday, February 21, 2009

Call of Duty: Emergency Altar Server

Bilang paghahanda ng aking Elementary Alma Mater, Shamrock Elementary School, sa ika-100 anibersaryo nito sa December 2010, nagkaroon ng isang Kick-off kahapon. Syempre pinakaunang ginawa ay ang isang Eucharistic celebration which was presided by our bisop, Laoag Bishop Sergio L. Utleg.

Bishop ang presider eh kaya ako naman syempre attend ng Mass. Akala ko pagdatin ko sa school eh makakakita na ako ng mga batchmates ko pero wala atang nakarating. Magreregister na sana ako pero I refused at naghintay muna ako sa labas ng school para maghintay ng mga batchmates. Pero wala talagang dumating, mukhang nag-iisang batch 2003 akong nag-attend. Kaya I planned na attend lang the Mass then uwi na ko.

Because I was just waiting outside eh sabi ko sa sarili ko I will just wait for the bishop bago ako pumasok. Hinintay ko nga siya. At dumating na siya nakasakay sa kanyang kotse na siya mismo ang nagdrive. Wala siyang kasama. I informed mga teachers na dumating na ang Bishop. Hay nakuh parang di nila alam ang sumalubong sa bisita. Kaya ako na ang nag-open pa sa gate para maipasok ang kotse ni Bishop. Naku ang mga teachers talaga walang kibo kaya para walang masbi si Bishop eh ako na lang sumalubong at tumulong sa kanya sa pagbuhat ng mga gamit.

Hayun, mano kaagad ako. Tapos tinanong niya kung taga-doon ako sa sa school then I said that I graduated from this school. Then I ask him kung may maitutulong ba ako. Hayun, tinulungan ko na lang siya sa pagbuhat sa bag niya na ang laman ay ang mga gagamitin sa Mass. Then the teachers with some alumni started to greet the Bishop. And so we lead him to the quadrangle of the school for the Mass.

Hayun, kwentuhan muna kami. He said that its his first time sa school and he said that maganda pala ang loob ng school. Hayun kwentuhan pa rin. Then we were at the quadrangle na. And syempre tulungan pa rin siya sa paghahanda sa altar. Then habang naghahanda, naku di ko na inexpect ang mga sumusunod na pangyayari.

The Bishop told me na magserve ako sa Mass. Naku ALTAR SERVER daw ako??? Ha??? Sabi ko sa kanya hindi naman ako Altar Server, Choir Member lang. hehehehe. Pero sabi niya madali lang naman gagawin ko, iabot lang ang mga gamit, magbell at tulungan siya sa offering. Hay naku, I cannot say no naman sa Bishop kaya pumayag na lang ako kasi mukahang madali lang naman. At saka naoobserve ko naman ang mga ginagawa ng mga server sa simbahan.

Hayun, I tried my best to do the job. Ganun pala maging altar server, I enjoyed it. Tagumpay di naman ako pumalya. hehehehe. Pagkatapos ng Mass pinagkamalan na talaga ako ng ibang teachers na kasama ako ni Bishop kahit alam nilang alumnus ako. Okay lang yun I'm glad to help the Bishop.

Pagkatapos ng Mass syempre iligpit na mga offerings kaya we put pa mga offerings sa kotse. Then may salu-salo ng kunti. Nakuh eh di automatic na na invited ako. hehehehe. Then hayun habang kumakain ako lumapit ang principal at nakitang wala akong cake. Sabi niya kukuha raw siya para sa akin, ako naman pahumble na pakipot ng kunti, sabi ko wag na lang po. Pero kumuha pa rin. hahahahaha. Nagserve ang principal para sa akin. hahahahaha. Parang hindi ako namukhaan, nakakahiya. Alam naman nila na apo ako ng isa sa mga dating teachers at apo ako ng dating supervisor ng DepEd Laoag. Naku di ako namukhaan. Kakahiya talaga kay principal na nagserve pa para lang sa akin.

Hayun natapos na ang pagkain ng Bishop kaya aalis na siya. Binuhat ko na ulit ung bag niya and the Missal. Naglakad na kami papunta sa kotse. At bago siya umalis nagmano muna ako. Then he asked my name. Eh di sinabi ko naman Mark po.

Then kaninang umaga (Monday morning, Feb 23) si Bishop ang nagmisa sa Carmel (everyday ako dun pag weekdays). After the Mass nagmano ako then. Sabi ko "Good morning Bishop." Then sabi niya "Good morning Mark." Ha, ngayon kabisado na niya ang pangalan ko. hehehehe.

Ang Shamrock ay isang school founded by an Irish Missionary in the American Period. Eventually, it was turn over to the government kaya naging public elementary school. Shamrock ang isa sa mga naging school ni President Marcos nung nasa elementary siya. Nag-aral siya ng grade 2 nung ang kanyang ama ay isang principal/supervisor sa Laoag (i'm not sure sa work ng ama niya basta related sa education). Hanggang ngayon nakatayo pa rin ang building na naging room ni Marcos. Then, nag-aral din si Archbishop Orlando Quevedo, OMI dito from his grades 1-3 bago sila lumipat sa Mindanao. He is the then Archbishop of Nueva Segovia (Vigan) and now the Metropolitan of Cotabato.

Saturday, January 31, 2009

Ang Pagsisimula ng Aking Music Ministry sa Cathedral

It started with an invitation from my Adviser sa Chorale Society namin sa school. Why not naman sabi ko kay ma'am. Total Katoliko naman ako at sa Cathedral naman yan. At saka buhay ko naman ang pagkanta. I accepted the invitation to join the Cathedral Choir, the official Choir of St. William's Cathedral Parish, Diocese of Laoag, headed by the Bishop mismo, Bp. Sergio L. Utleg.

Ang sabi ni ma'am eh parang may kaunting audition in front of the Bishop bago ako maging official member. I waited for the Bishop to come for the audition. Meanwhile, ang first piece sa practice ay ang Hallelujah-Messiah ni Handel. Tatayo talaga mga balahibo mo kapag narinig mo ang kantang ito. Well, mahirap siya ng kunti kasi matataas na nota ang sa tenor. Mahirap abutin ng kunti.

Then Wednesday, January 28, 2009, dumating na ang Bishop. Audition time na, nanginginig ako ng kunti kasi siya mismo ang tumitipa sa piano. Hala, baka magkamali ako. Nakuh naman ang hina ng pagtugtog ni Bishop nalilito ako ng kunti. Then, buti na lang at nakapasa ako, I retain my voice range as tenor. I am officially a choir member. For the first time I committed myself for a ministry in my parish.

Di man ako nasa tabi ng pari sa Misa, di man ako katulong niya, ang katotohanan kung walang choir walang maglelead sa sacred music which is part of the Mass. hehehehe... This is the music ministry.

Ngayon, abah may natuklasan ako si Bishop napakagaling palang Choir master. Nakuh naman talented, akala ko eh pagiging Obispo lang ang inaatupag niya. Napaka-active gabi-gabi na nasa practice at siya mismo ang nagtratrain sa aming mga tenor at base. Kung minsan kung wala ka pang kasama eh one-on-one pa. Hay nakuh kailan lang ng ma-turn off ako sa kanya pero ngayon well kahit pa ganun ang nangyari between us eh kahit anong gawin ko kailangan ko siyang mahalin kasi Bishop ko siya.

Every Feb. 1 nagsisimula ang celebration para sa pista ng aming patron na si San Gulliermo Hermitanio (St. William the Hermit). Happy Fiesta sa amin! Mas kilala ito sa Pamulinawen Festival.

Monday, January 5, 2009

Hypokalemia Periodic Paralysis: Ang Pagkaparalisa Pagkatapos ng Misa

It was on the afternoon ng January 1, 2009. Di kasi ako nakaattend ng Mass for the New Year kasi umuwi kami sa lola ko para dun magcelebrate eh may kalayuan at wala namang malapit na simbahan. At isa pa di ako pinayagan ng mga magulang ko dahil syempre baka maputukan pa ako.

Umaga palang ng New Year’s Eve eh nararamdaman ko na ang panankit ng mga muscles ko sa aking mga hita. Pero dahil magbabagong taon I decided na ako na lang ang maglalaba lahat ng mga maruming damit. Syempre kasi yan lang naman ang talagang ginagawa ko palagi at ako talaga nakatoka that time. Nagbagong taon na at nagsimula na rin manakit ng kunti ang aking mga braso. Pero okay lang yan sabi ko kasi nanakit pag minsan ang mga braso at hita ko pag napapagod ako.

Kinaumagahan, talagang nanakit na sila gaya ng mga nararanasan ko kapag talagang pagod na pagod ako pero I can move pa naman. I can walk basta kayak o pang gawin ang lahat. Kaya I decided to go to Mass sa Carmelite Monastery kasi magmimisa doon ang Bishop namin, Most Rev. Sergio L. Utleg. It’s the Solemnity of the Mother of God at saktong si Bishop pa ang magmamass. At isa pa mas malapit kasi ako sa Carmelite Monastery at dalawin na rin mga madre.

Then yun nagpahatid ako sa mga magulang ko sa bayan. I decided na maglakad na lang kasi malapit lang naman talaga. Then sa isang crossing I tried to run to cross the street kasi syempre may mga sasakyan. At nung tumakbo na ako na-out balance ako mismo sa gitna ng daan. Then I tried to get up pero wala akong lakas na tumayo. Kaya yun nabahala na mga nakakita at nagpatulong ako sa isang driver. Sakto naman na dumaraan yung cousin ko kaya naman tinulungan niya ako. Inihatid niya ako sa Carmel dala niya kasi sasakyan niya. Then nung pababa na ulit ako sa sasakyan na-out balance ulit ako at di talaga ako makatayo kasi nanghihina na mga hita ko nasugatan at napunit pa pantaloon ko. Kaya tinulungan ulit ako ng cousin ko. Sinabi niya na ihahatid na lang daw ako pero ako naman di ko gusting umuwi na dahil baka wala na ang mga parents ko dun. Kaya nagpatuloy lang ako sa pagpunta sa Carmel.

Nagumpisa na ang Mass at pinapansin ko ang mga binti ko yun kapag ifold mo eh nanginginig mga muscles at parang matutumba ka. Kaya sa duration ng Mass hindi ako lumuhod. Umupo na lang ako at nakayuko ng kunti ako. Nagdadalawang isip na ako nun kung pupunta pa ako sa communion. Yun sinubukan ko pa rin. At sa awa ng Diyos nakalakad ako at nakabalik pa sa upuan. Natapos na ang Mass at nagmano na ako sa Bishop at sa mga Carmelite Sisters. Uuwi na sana ako pero nung nasa pagitan na ako ng gate ng Carmel at ng Bishop’s Residence, magkapitbahay kasi sila, hayun na-out balance na naman ako. At hayun na hindi na talaga ako makatayo pa on my own. Nakita ako ng mga ale at tinanong kung napano ako eh yun sinabi ko na hindi ako makatayo. Ang mahirap dito masakit na rin mga braso ko kaya di ko kayang tulungan ang mga paa ko para at least eh makaupo ako dun sa gilid. Sinubukan ko talaga na makaupo para di mapansin na na-out balance ako.

May pangyayari with the Bishop dito but I decided to keep it na lang. Basta ang alam ko eh mabait siya.

Then dumidilim na that time at magsasara na pati ang Carmelite Monastery. Kahit gustuhin ko mang magtext sana sa mga magulang ko saktong na COS na ako kaya di ako makapagtext. Sinabi ko sa sarili ko paano na kaya ako. Then nakita ako ni Sr. Marla, OCD na nakaupo dun. Magkakilala kasi kami kasi isa siya sa mga Portera. At palagi ko siyang nakakausap. Buti na lang at siya ang magsasara that time ng Monasteryo. Then yun humingi ako ng tulong kasi di na ako talaga makatayo. Tumawag siya ng tricycle driver para ihatid na sana ako sa bahay pero we decided na magstay na lang ako sa Carmel kasi wala naman tao sa bahay at nasa lola ko pa sila. Dun nagpatulong akong makatayo at naglakad ako patungo dun sa may upuan sa labas at nang ibigay ko na sana yung bayad pero natumba na lang ako. Then nagpatulong ako ulit at umupo na lang ako sa may upuan at hinintay si Sr. Marla kasi magsasara na siya ng Chapel. Then yun pinatawag na niya ako sa telepono. Tumawag ako sa bahay ng lola ko. At pinagmadali ako dahil di ako makatayo.

Hayun nag-usap muna kami ni Sr. Marla, nakita rin ako ng mga kasamahan niyang mga madre, Sr. Luz, OCD at Sr. Pheobe, OCD. At yun tinanong nila kung anong nangyari.

Dumating na mga magulang ko at tumuloy kami sa provincial hospital dahil yun ang pinakamalapit pero nagalit ang aking mga magulang dahil sa serbisyo nila. Matagal na ako dun pero di pa ako inaasikaso. Di man lang kinuha ang pangalan ko pero tinurukan na ako ng gamot. Kaya we decided to go home para pumunta na lang kami sa doctor kinaumagahan. Hayun from January 2 – 5 nakakulong ako sa hospital. Maraming test ang ginawa at ang diagnosis:

HYPOKALEMIA PERIODIC PARALYSIS

Or Lack of Potassium in the body na nagging dahilan ng panghihina ng aking mga muscles at nagparalyze sa aking mga paa. Sabi nila mapalad pa ako dahil hindi pa yun yung pinakagrabe at naagapan pa. Kasi kung hindi naagapan baka maparalyze buong katawan ko.

Kaya heto ako ngayon nagiging unggoy na ata sa kakakain ng saging. Basta rich in potassium ang aking dapat mga kainin. Less carbohydrates na iwasan pa raw mga pasta at ito nakakalungkot pero hindi na nila nirerecommend pa ang softdrinks sa akin dapat raw kung maaari eh Gatorade na lang daw ang maging tubig ko. Hay nakuh nakakalungkot naman ang buhay.

Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagdasal para sa akin.

Nagpapasalamat ako sa mga Discalced Carmelites na siyang tumulong sa akin.

Nagpapasalamat din ako sa mga Fraters at Scholars ng Confraternity of Catholic Saints lalo na kay Fra. Dave, ccs at Fra. Lloyd, ccs.

Nagpapasalamat din ako kay Rickxander, na walang sawa sa pakikinig sa akin ng nasa ospital ako through text at sa aking Kuya Angelo, aspirant sa OFMCap.

At pinasasalamatan ko rin ang aking kuya-tatay Bro. Jeamboy, OFMCap. Salamat sa pagdarasal ninyo.

MARAMING SALAMAT PO AT PAGPALAIN KAYO NG DIYOS!

Note: Next time na ang mga realizations ko.

The Unexpected Vacation sa Manila...

I do not expect talaga that I will have the chance to have some of my vacation in Metro Manila. Sige, just consider the distance of Manila and Laoag, kakapagod kaya. Normal traveling, with no traffic and on a bus, would take you 10 hours from Laoag to Manila. Normal pa lang yan, ano pa kaya pag nagka-traffic sa daan.

Well, di naman talaga problema ang traffic sana pero kasi Christmas rush eh maraming nag-uuwian sa probinsya kaya makakaencounter ka ng traffic sa iba’t ibang towns na madaraanan.

Actually, two weeks bago pa ang pagpunta ko eh nililigawan ko na ang nanay ko para pumayag lang siya. Hay nakuh, oras-oras ko siyang kinukulit hanggang sa pumayag siya. Yun alam naman niya kasi ang mga dahilan ko at reasonable.

December 21

I took a day trip, 10:00. Pero biglang nasiraan sa daan sa Ilocos Sur. Akala ko noon eh minalas na ang aking trip. Imagine na-stuck na kami ng halos mag-iisang oras sa daan. Buti na lang at naayos kaagad. Yun nakaranas ako ng napakahabang trip. Halos 13 hours akong nagtravel.

Nag-day trip ako para makaabot pa rin ako sa Misa de Gallo. Di bale kasi sa aking tinuluyan eh katapat lang ang isang chapel. Kaya magigising ako kahit anong mangyari.

Ang nakaka-touch sa aking day trip eh yung kasama ko sa aking seat na babae. Napakabait niya sa akin. From the time na sumakay siya hanggang sa makababa kami eh palagi niya akong nililibre. Hay nakuh, ang sarap kaya ng libre no. Ayoko na sanang magpalibre pa pero she insist. Well, mabuti talaga siya. Kahit di niya ako kilala eh napakabait niya sa akin. Nagpapasalamat ako kay God dahil meron pa palang mga taong ganun. Kulang na lang eh ihatid pa niya ako sa tutuluyan ko, sa antie ko.

Dumating ako exactly 11:30 sa Terminal ng Farinas Trans. Well, ang purpose ko naman sa pagpunta ditto eh ang pagbisita sa mga Capuchino at pagpapaunlak sa imbitasyon ng mga Franciscano. Pero di ko inexpect na magiging masaya pala itong experience na ito.

Search-in sa mga Franciscano

Akala ko eh interview lang ang gagawin ni Fr. Rolly Abas, OFM sa akin. Then yun nung nasa Manila na ako tinawagan ko siya at sinabi niya magdala ako ng mga damit basta kaunting mga gamit. By that ang alam ko eh baka overnight lang somewhere in Manila. Yun dahil alam ko na rin naman yung daraan at malapit lang naman ako sa kanila kaya naglakad na lang ako dala ko yung maliit na bag ko na ang laman lamang ay isang damit at shorts ko at ilan pang mga gamit.

Dumating ako sa St. Anthony Shrine, nagmeet na kami ni Fr. Rolly at nameet ko rin si Fr. Cielo Almazan, OFM na isa ring Ilokano. Yun nag-usap muna kami with one of their Sri Lankan Postulant. Then dun niya sinabi that we will be going to Liliw, Laguna sa Novitiate House ng mga Franciscan. Ha??? Nashock ako ng kunti kasi di ko yun ineexpect with all the kaunting damit lang na dala ko. Pano yan di pa naman ako nagdala ng mga gamit sa pagligo? Babalik sana ako sa tita ko pero baka wala nang tao dun kasi lumabas sila. Pero kahit ganun sige lang carrying-carry ko to sabi ko sa sarili ko.

Hayun, ipinakilala pa niya ako sa iba pang kasama naming.

Meeting Fra. Lloyd,ccs. Di ko naman inexpect na makikita ko si Fra. Lloyd. Alam kong sa mga Franciscano siya pero di ko inexpect na that moment eh magkakakilala kami ng personal. Wow, sa wakas nakakilala na naman ako ulit ng bagong Frater ng CCS at di lang yan kasi siya ang guardian ng mga Cooperator. Yun nag-usap kami one-on-one. And I am very happy that I met him kasi kahit di ako nagpakita kay Fra. Dave eh nakilala ko naman siya.

Nagpunta kami ng Liliw mga 1:00 then nakarating ng near 6:00. Ngawit na ngawit na ang pwet ko no sa kauupo eh di pa ako makagalaw kaya talagang masakit na ang pwet pagdating dun. Yun nag-EP kami then we had our supper with the Novices. After that nagjoin kami sa concelebrate Mass ng Misa de Gallo dun sa Chapel sa baba ng Novitiate House. After that nagkaroon na kami ng isang sharing time with the Novices. Yun syempre nagshare rin ako kung bakit ako nandun at bakit ganun.

Hay nakuh, nanginig ako ng kunti dun lalo pa’t dinudugo na ako ng kunti kasi ako lang ang kaiba. Sila mga Novices, dating Seminarian na gusting ituloy, iba naman eh Seminarian sa isang Major Seminary, at ako isang naliligaw na Student-Teacher… Hahahahaha… Ligaw na nga pinakabata pa… At least mga kasabay ko dun eh mga matatanda na… Hahahaha…

Kinabukasan, hala problema ng kunti kasi wala akong mga gamit na panligo. Bahala na si Lord. Buti na lang at may pinahiram na towel at mga pampaligo, OMG! Buti na lang. After the morning prayer with the Franciscan Crown Rosary eh breakfast. Then nilibot namin ang ilan sa mga karitig Churches sa Laguna na ginawa ng mga Franciscan. Then nalaman ko some parts ng history ng mga Franciscans dito sa Pilipinas.

Yun, after ng lunch, umuwi na kami. Then pagdating sa Manila ulit, tinanong ko si Fr. Rolly kung ano nang next. Yun sinabi niya na next time na lang daw ako magtake ng test pag nakapagpasya na ako. In fairness, nahulog ang loob ko sa mga Franciscans. Pero I choose to stay sa Capuchino.

Christmas Midnight Mass with the Capuchins

Dahil marami naman ginagawa yung Vocation Director ng mga Capuchino tuwing umaga kaya I decided to attend na lang the Midnight Mass sa Sta. Teresita Parish, QC. Bago yun tinawagan ko muna si Bro. Jeamboy, OFMCap. Para tanungin kung nasaan siya. Yun kakagulat kasi nasa Bahay Capuchino lang pala siya at malapit lang yun. Sakto naman that sila ay pupunta sa Midnight Mass. Yun after the Mass eh nagmeet na kami sa wakas ni Bro. Jeamboy. Then ipinakilala niya ako sa mga ibang Capuchino dun and ang pinaka hindi ko inaasahan ay ang mameet ko in person ang Provincial Minister ng mga Capuchino sa Pilipinas. Yun niyaya ako ni Bro. Jeamboy na bumusita sa Bahay Capuchino kinaumagahan.

Bahay Capuchino and Meeting Rickxander

Last day ko na sa Manila. I have to go home kasi namatay ang great grandfather ko. Abah dalawa ang agenda ang Bahay Capuchino at pagkilala kay Rickxander na bunso kong kapatid sa FS. Hehehehe… Hayun, dahil di naman ako pamilyar masyado kaya ang meeting place namin ay sa Espanya-UST. OMG! Isang oras na akon atang naghihintay dun wala pa rin siya. Baka pagkamalan pa akong isang tambay. At dumating siya at kaagad kaming nagpunta sa mga Capuchino.

Una kaming dumaan ulit sa Sta. Teresita. Then diretso sa Bahay Capuchino. Dun nag-lunch na kami ni Rick kasama ang ilang brothers at mga bisita. Pagkatapos ng lunch, nagbihis si Bro. Jeamboy ng kanyang habit and dun sa kanyang office. Kwentuhan to the max hanggang abutin na kami ng Alas Quatro. I enjoyed kaya meeting may Kuya-tatay Jeamboy no. Ang saya-saya niyang kausap kahit first time lang kaming magmeet. Namimiss ko na nga ang paghalakhak niya. Akala ko napakaseryoso niyan tao dahil sa mga nababasa at nakikita ko dito sa Multiply pero napaka kwela pala niya.

Sakto namang dumating si Provincial Minister from Mass ata. Yun nameet ko na naman siya. Yun usap ng kunti at mano. After that picture naman para may mga memories kami ni Rick dun.

Then uwian na. Umuwi na kami ni Rick. Sumakay na siya sa jeep at ako naman dahil malapit lang naman talaga ang uuwian kaya nagwalkathon na lang ako kasi talagang ganun lang talaga ako mahilig maglakad.

I enjoyed this Christmas with all of this unexpected things to happen. The Manila trip for the Capuchins and Franciscans became somewhat as a tour in Laguna and meeting different and unexpected persons. Because I have chosen to walk always when going to near places like the Franciscans and Capuchins, my fear for snatchers and walking alone in Manila was gone. I learned to be alone when going out and search for places alone.

Baka matagal na ulit ang susunod kaya inenjoy ko na lahat ng time na meron ako dun. Tuloy-tuloy na kasi ang pag-aaral ngayon hanggang sa graduation. I hope magkaroon ako ng time kahit sa mga short breaks namin. I am hoping for it!

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket