WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Monday, June 30, 2008

Bible Study Chairman Ako? Are you Joking?

Talagang ito ang aking nasabi sa aking sarili ng bigla-bigla na lang na inappoint ako bilang Bible study Chairman sa gaganapin na College YMCA Club Camp/Caravan/Outreach Program sa September... Haller... Anong K ko naman para iligay nila ako sa position na iyan...

Imagine sa meeting na naganap sa walang kagatol-gatol na ako kaagad ang inilagay nila sa position na iyon... Ang meeting is held at the Student Center in the presence of the SC officers kasi ang SC ay co-sponsor ng nasabing event... Biglang-bigla ako dahil wala akong background sa mga ganitong bagay...

Maybe nakikita rin nila na talagang may K ako dahil nga sa paggawa ko ng initiative na magkaroon ng WORD MADE FLESH sa SC Bulletin... Akalain mo ba naman kasi na mag-volunteer talaga ako para mag-spearhead doon... Lalo pa't mga Biblical passages ang mga inilalagay ko... Maybe may K talaga ako...

Pero I need a help from the experts kaya yung mga experts diyan na kakilala ko maghanda na kayo dahil talagang mangungulit ako sa inyo para magpa-guide ako... Kaya huwag kayong mabibigla dahil I'll start consulting already...

I have three months to prepare... I am a future English teacher at syempre hindi ko naman alam mag-motivate kapag mga religious activities ang gagawin... hehehehehe...

(all blogs that are published here is also published at my blogger account)

Sunday, June 29, 2008

Isang Kababalaghan sa SC office: May nagparamdam...

Kahapon, kagaya ng aming napagkasunduan na mga SC officers para ready ang lahat at mas maganda ang aming pagseserbisyo sa mga kapwa mag-aaral, kami ay nag-reconstruct sa Student Center at gumawa ng mga plano para sa mga darating na activities ng school.

Napilitan kaming mag-exceed ng isang oras sa target time namin na 5:00 PM. Imagine 6:00 ng gabi, Sunday, umuulan pa, nasa school kami pero this is in the name of service although parang its unfair kasi that was God's day pero syempre naman ako Misa muna bago ang iba. Kaya nag-extend nga kami hanggang 6:00.

Nakikinig kami ng radyo at katatapos lang ng Angelus... 6 na kasi at expected na kahit may tao pa sa SC office eh kailangan na talagang umuwi... Biglang may pito kaming narinig, akala namin ito ay mula sa mga guards usually ganun kasi ginagawa nila. Kaya nagligpit na kami... Nagpapatuloy ang mga pito... Kaya kinabahan na ang iba sa amin kasi iba na rin ang pinanggagalingan ng pito... Nakababa na ako noon kaya wala nang problema sa akin... Ang SC office ay nasa dulong left ng building at ang pito na naririnig nila ay galing sa Social Hall na nasa dulong right naman... Tumingin ang isang kasamahan namin doon sa Social Hall pero wala namang guard... Kaya kinabahan na sila at kumaripas ng takbo pababa... Nang nasa baba na kami, nagtataka na talaga sila kung sino ang pumipito eh wala namang tao.

Nagtanong kami sa mga guards kung may pumito o nagronda na bang kasama nila. Ang sagot nila wala. Kinabahan na talaga kami. Kami nga ba ay minulto kahapon. Kung guni-guni lang bakit narinig naming lahat?

Sa loob ng College ay may girls dormitory, marami kaming nakasalubong na mga nag-dodorm sa school at naikwento namin ang mga pangyayari. Hayan na lumbas na ang mga iba't ibang kwento nila kapag gabi sa school. Minsan raw naka-ilaw ang buong SC office at kapag 10:00 lang yun, eh sa katunayan walang ilaw na nakabukas sa buong building kapag gabi. Isang pang pagkakataon raw may nakikita silang nakaputi sa garage area ng school. Kung minsan mismong sa dorm may umiiyak kapag gabing bata.

Nakakatakot talaga sa school na to, kasi one time raw may nagparamdam talaga sa mga estudyante habang nag-kaklase sila. Kaya yun nagpabendisyon pa raw sila sa pari para lang mawala yung nagparamdam. Okay, let see its history.

Ang College ay ang pinakamatandang College sa MMSU, since 1918. Ito ang isa sa pinakaunang kolehiyo ng mga teachers sa buong Pilipinas. Ang current main building ng College ay ipinatayo pa back 1946. Pero kung titingnan mo yung nakasulat sa building, ang katotohanan ay reconstruction lang pala pagkatpos ng war. Kaya ba may mga multo dahil sa inukupa rin ng mga Hapon ang school... Baka maraming namtay dito...

Well, God is good. He will protect us. But natatakot na akong mag-second sem dahil kaming mga lower years lang ang matitira sa SC wala na ang mga higher, practice teaching na kasi nila nun... Wala sanang magparamdam...

Nag-iisang Christian Org dinisolve sa school...

Disappointed akong talaga sa school dahil sa pangyayaring ito. Last week kasi nag-reorganize ang lahat ng mga existing organizations, a total of 26 clubs and organizations sa College only. As in 26 organizations na halos kailangang mag-member sa bawat isa lalo na ang mga major orgs. Sa 26 na ito, ang karamihan ay nangailangan ng secret balloting kaya full load ang lahat ng mga SC officers kasama na ako...

Pero I am very disappointed to know that at no reason at all the only Christian org was dissolved. Imagine wala nang kahit anong Christian org, meron pero org ng mga Iglesiya alangan naman na sumali ako no... Solid kayo to... May YMCA pero pang-competitions lang ang ginagawa hindi yung talagang nag-rerespond sa mga students... as in hindi naman religious or spiritual ang mga ginagawa nila...

The org is named CABSAT... may meaning pero di ko mamemrorize... basta Christian yung first word... CABSAT ang tawag sa brother sa Iluko (take note: iluko is the language, ilokano is the people)... tamang-tama para sa isang Christian org... I will admit na ang org na ito hindi masyadong naging inactive ang group at halos sa huling sem lang sila nag participate nung last school year... kaya I've wanted to be the President sa org na ito dahil I want this to be very functional sa pag-respond sa spiritual needs nang mga students... Pero that dream is now gone kasi wala nang CABSAT... hopefully mabubuo rin ito next year kung may adviser na mag-pupush...

Kaya for the meantime, I have to use my initiative being a Catholic... Kahit kung titignan parang abuse of authority sa part ko bilang isang SC officer pero I need to use it para magkaroon pa rin ng presence ang Christian ideals sa school... I know na mahirap palitan ang isang buong org kung ang ipapalit ay iisang tao lamang... I admit na wala talagang masyadong susuporta sa gagawin kong ito but I am very thankful na pumayag ang SC President namin para magkaroon ako ng sariling corner sa SC bulletin board namin... As in entrusted to me ang corner na ito kasi alam rin naman nila na ito talagang linya ko... Kaya yun tatawagin ko ang corner na ito bilang "WORD MADE FLESH" corner... Kung saan maglalagay ako ng mga verses sa bible both from the Old and New Testament tapos syempre holy words from the Saints, pwede ba namang hindi... But kailangan pa ring maging neutral ng kaunti kasi hindi lahat ay Catholic sa school...

Dahil ako'y may authority na pinanghahawakan gusto kong gamitin ito in the sense na nagagawa ko pa rin ang expected work sa akin na na-iin part ko rin ang aking pagiging Catholic... Kung walang mag-iinitiative walang mangyayari... Hindi ko gustong maging atheist school ang College namin...

Kaya ito, with the permission of the SC President I am now preparing the Resolution for this activity... And maybe next year, I am hoping, that CABSAT will return again...

Saturday, June 28, 2008

2nd Nosebleed for the month of June!

Napakasamang pag-uumpisa ng Pauline Year dahil for the second time nag-nosebleed na naman ako. Bakit ano nga bang nangyayari sa akin? Ang napakasama pa sa pag-nonosebleed ko ngayon, nangyari ito sa loob ng Simbhan mismo.

Hindi pa tapos pero naramdaman ko na ang isang kakaibang feeling sa ilong ko kaya kinapa ko, yun dugo na pala ang nasa ilong ko. Nakatingala na ako sa loob ng Simbahan para huwag lang tumulo, eh malapit na ring matapos ang Misa blessing na lamang kaya hinintay ko na lang kasi baka sabihin ng mga tao nagmamadali akong lumabas nakakahiya. Pero kahit malapit nang tumulo ang dugo nagpunta muna ako sa Blessed Sacrament para magpaalam kay Jesus na hindi muna ako makakapag-vigil ngayon. Hayon, nagmadali na akong umuwi kaya nagulat pati yung mga taong nasa refectory doon, kasi ako dumadaan pagkatapos ng Misa para makamusta na rin si Fr. Albano.

May sasabihin pa sana ako kay Father pero di ko na itinuloy dahil tutulo na siya. Kaya yun nagmadali talaga akong umuwi buti na lang mabait yung sinakyan kong tricycle at buong pagmamadali niya akong inhatid dito sa bahay kung saan wala akong kasama.

Buti na lang huminto na siya kaagad kundi talagang nenerbiyosin na ako.

Ipagdasal po ninyo ako kayong makakabasa nito.

All ye angels and saints, pray for me!

Monday, June 23, 2008

Nag-nose bleed na naman ako...

Ito ang pinakakinatatakutan ko ang mag-nose bleed ako kasi naiisip ko kapag nag-nonose bleed feeling ko may karamdaman akong grabe na at may taning na ang buhay ko... hehehehe...

Pero I am very serious, talagang natatakot ako kapag nag-nose bleed na ako... May time na nga halos every month nag-nose bleed ako that was back in the fourth year... Talagang tumulo na lang ang dugo mula sa ilong ko at hindi ko na napigilan... One time nga umabot siya ng higit sa 15 minutes kaya talagang natatakot na ako sa sarili ko kapag ganitong situation... Kaya kapag nararamdaman ko na na parang may tutulo sa aking ilong kahit sipon lang pala agad ko ng kinakapa para alam ko kung nose bleed na iyon... One time kasi nag-nerbiyos yung Professor ko ng bigla na lang na nag-nose bleed ako sa class niya...

Hehehehe... well, siguro dahil sa mainit na panahon ito... think positive, wala lang 'to... pero sa totoo lang ako lang sa buong pamilya ang nag-nonose bleed ng pinakamadalas... Buti na lang at nandito pa lang ako sa bahay at di sa school di ko kasi gustong pumunta na naman sa clinic... Hehehehe...

Sunday, June 22, 2008

Goodbye Gov...

Ngayon after a very long time of waiting for my election, may position na ako sa SC. I am the Official Business Manager of the SC of the Mariano Marcos State University-College of Teacher Education with responsibilities equal to the President and the other officials... Ganyan kasi ang SC sa amin kapag tapos na ang election wala nang kwenta ang iyong position kasi kayong lahat ay flat rate na or magkakapareho lang ng gawain naghahati-hati lang kayo... Walang President, walang Business Manager, sa pangalan lang pero sa work hindi...

Ang Bagyong Si Frank... Bow...

Grabe... habang ang Kamaynilaan, Iloilo at iba pang lugar ay binabayo ng mga pag-uulan dulot ni Bagyong Frank nandito ang Laoag binabayo naman ng matinding init ng panahon...

Kahapon, syempre hindi ko pa inaakalang daraan ang bagyo kaya nasa city ako, punta Church then punta sa School para sa SC preparations... Pagsapit ng hapon, yan na narinig na namin ang unang utot ni Governor ay este ang siren pala (parang palaging red alaert ang Laoag dahil sa siren na ito) na mula sa Provincial Capitol... Syempre mapapatigil ka kasi usually 12 noon lang ang siren eh lampas 12 na meaning signal na yan ng bagyo... Okay signal no. 1 tirik pa rin ang araw ni walang hangin kang mararamdaman, napakainit... Then maghapon na ang nakalipas wala pa ring hanging dumaraan kahit ulan wala... Pagsapit ng 5:00 yan na may signal na ulit na wala sa oras (6:00 ang time ng siren) signal no. 2 na pero wala pa ring ulan at hangin...

Abah, ano to iniiwasan ang Laoag... Ayaw umulan...Buong gabing napakainit walang ulan... Kagabi sinabi ng DepEd na suspended ang klase sa lahat ng antas kasama ang Ilocos Norte... pero kaninang umaga hindi na ako makapakali kasi mag-ispeech ako sa school... Kaya text dito text diyan na ako... Pero walang sumasagot, eh signal no. 1 na lang pala kaya meaning may klase na ang College... eh di syempre being a good student punta ako sa school... Nagpatuloy ang SC rally at ako nga ay officially elected na kaya busy na ulit ang life ko... Abah tirik pa rin ang araw kahit sinabi ng PAG-ASA na sa hapon ng Lunes halos nasa tabi lang ng Laoag ang Bagyo... Its a miracle wala ni ulan kaninang umaga hanggang kaninang hapon... Umambon ng napakaikling time then ngayon malalakas na hangin na ang nararamdaman pero wala pa ring ulan... Parang walang bagyo...

Kaya joke nila kaninang umaga sa school, hindi signal no. 2 ang Laoag dahil sa Bagyo kundi signal no. 2 sa kainitan ng panahon... Mabuti rin naman yun na hindi talagang naapektuhan ng Bagyo ang Laoag kasi start na ng planting ng rice dito sa amin pero sana naman umulan kahit kunti para na-refresh ang mainit na climate...

From the Governor to the Student Council: The Journey to the SC...

Ilang beses ko na rin nasabing tatakbo nga ako sa Student Council (SC) due to the request of Ate Karen dahil nakita niya ang aking dedication sa aking tungkulin bilang Freshmen Class Organization Governor the past School Year... Mababa man ang aking dating rango sa buong College kasi I am ruling only about 300 Freshies that time, compared sa other organizations na napakarami ng mga members, naipakita ko raw ang aking worth being a leader of this organization dahil I have manage to lead them sa Intramurals, sa lahat ng mga events lalo na noong Christmas and most especially I have managed to submit the Accomplishment Report and Financial Statement on time (Actually I was only to help my treasurer being the highest in the org pero I became at the same time Treasurer)...

Kaya naman kahit alam kung hindi ako naging perpekto sa aking pamamalakad dahil I have to do still my personal things I am always willing pa rin na maging Governor ulit kahit mahirap... For a year I have represented 300 persons in General Assemblies, sa mga projects ng SC na kahit mag-out reach pa sa mga pinakaliblib na lugar ng ILocos Norte walang angal kasi enjoy naman... Kaya hanggang ngayon hindi matanggal ng karamihan ang tawag nila sa akin na Gov... Ipinupush nga nila na mag-Governor ulit ako pero sabi ko I need to try another...

Dumating nga ang SC sa buhay ko... Inilagay nila ako sa position bilang Business Manager... Mababa ang posisyon na ito pero ito ay isang key position dahil kung wala ito walang SC... I very proud pa rin na kasali ako dito... Ang akala ko may makakalaban kami pero sa kasamaang-palad nag-iisa ang partido ngayong taon... Kaya kaninang umaga natuloy ang SC rally for presentation lang ng bagong officers... Pero still there is voting for formality raw and according to the Constitution and By-laws ng SC you need 50% confidence vote kapag iisa ang party...

Well, tapos na ang balloting at kahit hindi na bilangin mananalo talaga kaming lahat kasi no other choice naman...

And so this is the start of the real service to my fellow CTEians... If then I only hold 300 students now I have the authority over 1,200 students of the College... I have now the power to say something... I have now the voice over school politics... I admit that somehow I really wanted to join the SC since the first day of my college life because I really wanted to be a part of the wonderful things that this organization is doing (The College SC is the best SC in the entire University that it also takes advantage than the Central Student Council because of its tremendous services to the students and the community)...

At ngayon, kung noon marami akong time para sa mga walang kwentang bagay ngayon aagawin na ng SC ang time na iyon... And actually majority of the officers agree that we will work on Sundays... imagine Sunday, I need kasi to consider pa rin that I have also my responsibilities kahit ayoko sana sa Sunday... Kaya it is a busy Sunday for me siguro maiintindihan naman ni God kung working day ang Sunday ko... Tsaka una pa rin naman Siya kasi 7:30-9:30 pa rin ako sa Simbahan, first part MASS then diretso sa Blessed Sacrament for 1 hour...

Hay buhay, I need na talaga to allocate my time in my study, service to the College, and also my spiritual life, kasama na diyan ang CCS at ang aking volunatary work sa Anluwage... pero still pinakamalaking time ang spiritual... hehehehe...

Sunday, June 15, 2008

The Wedding (hindi ako naka-attend)... gusto ko lang ikwento...

Hindi nga ako naka-attend sa wedding na ito dahil hindi ko maiwan ang school. Mahirap na kasing lumiban sa klase. Bakit ko pa nga ba kailangan ikwento to kung wala rin naman ako sa eksena? Hehehehe...

Ang pagkakaalam ng marami ako ang eldest son ng tatay ko. Pwes aking ilalahad na ang katotohanan. Hindi po ako ang tunay na eldest son ng tatay ko. Bale may kuya ako in real life, as in biologically kuya ko siya na anak ng tatay ko sa kanyang pagkabinata. Nobody's perfect. Bago pa man ang nanay ko nagkaroon na nang anak ang tatay ko at siya ang Kuya Gilbert ko. Bale ako ang eldest sa pangalawang pamilya ng tatay ko (as if naman nagkaroon siya ng first). At dahil sa mga hindi maaaring ilahad na dahilan napilitan na lang na ipaampon ang kuya ko sa tito ko rin sa father side kaya nanatili pa rin siyang isang Vertido. Alam rin naman ng buong angkan ang tungkol dito at sa mura kong edad at least ng magka-isip na ako alam ko na lahat ang mga basic na secrets ng pamilya namin tulad nito. Hindi naman ipinagkait na malaman ko ito ng nanay ko.

Maiba tayo, ating ipagpatuloy na natin ang kwento tungkol sa kasal. Ang kasal ay kasal ng kuya ko at ng kanyang pinakamamahal na si ate Karen. Ginanap lang naman ang kasal sa Pampanga kaya hindi talaga ako naka-attend kasi mas mahalaga pa rin naman ang school para sa akin at saka malayo siya hindi ko gustong mapagod sa paglalakbay. Kaya ang pumunta lang sa aming pamilya ay ang nanay, tatay at ang bunso namin. Halos kaunti rin lang naman ang umattend sa buo naming angkan, at least representatives lang ng bawat pamilya dahil nga malayo at nag-umpisana ang klase.

Pero ng makita ang mga pictures sabi ko sana nandoon rin ako. Enjoy pala ang pumunta doon. Hehehehe... Sayang sana nakapunta na rin ako sa Pampanga sa Express Way ko lang kasi nadadaanan... Hehehehe... At sana kung nakapunta ako eh di nakilala ko lang naman sana ang sikat na pulitikong pari na si Among Ed Panlillo, ang Gobernador ng Pampanga, tingnan ang picture:

Eh di sana kung pumunta ako di lang sa TV ko siya nakikita... hehehehe... Para na-interview ko rin sana siya. Abah akalain mo raw magaling siyang mag-Iloko. Paano ba naman kasi sa Vigan lang naman siya na-ordain kaya natuto ng Iloko. Abah maganda rin sanang experience ang makilala ko siya. Frustrated talaga ako dahil hindi ako sumama. Buti pa ang bunso namin nakasama.

Abah, bigatin pala ang mga bisita sa wedding. Balita ko nga mga commisioner daw ng mga government offices ang present. Abah, abah, abah...

Buti pa mga cousins ko naka-attend... hehehehe... uy hindi lahat sa picture mga cousin ko, yun lang mga teens ang cousins ko... yang mga matatanda mga tita at tito ang mga yan...

Thursday, June 5, 2008

"...not only a mere profession but also a vocation and at the same time a mission!"

"Teaching is not only a mere profession but also a vocation and at the same time a mission," ito ang mga katagang talagang tumatak sa aking isipan noong magkaroon ng Thanksgiving Mass sa school noong pang March (di ko na nai-post noon busy kasi) sa pangunguna ni Fr. Engelbert Elarmo ng Immaculate Concepcion Parish, Batac City.

Minsan pa muling naipaalala sa akin na tunay ngang hindi ko pinili ang maging isang titser. Ewan ko nga ba kasi ni minsan sa aking pagkabata di ko ninais na maging titser iniisip ko palagi na parang wala akong K para dito. Pero habang papalapit noon ang oras ng pagdedesisyon walang pag-aatubili kong pinili ang Education. At sa aking mga reflections na isip ko na talaga palang mas mabuti na ito ang aking pinili dahil nandito ang aking puso. Hilig ko kasing mag-aral kahit di kailangang pag-aralan pinag-aaralan ko kaya kung gayon ako bakit di na lang ako mag-Education. Tamang-tama ito ang aking pinili ang maging titser.

Sa Mass na iyon na-realize kong ako'y nag-fufulfill lamang sa aking bokasyon, ang maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paghubog sa bawat anak Niya dito sa mundo. Na-realize kong kakaiba ang bokasyon na ito dahil ako ay isang instrumento upang buuin ang lipunang ito.

Sabi nga nila ang influence ng teacher ay infinite, hindi tumitigil kaya masasabing ito ay isang sensitibong misyon. Kasi kapag ikaw ay nakapagturo ng isang kamalian maipapasa ito hanggang sa hindi maitutuwid ang kamaliang nagawa mo. Kaya ang isang teacher ay dapat maingat sa mga itinuturo niya.

Isa pa sa talagang napakagandang sermon ni Fr. Engelbert ay nang ihalintulad niya ang teacher bilang isang ilaw at walis... Sa Ilokano ang ILAW ay SILAW... tignan po ninyo kung paano niya iniugnay ang SILAW at WALIS.

Sabi niya tamang-tama raw ang pangalan ng awarding ceremony namin (SILAW Awards) dahil ang mga teachers ay mga tunay na "silaw" ng mundo. Sila ang taga-pagdala ng "silaw" sa mga tao dahil sa pamamagitan ng kanilang walang kapagurang pagtuturo tayo ay nabibigayan ng kaliwanagan sa mga bagay-bagay. Kumuha siya ng isang kandila at sinindihan tapos naddemonstrate siya. Tinanong niya kung ano ang mangyayari kapag inilagay sa apoy ang papel, plastic, at metal. Sabi niya lahat ay siguradong maaapektuhan either masusunog, matutunaw, o mag-iinit. Ganito raw ang titser kahit sinuman ay maaari niyang maimpluwensiyahan. Marami siyang gamit.

Then pagkatapos nito binaliktad niya ang word na SILAW ginawa niyang WALIS... SILAW=WALIS... Sabi niya ang isang teacher kung gayon bilang isang SILAW ay kailangan maging isang WALIS daw ang titser sa lipuna. Sa pamamagitan ng kanyang mga turo at ikinikilos kailangang maipakita niya ang magagandang asal. At siya dapat ang maging daan upang mabago ang lipunan. Dapat niyang walisin ang iba't ibang uri ng sakit ng lipunan sa pamamagitan ng kanyang pagtuturo na ang kanyang mga itinuturo ay dapat ma-absorb ng kanyang mga estudyante upang mula sa simulain na ito unti-unting mawawalis ang mga sakit ng ating lipunan.

Sana maging ganito ako, ngunit di lang ako kundi tayong lahat, isang SILAW na makakatulong pa sa lipunan bilang isang WALIS.

The Very Inspiring Beginning!

Normal lang naman sa isang tao na maghangad ng kaligayahan sa buhay niya dahil hindi maipagkakaila na sa ating pamamalagi sa mundong ito marami tayong nararanasan na mga paghihirap. At ang kaligayan, ang eternal happiness ang ating goal sa ating buhay.

Hindi naman sa dahil sinasabi kong huwag nating tatanggapin ang mga paghihirap na nararanasan natin ngunit kung minsan tayo rin ay nauuhaw sa pagiging maligaya paminsan-minsan habang ipinagpapatuloy natin ang paglalakbay. Kaya ang Diyos kapag nakikita niyang kailangan na ng isang bagay para mabuhayan tayo ng loob ay hindi nag-aatubiling ibigay nga ito. Binibigyan niya tayo ng mga bagay na magiging inspirasyon natin upang maipagpatuloy ang laban hanggang sa tayo'y makarating sa Kanya, ang ultimate happiness.

At ngayon sa pagsisimula muli ng pagpapatuloy ng kwento ng aking buhay sa College, ako'y binigayan ng Diyos ng panibagong inspirasyon na siyang makapagbibigay ng hingit na lakas ng loob upang ipagpatuloy ang aking laban.

Aking mithiin na ako'y makatapos ng pag-aaral na hindi masyadong gagasto ang aking mga magulang para sa aking pag-aaral. Kaya sa dinami-dami ng University o College na aking papasukan iisa lang ang aking ginustong pasukan ang Mariano Marcos State University. Alam ko naman na kahit sa Maynila ko pa gustuhin pumasok kakayanin nila pero ako, ako ang tumatanggi sa mga offerings na ganito. Ano pang silbi na ako'y lumayo pa sa aking hometown kung Education lang naman ang kukunin ko. Bakit pa ako lalayo eh ang MMSU-CTE naman ay historically one of the first original institutions of teacher education sa bansa? Anong sense ng pag-aaral pa sa ibang lugar kung ang College na ito ay talagang dekalidad naman? Ang supplier ng karamihan sa mga teachers ng Ilocos Region at pati rin sa mga kalapit na Probinsya? Isa pa makakamura ka pa dahil State University nga may subsidy talaga mula sa Gobyerno di tulad ng UP na no. 1 ngang State University ng bansa pero mahal naman (Iskolar ng bayan pa ba kayo?)

Di ko alam kung saan ko nakuha ang ganitong mentality na maging conscious pagdating sa paggasta. Maaaring sabihin ninyo "Ilokano ka kasi kaya kuripot ka!" Pero para sabihin ko naman ang mga Ilokano ay hindi kuripot it is just may pagpapahalaga sa pinagpaguran, hindi basta gagasta kung walang justification. Ewan ko pero ganito ako masyadong conscious sa paggasta, dumarating pa talaga ang time na pinagdadamutan ko talaga ang sarili ko. Pinalaki kasi akong hindi humahawak ng pera kaya kapag may hinahawakan akong kahit anong amount halos kunti lang ang nagagasta at lahat ng natitira automatic na bumabalik sa nanay ko.

By the way, too much with that patalastas about me... Natanggap ko nga ang isang inspirasyon... opo I consider this as a inspiration sa aking pag-aaral... Na-retain po kasi ang aking pagiging isang COLLEGE SCHOLAR... eh di siyempre mas may subsidy pa akong natanggap... halos wala na akong binayaran kasi pagkatapos ng sem makakatanggap pa ako ng stipend... Tamang-tama talaga ang pagbibigay ng Diyos sa akin ng inspirasyon... Ibinibigay niya ito sa pagkakataong nawawalan na ako ng gana... Kasi being a College scholar means greater expectation sa part ko dahil academically ako ay Scholar, hindi ko naman hinanap ito upang mapunta sa akin kundi ibinigay bilang palit ng pagsisikap ko... Kaya ngayon mas patitindihin ko pa ang aking pagsisikap upang hindi lamang College Scholar kundi University Scholar pa (wish ko lang, di naman ako ganun kagaling)...

Pero aaminin ko na minimithi ko rin itong makuha kasi since high school academic scholar na ako... Para bang kahit wala na akong makuha pang mga medalya sa aking pagtatapos o kahit ano pang karangalan (oooppppsss... pero syempre mithiin ko pa rin magkaroon ng Latin honors sa aking pagtatapos sa College) basta academic scholar ako.

Ito ang aking pangako, na aking i-reretain ito sa aking makakaya at sa tulong ng Diyos. Kaawaan nawa ako ng Diyos!

This is the Beginning of THREE continuous YEARS!

Magsisimula na nga ang tatlong taon na walang humpay na pag-aaral ko sa College. Simula kasi sa Martes, Sophomore na ako at pagkatapos ng two regular semesters may summer class na ako at pati sa third year may summer class pa rin. Kung may pagitan man iyon ay semestral break at Christmas break lang.

Ngunit kahit may mga break man baka hindi rin maiiwasan ang di tumigil sa pag-aaral lalo pa ngayong Sophomore na ako dahil sa part na ito masyadong sensitibo ang aking Major. Opo masyadong sensitibo dahil kaunting pagbagsak lang ng grade maaaring maapektuhan ang overall standing mo at maaaring mag-cause ng iyong pagpapaalam sa College of Teacher Education. Binabantayan kasing masyado ng mga Professors ang mga English majors na katulad ko dahil talagang istrikto sila sa retention policy para sa mga English majors. Gusto kasi nilang masala talaga ang major na ito para ang lumabas lamang ay ang mga karapat-dapat.

Sa year na ito baka mas kumunti pa kami lalo pa't hindi ipinatupad ang totoong retention policy noong nakarang taon para sa aming mga English Majors kasi naawa raw ang mga English Professors sa mga ilang matatanggal at binigyan sila ng second chance. Kaya hanggang ngayon marami pa rin ang mga English Majors. Actually noong first year kami hindi nila inaakala na ganito kami karami, mga 40, malaki na ito dahil hindi masyadong in demand ang English teachers sa local level, I mean halos walang vacant para sa mga English teachers, ngunit in terms of abroad at mga Korean school kami ang in demand. Inaasahan kasi nila na mas mabili ang ibang subject concentration tulad ng Social Sciences, Math, Science at Filipino. Ang maganda lang sa mga majors ng subject na ito ang wala silang retention policy tulad ng sa amin. Ang sinusunod lang nila ay ang general retention policy ng University. At saka sila talagang inaalagaan kung maaari walang matatanggal di tulad naman sa amin kung maaari kahit isa lang ang matitira.

Di bale, sa year na ito lang naman ang retention policy at kapag nalagpasan na ito safe na safe ka na bilang English major general retention policy lang ang binabantayan mo. Sana malagpasan ko.

Magsisimula na talaga ang sleepless nights k ngayon lalo pa't may mga Educ-Educ subjects na ako... Educ 120, Educ 121 and so on... Tapos nandyan pa ang mga Major subjects... mga English 102 tapos may Lit 101 pa and so on... mga Major subjects na di bababa sa dalawa every semester... Ano ba iniisip ko pa lang parang ang hirap-hirap na...

Pero natatawa lang ako sa mga nag i-small sa course na Education... Kung magsalita sila parang hindi mahirap ang Education... Kung magsalita sila parang walang kwenta ang Education, parang napakadali... Kaya natatawa talaga ako sa mga taong kapag hindi na kinaya ang course nilang nauna tulad ng engineering, nursing at iba pa lumilipat ba naman sa Education sa pag-aakalang madali lang ang maging isang titser... Hoy para sabihin ko sa inyo mahirap siya kung gaano kahirap ang iba ganoon rin ang teaching kasi hindi lahat ng tao ay may K as in KARAPATAN para maging titser. Ang teaching kasi ay isang skill yan na wala sa lahat, iilan lang ang nabiyayaan.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Fr. Engelbert Elarmo ng Immaculate Concepcion Parish ng Batac City noong "SILAW AWARDS" (ang tawag sa awarding ceremony ng College namin) na ang teaching raw "is not only a mere profession but it is a vocation and at the same time a mission." (i'll make another post para dito)

Hay buhay noong pasukin ko ang Education buong kababaang loob ko itong tinanggap at itinuturing na kalooban ng Diyos. Kaya ngayon hinihiling ko sa Panginoon na Siya lamang ang aking magiging gabay hanggang sa matapos ko ito. Siya lamang ang aakay sa akin sa aking pagtawid sa tatlong taon ng pagtitiis at paghahanda para sa hinaharap na alam kong isang magiging kaayaaya.

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket