WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Saturday, January 31, 2009

Ang Pagsisimula ng Aking Music Ministry sa Cathedral

It started with an invitation from my Adviser sa Chorale Society namin sa school. Why not naman sabi ko kay ma'am. Total Katoliko naman ako at sa Cathedral naman yan. At saka buhay ko naman ang pagkanta. I accepted the invitation to join the Cathedral Choir, the official Choir of St. William's Cathedral Parish, Diocese of Laoag, headed by the Bishop mismo, Bp. Sergio L. Utleg.

Ang sabi ni ma'am eh parang may kaunting audition in front of the Bishop bago ako maging official member. I waited for the Bishop to come for the audition. Meanwhile, ang first piece sa practice ay ang Hallelujah-Messiah ni Handel. Tatayo talaga mga balahibo mo kapag narinig mo ang kantang ito. Well, mahirap siya ng kunti kasi matataas na nota ang sa tenor. Mahirap abutin ng kunti.

Then Wednesday, January 28, 2009, dumating na ang Bishop. Audition time na, nanginginig ako ng kunti kasi siya mismo ang tumitipa sa piano. Hala, baka magkamali ako. Nakuh naman ang hina ng pagtugtog ni Bishop nalilito ako ng kunti. Then, buti na lang at nakapasa ako, I retain my voice range as tenor. I am officially a choir member. For the first time I committed myself for a ministry in my parish.

Di man ako nasa tabi ng pari sa Misa, di man ako katulong niya, ang katotohanan kung walang choir walang maglelead sa sacred music which is part of the Mass. hehehehe... This is the music ministry.

Ngayon, abah may natuklasan ako si Bishop napakagaling palang Choir master. Nakuh naman talented, akala ko eh pagiging Obispo lang ang inaatupag niya. Napaka-active gabi-gabi na nasa practice at siya mismo ang nagtratrain sa aming mga tenor at base. Kung minsan kung wala ka pang kasama eh one-on-one pa. Hay nakuh kailan lang ng ma-turn off ako sa kanya pero ngayon well kahit pa ganun ang nangyari between us eh kahit anong gawin ko kailangan ko siyang mahalin kasi Bishop ko siya.

Every Feb. 1 nagsisimula ang celebration para sa pista ng aming patron na si San Gulliermo Hermitanio (St. William the Hermit). Happy Fiesta sa amin! Mas kilala ito sa Pamulinawen Festival.

Monday, January 5, 2009

Hypokalemia Periodic Paralysis: Ang Pagkaparalisa Pagkatapos ng Misa

It was on the afternoon ng January 1, 2009. Di kasi ako nakaattend ng Mass for the New Year kasi umuwi kami sa lola ko para dun magcelebrate eh may kalayuan at wala namang malapit na simbahan. At isa pa di ako pinayagan ng mga magulang ko dahil syempre baka maputukan pa ako.

Umaga palang ng New Year’s Eve eh nararamdaman ko na ang panankit ng mga muscles ko sa aking mga hita. Pero dahil magbabagong taon I decided na ako na lang ang maglalaba lahat ng mga maruming damit. Syempre kasi yan lang naman ang talagang ginagawa ko palagi at ako talaga nakatoka that time. Nagbagong taon na at nagsimula na rin manakit ng kunti ang aking mga braso. Pero okay lang yan sabi ko kasi nanakit pag minsan ang mga braso at hita ko pag napapagod ako.

Kinaumagahan, talagang nanakit na sila gaya ng mga nararanasan ko kapag talagang pagod na pagod ako pero I can move pa naman. I can walk basta kayak o pang gawin ang lahat. Kaya I decided to go to Mass sa Carmelite Monastery kasi magmimisa doon ang Bishop namin, Most Rev. Sergio L. Utleg. It’s the Solemnity of the Mother of God at saktong si Bishop pa ang magmamass. At isa pa mas malapit kasi ako sa Carmelite Monastery at dalawin na rin mga madre.

Then yun nagpahatid ako sa mga magulang ko sa bayan. I decided na maglakad na lang kasi malapit lang naman talaga. Then sa isang crossing I tried to run to cross the street kasi syempre may mga sasakyan. At nung tumakbo na ako na-out balance ako mismo sa gitna ng daan. Then I tried to get up pero wala akong lakas na tumayo. Kaya yun nabahala na mga nakakita at nagpatulong ako sa isang driver. Sakto naman na dumaraan yung cousin ko kaya naman tinulungan niya ako. Inihatid niya ako sa Carmel dala niya kasi sasakyan niya. Then nung pababa na ulit ako sa sasakyan na-out balance ulit ako at di talaga ako makatayo kasi nanghihina na mga hita ko nasugatan at napunit pa pantaloon ko. Kaya tinulungan ulit ako ng cousin ko. Sinabi niya na ihahatid na lang daw ako pero ako naman di ko gusting umuwi na dahil baka wala na ang mga parents ko dun. Kaya nagpatuloy lang ako sa pagpunta sa Carmel.

Nagumpisa na ang Mass at pinapansin ko ang mga binti ko yun kapag ifold mo eh nanginginig mga muscles at parang matutumba ka. Kaya sa duration ng Mass hindi ako lumuhod. Umupo na lang ako at nakayuko ng kunti ako. Nagdadalawang isip na ako nun kung pupunta pa ako sa communion. Yun sinubukan ko pa rin. At sa awa ng Diyos nakalakad ako at nakabalik pa sa upuan. Natapos na ang Mass at nagmano na ako sa Bishop at sa mga Carmelite Sisters. Uuwi na sana ako pero nung nasa pagitan na ako ng gate ng Carmel at ng Bishop’s Residence, magkapitbahay kasi sila, hayun na-out balance na naman ako. At hayun na hindi na talaga ako makatayo pa on my own. Nakita ako ng mga ale at tinanong kung napano ako eh yun sinabi ko na hindi ako makatayo. Ang mahirap dito masakit na rin mga braso ko kaya di ko kayang tulungan ang mga paa ko para at least eh makaupo ako dun sa gilid. Sinubukan ko talaga na makaupo para di mapansin na na-out balance ako.

May pangyayari with the Bishop dito but I decided to keep it na lang. Basta ang alam ko eh mabait siya.

Then dumidilim na that time at magsasara na pati ang Carmelite Monastery. Kahit gustuhin ko mang magtext sana sa mga magulang ko saktong na COS na ako kaya di ako makapagtext. Sinabi ko sa sarili ko paano na kaya ako. Then nakita ako ni Sr. Marla, OCD na nakaupo dun. Magkakilala kasi kami kasi isa siya sa mga Portera. At palagi ko siyang nakakausap. Buti na lang at siya ang magsasara that time ng Monasteryo. Then yun humingi ako ng tulong kasi di na ako talaga makatayo. Tumawag siya ng tricycle driver para ihatid na sana ako sa bahay pero we decided na magstay na lang ako sa Carmel kasi wala naman tao sa bahay at nasa lola ko pa sila. Dun nagpatulong akong makatayo at naglakad ako patungo dun sa may upuan sa labas at nang ibigay ko na sana yung bayad pero natumba na lang ako. Then nagpatulong ako ulit at umupo na lang ako sa may upuan at hinintay si Sr. Marla kasi magsasara na siya ng Chapel. Then yun pinatawag na niya ako sa telepono. Tumawag ako sa bahay ng lola ko. At pinagmadali ako dahil di ako makatayo.

Hayun nag-usap muna kami ni Sr. Marla, nakita rin ako ng mga kasamahan niyang mga madre, Sr. Luz, OCD at Sr. Pheobe, OCD. At yun tinanong nila kung anong nangyari.

Dumating na mga magulang ko at tumuloy kami sa provincial hospital dahil yun ang pinakamalapit pero nagalit ang aking mga magulang dahil sa serbisyo nila. Matagal na ako dun pero di pa ako inaasikaso. Di man lang kinuha ang pangalan ko pero tinurukan na ako ng gamot. Kaya we decided to go home para pumunta na lang kami sa doctor kinaumagahan. Hayun from January 2 – 5 nakakulong ako sa hospital. Maraming test ang ginawa at ang diagnosis:

HYPOKALEMIA PERIODIC PARALYSIS

Or Lack of Potassium in the body na nagging dahilan ng panghihina ng aking mga muscles at nagparalyze sa aking mga paa. Sabi nila mapalad pa ako dahil hindi pa yun yung pinakagrabe at naagapan pa. Kasi kung hindi naagapan baka maparalyze buong katawan ko.

Kaya heto ako ngayon nagiging unggoy na ata sa kakakain ng saging. Basta rich in potassium ang aking dapat mga kainin. Less carbohydrates na iwasan pa raw mga pasta at ito nakakalungkot pero hindi na nila nirerecommend pa ang softdrinks sa akin dapat raw kung maaari eh Gatorade na lang daw ang maging tubig ko. Hay nakuh nakakalungkot naman ang buhay.

Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagdasal para sa akin.

Nagpapasalamat ako sa mga Discalced Carmelites na siyang tumulong sa akin.

Nagpapasalamat din ako sa mga Fraters at Scholars ng Confraternity of Catholic Saints lalo na kay Fra. Dave, ccs at Fra. Lloyd, ccs.

Nagpapasalamat din ako kay Rickxander, na walang sawa sa pakikinig sa akin ng nasa ospital ako through text at sa aking Kuya Angelo, aspirant sa OFMCap.

At pinasasalamatan ko rin ang aking kuya-tatay Bro. Jeamboy, OFMCap. Salamat sa pagdarasal ninyo.

MARAMING SALAMAT PO AT PAGPALAIN KAYO NG DIYOS!

Note: Next time na ang mga realizations ko.

The Unexpected Vacation sa Manila...

I do not expect talaga that I will have the chance to have some of my vacation in Metro Manila. Sige, just consider the distance of Manila and Laoag, kakapagod kaya. Normal traveling, with no traffic and on a bus, would take you 10 hours from Laoag to Manila. Normal pa lang yan, ano pa kaya pag nagka-traffic sa daan.

Well, di naman talaga problema ang traffic sana pero kasi Christmas rush eh maraming nag-uuwian sa probinsya kaya makakaencounter ka ng traffic sa iba’t ibang towns na madaraanan.

Actually, two weeks bago pa ang pagpunta ko eh nililigawan ko na ang nanay ko para pumayag lang siya. Hay nakuh, oras-oras ko siyang kinukulit hanggang sa pumayag siya. Yun alam naman niya kasi ang mga dahilan ko at reasonable.

December 21

I took a day trip, 10:00. Pero biglang nasiraan sa daan sa Ilocos Sur. Akala ko noon eh minalas na ang aking trip. Imagine na-stuck na kami ng halos mag-iisang oras sa daan. Buti na lang at naayos kaagad. Yun nakaranas ako ng napakahabang trip. Halos 13 hours akong nagtravel.

Nag-day trip ako para makaabot pa rin ako sa Misa de Gallo. Di bale kasi sa aking tinuluyan eh katapat lang ang isang chapel. Kaya magigising ako kahit anong mangyari.

Ang nakaka-touch sa aking day trip eh yung kasama ko sa aking seat na babae. Napakabait niya sa akin. From the time na sumakay siya hanggang sa makababa kami eh palagi niya akong nililibre. Hay nakuh, ang sarap kaya ng libre no. Ayoko na sanang magpalibre pa pero she insist. Well, mabuti talaga siya. Kahit di niya ako kilala eh napakabait niya sa akin. Nagpapasalamat ako kay God dahil meron pa palang mga taong ganun. Kulang na lang eh ihatid pa niya ako sa tutuluyan ko, sa antie ko.

Dumating ako exactly 11:30 sa Terminal ng Farinas Trans. Well, ang purpose ko naman sa pagpunta ditto eh ang pagbisita sa mga Capuchino at pagpapaunlak sa imbitasyon ng mga Franciscano. Pero di ko inexpect na magiging masaya pala itong experience na ito.

Search-in sa mga Franciscano

Akala ko eh interview lang ang gagawin ni Fr. Rolly Abas, OFM sa akin. Then yun nung nasa Manila na ako tinawagan ko siya at sinabi niya magdala ako ng mga damit basta kaunting mga gamit. By that ang alam ko eh baka overnight lang somewhere in Manila. Yun dahil alam ko na rin naman yung daraan at malapit lang naman ako sa kanila kaya naglakad na lang ako dala ko yung maliit na bag ko na ang laman lamang ay isang damit at shorts ko at ilan pang mga gamit.

Dumating ako sa St. Anthony Shrine, nagmeet na kami ni Fr. Rolly at nameet ko rin si Fr. Cielo Almazan, OFM na isa ring Ilokano. Yun nag-usap muna kami with one of their Sri Lankan Postulant. Then dun niya sinabi that we will be going to Liliw, Laguna sa Novitiate House ng mga Franciscan. Ha??? Nashock ako ng kunti kasi di ko yun ineexpect with all the kaunting damit lang na dala ko. Pano yan di pa naman ako nagdala ng mga gamit sa pagligo? Babalik sana ako sa tita ko pero baka wala nang tao dun kasi lumabas sila. Pero kahit ganun sige lang carrying-carry ko to sabi ko sa sarili ko.

Hayun, ipinakilala pa niya ako sa iba pang kasama naming.

Meeting Fra. Lloyd,ccs. Di ko naman inexpect na makikita ko si Fra. Lloyd. Alam kong sa mga Franciscano siya pero di ko inexpect na that moment eh magkakakilala kami ng personal. Wow, sa wakas nakakilala na naman ako ulit ng bagong Frater ng CCS at di lang yan kasi siya ang guardian ng mga Cooperator. Yun nag-usap kami one-on-one. And I am very happy that I met him kasi kahit di ako nagpakita kay Fra. Dave eh nakilala ko naman siya.

Nagpunta kami ng Liliw mga 1:00 then nakarating ng near 6:00. Ngawit na ngawit na ang pwet ko no sa kauupo eh di pa ako makagalaw kaya talagang masakit na ang pwet pagdating dun. Yun nag-EP kami then we had our supper with the Novices. After that nagjoin kami sa concelebrate Mass ng Misa de Gallo dun sa Chapel sa baba ng Novitiate House. After that nagkaroon na kami ng isang sharing time with the Novices. Yun syempre nagshare rin ako kung bakit ako nandun at bakit ganun.

Hay nakuh, nanginig ako ng kunti dun lalo pa’t dinudugo na ako ng kunti kasi ako lang ang kaiba. Sila mga Novices, dating Seminarian na gusting ituloy, iba naman eh Seminarian sa isang Major Seminary, at ako isang naliligaw na Student-Teacher… Hahahahaha… Ligaw na nga pinakabata pa… At least mga kasabay ko dun eh mga matatanda na… Hahahaha…

Kinabukasan, hala problema ng kunti kasi wala akong mga gamit na panligo. Bahala na si Lord. Buti na lang at may pinahiram na towel at mga pampaligo, OMG! Buti na lang. After the morning prayer with the Franciscan Crown Rosary eh breakfast. Then nilibot namin ang ilan sa mga karitig Churches sa Laguna na ginawa ng mga Franciscan. Then nalaman ko some parts ng history ng mga Franciscans dito sa Pilipinas.

Yun, after ng lunch, umuwi na kami. Then pagdating sa Manila ulit, tinanong ko si Fr. Rolly kung ano nang next. Yun sinabi niya na next time na lang daw ako magtake ng test pag nakapagpasya na ako. In fairness, nahulog ang loob ko sa mga Franciscans. Pero I choose to stay sa Capuchino.

Christmas Midnight Mass with the Capuchins

Dahil marami naman ginagawa yung Vocation Director ng mga Capuchino tuwing umaga kaya I decided to attend na lang the Midnight Mass sa Sta. Teresita Parish, QC. Bago yun tinawagan ko muna si Bro. Jeamboy, OFMCap. Para tanungin kung nasaan siya. Yun kakagulat kasi nasa Bahay Capuchino lang pala siya at malapit lang yun. Sakto naman that sila ay pupunta sa Midnight Mass. Yun after the Mass eh nagmeet na kami sa wakas ni Bro. Jeamboy. Then ipinakilala niya ako sa mga ibang Capuchino dun and ang pinaka hindi ko inaasahan ay ang mameet ko in person ang Provincial Minister ng mga Capuchino sa Pilipinas. Yun niyaya ako ni Bro. Jeamboy na bumusita sa Bahay Capuchino kinaumagahan.

Bahay Capuchino and Meeting Rickxander

Last day ko na sa Manila. I have to go home kasi namatay ang great grandfather ko. Abah dalawa ang agenda ang Bahay Capuchino at pagkilala kay Rickxander na bunso kong kapatid sa FS. Hehehehe… Hayun, dahil di naman ako pamilyar masyado kaya ang meeting place namin ay sa Espanya-UST. OMG! Isang oras na akon atang naghihintay dun wala pa rin siya. Baka pagkamalan pa akong isang tambay. At dumating siya at kaagad kaming nagpunta sa mga Capuchino.

Una kaming dumaan ulit sa Sta. Teresita. Then diretso sa Bahay Capuchino. Dun nag-lunch na kami ni Rick kasama ang ilang brothers at mga bisita. Pagkatapos ng lunch, nagbihis si Bro. Jeamboy ng kanyang habit and dun sa kanyang office. Kwentuhan to the max hanggang abutin na kami ng Alas Quatro. I enjoyed kaya meeting may Kuya-tatay Jeamboy no. Ang saya-saya niyang kausap kahit first time lang kaming magmeet. Namimiss ko na nga ang paghalakhak niya. Akala ko napakaseryoso niyan tao dahil sa mga nababasa at nakikita ko dito sa Multiply pero napaka kwela pala niya.

Sakto namang dumating si Provincial Minister from Mass ata. Yun nameet ko na naman siya. Yun usap ng kunti at mano. After that picture naman para may mga memories kami ni Rick dun.

Then uwian na. Umuwi na kami ni Rick. Sumakay na siya sa jeep at ako naman dahil malapit lang naman talaga ang uuwian kaya nagwalkathon na lang ako kasi talagang ganun lang talaga ako mahilig maglakad.

I enjoyed this Christmas with all of this unexpected things to happen. The Manila trip for the Capuchins and Franciscans became somewhat as a tour in Laguna and meeting different and unexpected persons. Because I have chosen to walk always when going to near places like the Franciscans and Capuchins, my fear for snatchers and walking alone in Manila was gone. I learned to be alone when going out and search for places alone.

Baka matagal na ulit ang susunod kaya inenjoy ko na lahat ng time na meron ako dun. Tuloy-tuloy na kasi ang pag-aaral ngayon hanggang sa graduation. I hope magkaroon ako ng time kahit sa mga short breaks namin. I am hoping for it!

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket