WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Friday, October 31, 2008

Ganito pala ang maging Misyonero...

For weeks pinaghandaan ko ang petsang October 28 at 29 kasi ito ang mga araw para sa Outreach Mission ng Diocese of Laoag sa Adams. Matagal ko ring inihanda ang aking sarili kung ano ba ang aking maaasahan sa pagpunta ko sa Outreach. Well, hindi na rin naman bago para sa akin ang maki-join sa mga Outreach kasi sa school palaging may ganito. Pero naiiba sa case ng Adams kasi ito ay programa ng Diocese.

Adams is a town on top of a mountain. Katabi lamang siya ng Pagudpud. Kung gusto mong pumunta ng Adams, aabutin ka lang naman ng limang oras from Laoag. From Pagudpud town proper, siguro mga dalawang oras. Bakit? Kasi ang road papunta rito ay very rocky road. As in, talagang mabato at kung hindi ka mag-iingat baka mahulog ka pa sa bangin. Actually, ang only transportation ng mga tao ay mga motorcycles. Pwede rin naman ang 4x4 at truck pero ang mas mabilis pa rin ay mga motor.

September

Una kong narinig ang about sa Outreach sa Misa. Pagkatapos nun, agad kong inapproach si Sr. Maria Antonieta, CWC na nagbabantay noon sa likod para sa project na ito. Hayon, sinabi ko ang interest ko to join such project bilang President ng CABSAT at SC officer. Lunes, sinabi ko kaagad sa SC President at nag-approve naman siya then pati ang SAC ng College. Martes, kinausap ko si Ma'am Remy, head ng mga catechist ng parokya namin. Miyerkules, ibinigay sa akin ni Ma'am Remy ang Mission Can. Kanihapunan, nagkausap na kami ni Sr. Evangeline F. Pabalate, MCST.

Sa sumunod na week, inilakad ko ang mga approval letters sa Dean's office. Tapos nagkasakit ako ng hindi inaasahan kaya hindi muna ako nakapag-collect ng mga contributions. Nakapag-collect ako but parang hindi ako nakontento pero di ko rin naman masisi ang mga schoolmates ko dahil di naman lahat ay Katoliko. Katotohanan po yan, dahil ayon sa stats ng Ilocos Norte more than 40 % lang ang Katoliko.

October 13 - Isinabmit ko ang aking nakolekta.

October 28

7:30 hanggang 12:00 - Kahit naghahanda na ako para sa Outreach, nagreport pa rin ako sa school kasi walang kasama ang co-officer ko sa pagiging enrolling officer. Sakto rin kasing camping ng University at pumunta ang iba dito. Sabi nga nila dala-dalawa kami kung mag-activity, may camping na may Outreach pa.

9:30 - Nalaman ko na hindi na makakarating ang aking makakasama dahil pinagbawalan ng lolo dahil sa Adams raw kami pupunta, masyadong malayo. Well, wala akong magagawa kaya nakipagugnayan nalamang ako sa mga catechist na kakilala ko. Syempre ayaw ko rin namang ma-out of place.

2:00 - Pumunta na ako sa meeting place, sa Catechetical Office. Pagdating ko pa lang doon, I'm shy na kasi wala akong kakilala, si Sr. Vangie at si Ate Pipo lang ang kakilala ko. Dumating naman si Ate Jovie, kilala ko siya dahil classmate siya ni Kuya Dave then galing siya sa Divine Mercy Parish, kilala na rin naman nila ako doon.

3:00 - Nag-start kaming mag-travel papunta sa Pagudpud, kung saan makikituloy kami sa bahay ng isang catechist. Habang nag-tetravel, inilead naman ng kasama naming Pastorelli Sister (tama ba me?) ang Holy Rosary.

5:00 - Dumating kami ng Pagudpud. Saktong pista pala ni St. Jude, eh di pistang pista naman ang bayan ng Pagudpud. Dinala kami ng mga Missionary Sisters of the Holy Trinity sa bahay ng Hermana Mayor. Wow, foods. Kain syempre, kahit biyahilo na ako. Gusto ko ngang sumuka pero di ko mailabas.

7:00 - Nagpa-dinner si Apo Greg, parish priest ng Pagudpud. Doon foods na naman. Magpakabusog ka iho. Dun kasabay namin si Bishop with all the priest ng Pagudpud with Fr. Tom. Pagkatapos ng kainan, nagkaroon kami ng final briefing. Hala, feeling ko na talaga eh misyonero ako. I can feel the spirit. Pagkatpos ng meeting, sakto naman na concert ng mga pari, yun si Bishop with the sisters nanonood.

9:00 - Nagprepare kami ng mga gulay for the meal sa Adams.

10:00 - Tulog.

October 29

4:00 - Umpisa ng pagluluto at paliligo.

6:30 - Kainan na naman sa kumbento ng parokya ng Pagudpud dahil sakto naman na Sacerdotal Ordination Anniversary ni Apo Greg.

7:30 - Hayan, pumunta na kami ng Adams. OMG! Para kang nasa isang rollercoaster ride. talagang mapapahawak ka sa kinauupuan mo. Ang sinakyan kasi namin ay yung elf truck. For two hours talagang nagtiis ako sa aalog-alog na sasakyan.

9:00 - Dumating na kami sa tuktok ng bundok, ang bayan ng Adams.

9:30 - Eucharistic Celebration sa quasi-parish ng Our Lady of Perpetual Help with Bishop Sergio L. Utleg as presider. Pagkatpos nito, sumunod ang mga Catechesis, Medical mission, at gift giving. Ako naman all-around, tumutulong sa Catechesis, sa pagluluto, atbp.

2:30 - Goodbye Adams. Sumakay ako this time sa patrol car ng mga police.

4:00 - Goodbye Pagudpud.

6:00 - Hello Laoag!

Personal Reflection/Feelings

Sa aking pagdating sa office pa lang, talagang nahihiya ako sa mga catechist. I regard myself as the pasingit that's why I am shy. But with the catechists, I did not feel that feeling that I was different from them. They welcomed me very warm. I was very silent while traveling but after we have talked to each other I belonged already to them. They say that I am not a catechist but I am the official representative of the Schools of Ilocos Norte. I am very flattered with that term. What flatters me most is that they call me as their "bunso." By this, I confirmed that truly I am now not different from them for I was already a part of the family. I never felt that I was different from them. That's why I won't forget them. I will never forget the times when they call me "bunso."

In Adams, looking at their Church makes me feel the difficulty of being a missionary. I only see that kind of church on the television. Seeing like the SVD's and other missionaries. Wooden church, small in area. I really feel the missionary spirit. I wonder how can Fr. Tony, SVD, the pastor, can surpass such challenge for him to be the only priest in this mountain town. But eventhough that it is difficult to think, I realized how our missionaries sacrifice themselves for the service of the people of God. What I saw with the residents is their strong Catholic faith. They were active in the Mass, children and elders. Truly, God is present everywhere. I felt the love of God for all creation. That even in the mountains He is there nourishing the needs of His children. Over and over again, I felt that God has a purpose for me that's why He let me experienced that missionary experienced. I want to be a Misyonero!

Seeing the smile in the face of the people, especially the kids makes me very happy. My cellphone is full with Jesuit songs. And let them hear the song "Humayo't Ihayag." To my surprise the children were singing the song. I am very much happy listening to them. They now the song. What a surprise. The people are very thankful with the small gifts that they received. It shows that people do not really find for much material things, to care for them is enough. I realized that all these material things do not really give happiness for me. I saw happiness when I saw just the simple thankful smile. Happiness for me, I can find in helping. I do not know but I am really fond of helping those who need help or I just volunteer myself, this makes me happy.

I am not blessed with a materially rich family and we are not poor either. My family is just a typical Filipino family, can provide for the immediate basic needs. Because of this I am oriented that I cannot just get the things that I want. Honestly, because of that I became a "kuripot" a little bit because I keep to myself that I cannot always get what I want and so I will be the one to make a way to get it. Well that is why I am do not always care with material things. And when I saw the smile of the people of Adams with the small material gifts they received it just affirmed my thought that material things do not really make a man happy. We need material things, yes, but in the deeper thought of man there is also a deeper need. A deeper need that material things cannot fill it up. And by filling up this need the true happiness will come out.

The Bishop was right when he said that in missionary works the benificiaries are not the only ones who are affected. But in reality the greater effect is with the missionaries themselves. And I can attest to that.

Here is my CBCP News article: http://www.cbcpnews.com/?q=node/5547

By the way I have three purpose kung bakit ako pumunta sa Outreach... First I really want to join, second as representative of the school, and third to have a coverage for the CBCP.

Pictures will be next!

Friday, October 24, 2008

Nagkaroon ba ako ng Sembreak?

From October 11 to November 2 ang nakatakdang semestral break ng University... Wow, napakasarap sanang magpahinga na muna mula sa mga gawaing nakakapagod hindi lamang ng katawan kundi pati ng isipan...

First week pa lang ng sembreak wala na, tapos ang sana'y mga maliligayang araw ng sembreak... Paano ba naman requirement mo para makapag-enroll ka is matapos mo ang mga FS at AR ng Student Council for the previous sem... Walang magagawa kundi tulungan ang aming Treasurer at Secretary... Pero okay rin lang naman kasi kukunin rin lang naman ang mga clas cards na matataas syempre ang grades... Ako pa, syempre College Scholar na naman ang lolo... Syempre na nangangarap pa rin naman ako ng Latin Honors pagkatapos ng degree na ito...

Ngayong second week, hay nakakapagod ang week na ito... Ikaw ba naman ay enrolling officer... Naku 8 hours ka na ngang naka-duty sa pangongolekta ng mga provisional fees na halos magkanda hilo-hilo na kami sa pangongolekta pagkatapos niyan isang oras pa ng auditing na halos hindi magkatugma-tugma ang mga pera... Buti na lang at palaging sobra ang pera na aming nakokolekta... Kanina lang natapos ang aking enrollment... Hay, nakakapagod napakaraming step... Pero nakapagpapangiti pa rin sa akin kahit ako'y pagod na ang general weighted average ko ngayong sem na ito ay 1.597... At least fighting pa rin naman ang average... I'll try rin naman na mkuha ang 1.45 gwa next sem para maging University Scholar ang lolo... Bukas, mag-aatend ako ng di ko malaman kung seminar, symposium, or training, o baka naman ay isang program ng Youth for Christ sa LHS Gym... Syempre kahit hindi po naman ako YFC dahil alam naman ni Dr. Resurrection Mateo na pareho kaming religious, ipinadala niya ako doon total pwede rin ang mga hindi YFC members... At the same time kukunin ko na rin ang chance para makagawa ng bagong article for CBCP News...

Next week, puno na ang schedule ko... Monday resume ako sa aking post bilang enrolling officer... Sa Tuesday and Wednesday, pupunta na ako ng Adams para sa Outreach ng Diocese of Laoag... Thursday or Friday, I will meet ang isang mahalagang tao doon sa Mangato... Then Saturday, All Saints Day... Hay napakaraming mga gagawin... Wala na akong time pa para mag-relax... I ave only Sundays... Okay lang... Worth naman kasi puro service ang aking ibinibigay...

Gusto ko rin ang life na ganito yung palaging maraming ginagawa... Ayoko nung palaging naka-upo lang at naghihintay ng wala... Well, balanced pa rin naman kahit ganito ang aking mga ginagawa... Syempre una pa rin si Lord, ang aking mga nagagawa ay dulot ng pagtalima ko sa kanya...

At nawa'y wala sanang mga taong maging sagabal o kj sa aking mga ginagawa... Sana di na ako maka-enconter pa ng mga nambibwisit ng araw... Nahihigh blood tuloy ako... Hay, hinay-hinay lang Mark huwag kang magagalit... Just smile always...

Friday, October 10, 2008

Tracing the History of the Carmelite Sisters of Laoag

Ito ang aking research sa history ng Carmel ng Laoag... Ipinasa ko ito sa Iluko Litereature namin as described na historical place and scenic view of Laoag... By the way they are celebrating their 59th anniversary of Carmelite presence in Laoag as mentioned kaninang umaga sa Mass...

At the end of the 1940s the Diocese of Laoag was not yet canonically erected by the Vatican and so the city of Laoag and the whole province of Ilocos Norte is under the ecclesiastical jurisdiction of the Archdiocese of Nueva Segovia (Vigan). The Diocese of Laoag was only erected on June 26, 1961.

Archbishop Santiago Sancho, D.D., then Archbishop of Nueva Segovia initiated the move to establish a Carmelite Community in Laoag. He wanted to have the Carmelite Sisters in his archdiocese. Instead of putting their house in Vigan (the seat of the archbishopric), he choose Laoag City. He gave them the mission of helping in the evangelization of Laoag residents and also the conversion of the Aglipayans, who were many in the province that time.

Through the intervention of His Eminence Adeodato Cardinal Piazza, O.C.D., secretary to the Sacred Consistorical Congregation, and with the assistance of the new Apostolic Delegate (Nuncio) to the Philippines, Msgr. Egidio Vagnozzi, the Holy See, through Archbishop of Manila, Most Rev. Michael J. O’Doherty, D.D., granted permission to establish the Carmelite Monastery of Laoag on August 30, 1949 and to be named as the Carmel of the Sacred Heart of Jesus of Laoag. It was signed through a special authorization by the Auxiliary Bishop and Vicar General of Manila, Most Rev. Rufino J. Santos, D.D. (later Cardinal Santos). The “Act of Foundation” signed by Archbishop O’Doherty and awarded on October 7, 1949, granted exclaustration of Sister Mary Gabriel Therese of the Child Jesus with nine other nuns. They were Sr. Mary Magdalena of the Saviour, Sr. Therese of the Holy Family, Sr. Mary Joseph of the Sacred Heart, Sr. Mary Lydia of Jesus, Sr. Agnes of Mary, Sr. Anne of the Assumption, Sr. Corazon of Jesus and Mary, Sr. Mary Rose of the Angels, and Sr. Purification of Jesus and Mary. The group arrived in Laoag on October 11, 1949 and were graciously received by Msgr. Sancho and Msgr. Cordero.

The first building to house the Carmelite nuns was the former Minor Seminary of the Immaculate Heart of Mary of Laoag (Sacred Heart Chapel in Barangay 8) after the seminary was transferred to a new building beside the Saint Joseph Church in Laoag. The nuns stayed in this house for several years. Through the efforts of Msgr. Ignacio Cordero, then parish priest of Saint William Parish (later Cathedral), and with the nuns’ fervent prayers, a piece of land on top of a hill was offered by Mr. Trinidad Julian. The lot adjacent to the hill near the street was donated by the Javiers for the construction of a monastery the Carmelite nuns could call their own. The laying of the cornerstone and blessing of bells were held on December 27, 1953. After three years, the nuns transferred to their partly built monastery. It took ten full years to complete the monastery with an enclosure, rooms for the nuns, and a chapel. The structure of the Monastery especially of the Chapel is of Gothic Architectural Design.
People visit the Carmelite Monastery to request prayers from the nuns. Part of their charism is to fervently pray for a holy clergy so that the people in turn be holy. Essential part of the nuns’ raizon de etre in the Diocese of Laoag is to pray for vocations and the clergy. The Monastery Chapel open its doors everyday for the celebration of the Holy Eucharist. The Monastery is also used for retreats and recollections, prayer vigils, and spiritual seminars.

The Carmelite nuns are great prayer warriors of the people, who want more prayers. They also serve as the people’s confidant and counsel. People would go there to offer some of their bounty in exchange for some pleasantries with the cloistered nuns.

The Carmelite Monastery of Laoag have already produced two Ilocana nuns. The first Ilocana Carmelite nun was Sister Pauline Datoc, who entered the cloister in 1958. While the second Ilocana Carmelite nun of the Carmel of Laoag was Marissa Villalobos, who hails from Solsona, Ilocos Norte. She entered the cloister of Carmel in 1995 in the age of 34. She took her temporary profession of vows in 1998 and on October 15, 2004, on the feast of Saint Teresa of Avila, she took her perpetual profession of vows, taking the religious name Sister Marissa Therese of the Eucahrist. Currently the Carmel of Laoag is housing 15 Discalced Carmelite nuns.

Last Day of the Semester: Semestral Break na!

Technically, tapos na ang aking semester pero reality dictates na hindi pa tapos kasi I have two exams pa sa Monday... History and English 102... Tapos na ang other test ko at it seems fine pa rin naman ang aking mga scores... Come what may, tapos na ang aking pagkakataon para ipakita ang aking kagalinang kahit pa anong gawin ko wala nang magagawa... Tanggapin na lang ang magiging resulta...

Matinding issue ngayon kung sinong matitira sa aming mga English Majors... Issue ito lalo pa't kami lang ang may screening sa lahat ng mga Majors... Ako hindi talaga ako nag-aalala ng ganun kasi matatanggap ko kung ano man ang conviction ng mga English Professors ko... Nakikita naman nila kung sino ang mga karapat-dapat at hindi... Alam nila kung isno ang mga nagsisikap at mga taong ginagamit lang ang Major na ito... Mahirap pumasok sa Major na ito... Opo maaaring sabihin na Education lang naman... pero ang lahat ng mga kurso ay may hirap... Walnag superior at inferior... Mahirap siya lalo pa't ang ituturo mo someday is Language and Communication... Gaya nga ng sabi ng mga Language Scholars tulad ni Noam Chomsky, Langauge is not taught but learned... Therefore the role of Language teachers are not to teach the language but to help them learn it the easy way... Kung sino ang maiiwan nasa kamay na iyan ng mga Professors namin...

Tapos na ang semester ko na naging memorable sa akin kasi maraming mga luha ang ipinatak ng mata ko dahil na rin sa katangahan ko... Opo, inaamin ko napakatanga ko pagdating sa pag-handle ng pera... Imagine para ko lang itinapon ang 2000 sa loob ng dalawang buwan... Nawala ko ang lahat ng ito... Pero ganito talaga ang buhay I need to lean something from this... Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung papaano ako naging napakatanga...

Tapos na rin ang paghihirap ko sa mga subjects na di ko sukat akalain na itatake ko... Gay na lang ng Iluko Litereature ang Language... Diyos ko po hindi naman sa dahil ako'y hindi fluent sa vernacular ko pero nakaka-nosebleed kasi talagang pinag-aralan namin ang grammar ng Iluko language... Pero dahil sa subject na ito mas natuklas ko ang aking pagiging Ilokano... My rich heritage, my beautiful community, and our historical past... I can say proudly that "Ilokano daytoy ading!"

Tapos na rin ang sem kung saan nagawa ko ang mga bagay na di ko inaasahang magagawa ko... Like ng pagbuhay ko sa tamang gawain ng CABSAT... Ngayon it is a working organization already sa school... Kahit I am only holding 64 members, okay lang yun... Basta ang importante we are doing our job to respond to the spiritual needs ng mga students... Dahil na rin dito hindi ko inaasahan na pwede ko palang paglapitin ang MMSU sa Diocese through the Outreach sa Adams... Tapos na ang aking collection period at magreremit na ako ng pera sa Tuesday... Kahit kunti lang naman yung na collect okay lang in the sense that we are not a Catholic institution anyway, buti nga at may tumulong pa rin... ang exact perang nakuha ko is 1234... gandang amount 1234...

May recollection din sana ngayong sem break namin pero I needed to cancel it at ipapa-December ko na lang, gahol na kasi sa time ng preparation at I need to consider na marami sa mga students na sasai ay uuwi na rin sa mga bayan nila... Well, I have the power anyways, I need not to worry...

Sana maging maganda ang resulta ng 1st sem 2nd year ko at ako'y nakatingin na ng buong tapang at paghahanda pwa sa susunod na semester... Gagalingan ko para na rin sa mga taong nag-eexpect ng malaki sa akin... At isa pa ang lahat ng aking pinagdaraanan ngayon ay malaki ag maidudulot sa panghinaharap kong gawain...

Goodbye sa mga matatanggal at kung ako man ay isa sa kanila... Good luck and God bless naman kung matitira ako...

Thursday, October 2, 2008

Holiness is for all, says Laoag bishop: My Second Article at CBCP Online...

Marami na rin akong nai-send na mga articles sa CBCP pero hanggang ngayon its the second article pa lang na naipublish... Well, okay lang ang mahalaga ay may mga nailalabas kahit pailan-ilan lang siya...

Kahapon nang gawin ko ito, I was very confident na lalabas na ito... Pero kaninang umaga I was very disappointed kasi wala pang lumalabas pero may approval na from Sir Melo Acuna... Kaya ang pakunsuelo ko na lang sa sarili ko ay lalabas yan mamayang hapon... At lumabas nga ang article ko...

Ang ganda ng pagkakataon na ito kasi ngayong araw ding ito aking natapos ang SINAMAR, ang newsletter ng aming GUMIL (Asosasyon ng mga Iluko Writers) sa College... Ako ang Editor-in-Chief ng nasabing newsletter... Hehehehe.... Accidental appointment dahil sa pagkapanalo ko sa Essay writing contest sa Iluko... Tapos ngayong araw natapos rin ang CTE Bulletin namin kung saan Assistant News Editor naman ako...

Ang sumusunod na article ay edited na kaya may mga grammatical at typographical errors, maraming proofreading error na ang article... Di ko rin ma-blame ang CBCP... Okay lang at least di sinabi na ang Laoag City ay nasa Ilocos Sur...

http://www.cbcpnews.com/?q=node/4969

Holiness is for all, says Laoag bishop

LAOAG CITY, October 2, 2008—“Holiness is for everybody!” thus said Laoag Bishop Sergio L. Utleg during his homily at St. Therese of the Child Jesus feastday Mass at San Nicolas de Tolentino Parish, San Nicolas, Ilocos Norte.

The prelate said the life of Saint Therese made ordinary things into extraordinary ones all because of love. He said the life of St. Therese is an outstanding example for Christians to follow. She made no miracles during her lifetime but she because a saint and Doctor of the Church because of her deeds. of how ordinary things she have done became extraordinary because of love.

“Holiness is not limited only to the clergy, religious men and women, the monks and the penitents,” said Bishop Utleg. “God calls us all to holiness, not only me or the priests but even the housewife, the policeman, the doctor, or the janitor are called to become holy by God,” the 65-year old prelate added.

To correct the people’s misconceptions about sainthood Bishop Utleg said, “Let us change our definition of a saint. Saints are those who are close to God and those who do the will of God.” He explained “they are not those who make extraordinary things but those who make ordinary things extraordinary.”

In closing, Bishop Utleg said “the secret of being holy is the thing that Saint Therese did. It is giving love to all that you do.” The prelate added “that everything here on earth, whether big or small, has its own purpose.”

After the Mass, three MCST Sisters of San Nicolas renewed their vows before Bishop Utleg. Afterwards the MCST Lay Cooperators also renewed their vows.

The MCST Sisters are in charge of Laoag’s catechetical program. They also manage the Sta. Rosa Academy in San Nicolas town. (Mark Vertido)

I will post my blog about the CCS Anniversary sa susunod... hehehehehehe...

Saturday, September 13, 2008

What will I choose University All Leaders' Camp or Diocesan Outreach Program? Help me to decide...

Being the President of the Christian Association for Brotherhood, Services and Truth (CABSAT for short, note it is not a exclusive Catholic org, its Christian) of MMSU-CTE, I also need to make projects for my organization... Naitapat naman na ako rin ay Business Manager ng Student Council kaya ang lahat ng mga projects namin ay in cooperation with the SC...

First project ng CABSAT ay yung "Word Made Flesh" kung saan inilagay ko ang mini-poster ng CCS... Then naka-line up pa ang mga different activities tulad ng Retreat sa October, ang tinatawag kong "Wednesday Habit," celebration ng National Bible Week for the first time sa College level, at conducting of Masses... Pero this past week I had come to know about the Diocesan Outreach Program sa Adams, Ilocos Norte to be help on October 29, 2008... At ang way nila para maka-gather ng fund ay sa pamamagitan ng mga coin banks...

Dahil supurtado ko talaga ang program na ito, ako na mismo ang gumawa ng paraan para makatulong kahit papaano... Nag-meet na kami ng mga officers ko, nasabi ko na ang tungkol dito at nagawa na ang resolution... Approve na rin ng SAC ang idea to support this, kailangan na lang ng formality pero malapit nang matapos ang mga black and white communications ko... Noong Tuesday nakipag-ugnayan na ako sa Commision on Catechesis na humahawak sa project na ito... At ibinigay na sa akin ang coin bank at ang authority para gamitin ito... I need only to pass the communication... Syempre ako may mga plans na ako... At ready na sila... Bilang part pa rin ng support ko sa project na ito, walang pag-aatubili na ako'y nagvolunteer para sa Outreach program na ito kahit alam kong ang place ay napakalayo sa Laoag as in mountains ang tatahakin... No worries malakas si Rodney... All set na nakausap ko na si Sis. Evangeline Pabalate, MCST tungkol dito at isasama raw niya ako with one more...

Pero kahapon sa General Assembly ng Central Sutdent Council isinet nila ang All Leaders' Camp sa Oct. 27-29... Paano na yan 29 rin ang Outreach Program... Kung hindi ako aatend dito magbabayad ako ng multa P500... Pero sa kabilang dako masisira naman ang pangalan ko sa Diocese...

Kaya sabi na lang ng President namin ay pumunta na lang ako sa Outreach... I-eexcuse na lang daw ako sa Camp para walang multa...

Pati ako mas gusto kong pumunta na lang sa Outreach dahil ito ay hindi ko lang service ito sa Simbahan pero this as a whole is an extension service of my College...

Kayo sa tingin niyo what will I choose, the Camp or the Diocese???

Multo o Guni-guni lang siya???

Honestly, hindi pa ako nakakakita ng multo since birth... Ewan ko nga ba lahat ata ng mga taong nasa paligid ko ay naranasan na ang mga kababalaghan tungkol sa multo... Gaya na lamang sa school, silang lahat naranasan sabay-sabay na multuhin pero ako lang ang hindi affected... Imagine mailap ba talaga sila sa akin kasi kapag nagpaparamdam sila sa mga kasamahan ko its either wala ako or wala ako sa senses ko kaya hindi ko napapansin or natutulog ako (ito ay kapag natutulog kami sa SC office) gaya kanina...

Itong nagdaang gabi, kinailangan naming mag-overnight sa Student Council office para mag-rush ng mga effect-effect namin para sa Intramurals... As in gising kami hanggang mga 3-4 AM... "Walang tulugan," ika nga ni Kuya Germs... Buti na lang ang 24- hours bukas ang Jollibee kaya nakabili kami ng makakain past 1 Am... Pagsapit ng mga 5 Am, tulog na ang lahat maliban sa isa naming kasamahan, si Ate Zyrill na ubod ng sipag... Tinapos niya muna ang mga computer works bago tuluyang magpahinga pero while she was typing may bigla siyang narinig na kalabog tapos may umiyak na babae... Narinig rin ng mga iba naming kasamahan ako lang ang hindi kasi nasa middle ako ng matinding antok... Nagising na lang ako pagkatapos ng event... hehehehehe... Mailap talaga sila sa akin... Ayon sa kanya parang may pinalong babae ng dos por dos tapos umiyak... Well, hindi ko alam dahil tulog ako...

Pero ang talagang first time na kinilabutan ako ay kagabi... Dumating kasi ako sa SC ng mga 7 Pm, eh hindi ko naman alam na umiwi pala ang mga co-officers ko para magpalit muna... Masyado akong napaaga... Ang balak ko pa nga sana ay lukuhin ko sila pero hindi ako nagtagumpay dahil wala ni isang tao sa office... Ako ang kinilabutan, nag-iisa ako sa taas ng building kung saan maraming mga multo ang nagpapakita... Diyos ko tumayo ang balahibo ko... Uuwi sana ako ngunit napag-isip-isip ko na huwag na lang at magplano na lang ng ibang pananakot... Kaya yun nag-stay na lang ako sa office total may TV naman, manonood na lang ako ng Finals ng PDA, isinara ko ang pinto para safe ako kung may magparamdam sa corridor... Syempre nag-iisa ako walang ni isang tao na sa building, ako lang... Naka-on naman ang lahat ng mga ilaw sa building, sa corridors nakailaw lahat... Pero nandoon yung pagkatakot ko na baka habang nag-iisa ako eh may biglang magparamdam... Sige yan nag-umpisa ang ang palabas... Suddenly sa kalagitnaan ng aking panood biglang may narinig akong pito ng pito, walang katapusan siya... nag-observe ako sa paligid ko wala namang ibang tao... Sa labas hindi siya nagmumula... Kinilabutan na ako kasi ganito yung naexperience nila noon... Tapos bigla pang bumukas ng kunti ang pinto... Agad akong pumunta sa pintuan at tiningnan kung bakit ganon... Nagtaka talaga ako kung ano yung force na nagbukas sa pinto... Hindi pa rin tapos ang mga pito... Then afterwards dumating ang tatlo kong kasama... Eh bumili sila ng fishball at coke litro sa labas... Malamang naman siguro matagal na sila nang kunti sa labas kaya kung sa labas man nanggagaling ang pito maririnig nila iyon... Tinanong ko sila kung narinig ba nila iyon pero sabi nila wala raw...

Ano ito, ito ba ang first pagpaparamdam nila sa akin??? Guni-guni o multo??? Kung anuman siya, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa???

Hindi maipagkakaila ang pagkakaroon ng mga SPIRITS sa ating kapaligiran... I believe na may mga ganito pero I am ready kung sakali na magpakita sila sa akin... Why should I fear nasa side ko ang Diyos...

Friday, September 12, 2008

English Festival: Tatlong Performance sa Iisang Araw...

Katatapos lamang ng aming English Festival sa School, one week celebration for the English Language... Katapat siya ng Buwan ng Wikang Pambansa... For two weeks kami ay puspusang nag-preapare para sa aming sasalihang mga events... At yan ay ang Musical Broadway...

Ang proponent lang naman ng Musical Broadway na ito ay ang aming English 102, Major subject po ito ng mga English Major, na si Prof. Charmagne Balantac... And so kami ay kailangang sumali dahil nirequire niya kami... Lalo pa't maraming hindi nakapasa sa mid-term namin sa kanya, pero ako no probs... Carrying-carry ang subject niya, syempre pasado pa naman... At ang panakot pa niya kapag hindi kami nanalo sa contest na ito... Siguradong pito na lang ang matitira sa aming mga English Majors...

Ako no worries... Kasi kung hindi man ako isa sa pito (pero I know I am one of them... hehehehe... yabang ko no?) I am ready to face anything... Actually meron na akong alternate na Major kung saka-sakali man... hehehehe...

Puspusan ang practices for the past days... As in from 8:00 Am to 6:00 Pm para manalo lang... Two days before ng performance we needed to join the Pantomime, paubos na kasi ang "class fund" namin... Ang class fund ay weekly contribution namin sa aming section para magkaroon kami ng budget kapag may mga photocopied materials etc., P5 lang naman... hehehehehe... at least may madudukot ang treasurer namin kapag gipit ang section... hehehehehe... Ang Pantomime sa hapon gaganapin at ang script naman umaga lang namin ginawa... Kaya sabi namin bahala na mag-on the spot na lang kami...

Hayon ang topic ng Pantomime ay humurous love story... Kami naman ang ginawa namin ay story ng mga abnormal... As in ako ang naging tatay na epeleptic... hehehehe... Nakakatawa kaya ang mukha ko noon... hehehe... At yan nanalo kami... First place...

Kahapon naman ang performance namin sa Musical Broadway... Kanakabahan talaga kami... Para bang ang mangayayari ay tulad sa PDA... Finals night... Sino sa amin ang matitira... Pito ba o kami pa ring lahat... hehehehe... Ako kinabahan rin dahil kung ganoon ang mangayayari nakakahiya naman kung pipito lang... Nag-perform kami at nanalo na naman... First place... Yan ang unang performance namin sa araw na iyan... Then required lahat ng mga first place na mag-perform sa culminating activity... Kaya kumaripas kami sa paghahanda ulit... Nagperform kami ng Musical Broadway first at sa pagitan lang ng isa pang performance kami ulit, Pantomime naman... heheehehehe... Palit ng damit dito, palit ng damit doon... Make-up dito, make-up doon... Hay nakakapagod...

At last safe na muna ang lahat sa eviction... hehehehehehe... Isang semester pa at makakahinga na ako ng maluwag dahil hindi na mahigpit pa ang elimination... hehehehehe...

Ngayon, napag-isip-isip ko na napaka-versatile pala naming mga magkaka-section... Kaya naming gawin ang napakaraming performance sa isang araw... Iba-iba talaga kami... May magaling sa pagkanta, sa pagsayaw, sa pag-arte... Lahat may kanya-kanyang linya... At kung iisipin ang pagtutulungan ay napakaepektibo kung gusto nating magtagumpay...

Nga pala... Nakisali ako sa Essay Writing contest at nanalo naman ako ng 2nd place... hehehehehe... Ang isinulat kasi ni Pietro Francesco (that is my pen name) ay bitin sa hulihan... hehehehehehe... Inaamin ko na pati ako bilang nagsulat ay nabitin sa ending ng aking sulatin... Sayang first sana ako... hehehehehe...

Friday, September 5, 2008

For the first time (Ooooppsss... hindi ito about sa movie) I have won something: Seminar Workshop on Iluko Writing

SEMINAR WORKSHOP ON ILUKO WRITING

Isang seminar workshop ito tungkol sa pagsulat ng sanaysay (Iluko) or essay at daniw (Iluko) or poem... Actually, nahuli nga ako ng kaunti sa seminar... hehehehe... May nauna kasi akong ginawa bago mag-attend... (Pumunta muna ako sa Carmelite Monastery... hehehehehehe... nakisimba)... Buti na lang at hindi pa nag-uumpisa ang program...

Maliit lamang ang sakop ng seminar na ito, usually mga nagta-take lang ng Iluko Language and Literature ang required na umattend... Note na ang Iluko Lang. and Lit. dito sa school ay kinukuha lang ng mga English and Filipino majors... Kaya may pagka-exclusive ang nasabing seminar... Roughly mga 70 persons lang ang sumali sa nasabing seminar composeof BSE I-A, II-A, III-A, at IV-A... Talagang para sa amin lang... Pero masaya siya kahit kukunti lang ang participants...

This year ang theme ay "Panangitandudo kadagiti Agtutubo kas Insturmento iti Panangitagiben ken Pinagduras iti Iluko babaen iti Panagsurat." (Promotion of the Iluko Language through Writing as an Instrument in giving Importance and Development to the Youth)...

May dalawa kaming speakers na nag-lecture tungkol sa paggawa ng daniw at sanaysay... Sa daniw ay si Mr. Mario Tejada from Pinili, Ilocos Norte at sa sanaysay naman ay si Mr. Pete Duldulao, ex-president ng GUMIL-Ilocos Norte, both of them are memmbers of GUMIL Filipinas... GUMIL means Gunglo dagiti Mannurat nga Ilokano (Association of Ilocano Writers)... Nag-attend rin ang President naman ng NAKEM Conference Philippines, na yearly nagcoconduct ng mga conferences tungkol sa aming vernacular in Hawaii at dito sa Pilipinas...

Maraming activities like speaking the Iluko language in the whole program... Unlike in normal classes kasi na ayaw kaming pagsalitain sa Iluko... Yun nga lang nakaka-nosebleed yung mga terms na naririnig namin na as in ngayon lang namin narinig... Masyadong malalim... Lahat ng intermission numbers ay Iluko at kumanta ako in Iluko together with my classmate... At ang pinakagusto kong part ay yung pagsulat ng sanaysay...

"FOR THE FIRST TIME"

Nagkaroon sa huling part ng seminar ng on the spot writing contest ng daniw at sanaysay... Syempre sali naman ako dito kasi requirement ng Iluko teacher namin ang at least isang piece... Pero ang pinili ko ay ang sanaysay... Essay kasi talaga ang linya pagdating sa Literature... I am not good in poetry...

Ang ibinigay na theme ng mga susulatin namin ay "Akem iti Iluko iti Pinagduras iti Ilokano," (The Role of Iluko in the Development of Ilocano)... Binaliktad lang nila ang theme ng seminar...

They gave us more than an hour to do our work... from mga 11:30 hanggang mga 12:30... Habang nagsusulat kumakain rin kami ng aming lunch... Pero ako tinutukan ko ng mabuti ang aking pagsusulat at dahil dito two-page essay ang nagawa ko in Iluko... For the first time ito na aking nagawang obra maestra sa wikang Iluko... Iilan lang kami sa pagsulat ng sanaysay... Mas marami ang sa poetry...

Pagkatapos ng pagpasa namin sa aming ginawa ay chineck naman ito ni Mr. Duldulao at Mr. Tejada... Habang nag-checheck sila nagkantahan muna kami at naglaro ng Hep Hep Huray... hehehehehe...

Dumating na ang announcement ng mga winners... Unang inihayag ang mga nanalo s aming part... At ang first place ay napanalunan ni, wala nang iba pa kundi si... AKO... Ako nga ang nakakuha ng first prize... What a co-incidence ang for the first time kong work sa Iluko ay nanalo this year ng first prize at ito ang for the first time kung nanalo sa taon na ito at isa pa for the first time ang GUMIL CTE-Chapter ay nagkaroon ng contest na ganito... hehehehe... Habang ang nanalo naman sa isang category ay classmate ko rin, kapwa BSEd II-A ang kumuha ng mga pinakamatataas na gantimpala...

Before the final announcement, alam ko na na ako ang nanalo kasi nasilip ko yung papel ko na nasa harapan ng lahat ng mga papel... hehehehehehe... Ewan ko lang pero talagang binasa kasi ng judge yung Paper ko as in ang papel ko ang pinakaunang binasa niya...

Bago ang announcing ng winners, ipinaliwanag muna ni Mr. Duldulao kung bakit ito ang mga napili niya... Bale there are three winnersin each category... Sabi niy yung 3rd at 2nd sa amin ay kapwa tumalakay sa importance ng Iluko... At kaibahan lang ay ang 3rd gumamit ng mga words na abbreviated tulad sa text at yung 2nd ay hindi... Nang sabihin na ang tungkol sa 1st, ang work ko, sabi niya kung ikukumpara ang aking gawa sa dalawa malayo ang aking lamang As in one kilometer... Napakalawak daw ng aking pag-iisip... Nagustuhan raw niya ang aking sinulat tungkol sa kahalagahan ng Iluko sa pagbubuklod ng mga Ilocano, at yung isa pa na tungkol naman sa pagiging inseparable ng Language at Culture (sa part na ito aking isiningit kasi ang mga natutuhan ko sa Social Dimensions na subject namin)... Hehehehe... At ang pinakanakapagpangiti sa akin hanggang tenga ay nang sabihin niya na nasa bakod na ako ng mga essayist na Ilukano na nagpupublish ng kanilang mga works... Kailangan lang raw ng kaunting developments pa sa aking skill para next time baka maipublish na rin ang aking mga essay sa BANNAWAG (Ito po ang counterpart ng Tagalog magazine na LIWAYWAY sa mga Iluko)... Aba todo ngiti na ako that time...

At sabi pa nya na inborn raw ang aking kagalingan dahil sa nabasa niya... Kaya hinamon niya ang iba pang mga nakatunggali ko na galingan rin... Maganda raw yung sa kanila pero walang masyadong laman... At sabi pa niya meron talagang mga taong inborn ang kagalingan sa pagsusulat at kung gusto rin nating maging magaling sa pagsusulat kailangan na raw nating maisilang muli... Joke pa niya kung may mga Born Again Christians pwede ring magkaroon ng Born Again Writers... Dahil hindi pa huli ang lahat kung gusto mo ring maging magaling sa pagsusulat...

At inihayag nga na ako ang winner at palakpakan ang buong tao sa venue... For the first time ko ulit naramdaman ito, ang mapalakpakan ng mga tao dahil sa aking written work, ang huli ay way back sa aking pagiging student journalist... Ang hindi ko talaga inaasahan ay pagwawagi ko sa work ko na nasa wikang Iluko... Kinonggratulate ako mismo ni Mr. Duldulao at sinabing pagbutihin ko raw ang aking skill...

At sabi naman ng mga classmates ko "We are very proud of you!" Yan ang pinakamagandang nasabi nila sa akin... Kasi they acknowledge my winning as my contribution to our section, to our group...

CONCLUSION

Napakasaya ko talaga dahil dito... Mababaw ako para maging masaya (but it does not mean naman na mababaw ako pagdating sa spiritual aspect-malalim ako pagdating dito, dahil naniniwala akong true and eternal happiness the world cannot give but they add and are small term happiness)...

Dahil sa pagiging winner ko nakuha ko ang kiliti ng Iluko Professor namin... At least ngayon hindi na ako masyadong magiging mahiyain kapag kinakausap siya... Hindi na ako maiinsecure pa...

Na-realize ko na talagang malayo ang iyong mararating sa pagsusulat... At napatunayan ko na iyan... Malayo na rin ako sa dating Mark na napaka-shy... Na halos nasa bahay lang at hindi nakikisalamuha sa iba except sa mga classmates... Malayo na rin ng kunti ang narating ko sa pagsusulat... Dahil sa pagsusulat nakakilala ako ng mga taong hindi mo inaasahang makilalala... At aking tuloy nakikita na ang mundo ng pagsusulat ay napakalawak... Marami pa akong tatawirin... Hindi dito nagtatapos ang lahat...

But ang nais kong magawa sa aking sarili ay manatiling maging mapagkumbaba kung ano man ang mga makuha ko sa buhay kong ito sapagkat ang lahat ng ito ay hindi para sa akin kundi para lamang sa Kanya... Mula sa Kanya at para rin sa Kanya... I want to use my talents for the service of the One who have saved me from sin and gave life to me...

Thank you Lord for this talent!!!

Tuesday, September 2, 2008

Kapag Ako'y Sumabog... Hala Ka!

Alam ng mga classmates ko na ako'y isang taong hindi alam magalit... Let us just say na hindi ako palaaway at totoo yan kahit kailan hindi ko pa naranasan ang makipag-away kahit kanino but there are those times na talagang hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng misunderstandings kaya nagkakaroon ng tampuhan but never a war...

You may say that I am the type of person na pa-safe, palaging umiiwas sa disgrasya... And yes ganun nga ako kahit laitin mo ako hindi ako kikibo, kikimkimin ko na lang para hindi magkaroon ng anumang disgrasya... Lalo pa't may sense ako of protecting my name... Alam mo yun, yung parang ayaw mong mag-iba ang impression ng tao sa iyo... Hindi naman sa ako'y nagbabalatkayo o mapagpanggap kundi hindi lang talaga ako expressive kahit masaktan ako at ayaw ko lang na mabahiran ako ng kakaibang impression... Lalo pa't ang impression ng mga everyday kong kasalamuha sa akin ay isang taong mabuti, mabait, "religious" daw (are you joking), at iba pang napakamagagandang pagkilala...

Opo, inaamin ko rin naman na may mga ilang bad impression sa akin na ini-oopen ng mga friends ko gaya ng OA daw ako kapag nasa classroom, but I admit it OA ako lalo na kapag alam ko ang sagot o kaya'y ako lang ang may alam sa certain topic... Nagiging active kasi ako kapag ganun pero it does not mean naman na minamata ko ang ibang classmates ko ganun lang talaga ako dahil I need to express what I know... Pero kung na-ofend ko man sila open naman kami sa isa't isa at nasasabi namin ang mga ito... Tanggap ko ang pagpunang ito... Siguro marami pang patalikod na puna sa akin hindi ko lang naririnig but kung meron man sige sabihin lang at I will understand and try to change if there is a need to change...

Pero kahapon, kahit gaano ko pa ikimkim na lang ang mga naririnig ko hindi ko na napigilan at sumabog na ang bulkang Rodney (I am using Rodney sa skul para makilala ako kasi maraming Mark sa skul)... Unang atake, okay lang... Ilang beses na rin nilang ipinamumukha sa akin ang mga katagang "A good teacher makes hard things easy." Nailabas ang quote na ito sa subject naming Social Dimensions... At sa History class namin inulit ito... Hindi naman sa pagmamayabang pero ako kasi ang tinatawag nilang "Historian" ng aming section dahil kakaiba raw ang aking galing sa History (Note: Phil. Histo lang, World hindi masyado, Church merong kunti)...

Recently kasi nagreport ako tungkol sa Spanish Rule in the Philippines, eh napahanga ko si Ma'am dahil najustify ko lahat ng mga events na aking nabanggit linking it to World History and the Culture of Spain and Philippines... Okay lang kay Ma'am dahil nagkakaintindihan kami pero sa mga classmates ko raw nagkaroon ng kaunting confusion dahil sa iba't ibang nai-insert kong ideas... Pero ang defense ko naman kung ang reporting ay just reading what is said in the Histo books I'd beter not report... Kasi ang aking naisip sa pagrereport ay i-justify why is that like that... Pero hindi pala kami magkakapareho ng understanding... Well okay lang kaya nga simpler ang ginawa ko...

Syempre kahit hindi pa sabihin alam kong may kaunting patama sa akin ang "A good teacher makes hard things easy." Hindi ko muna yun pinansin... Carry lang... Second strike... Sinabi naman ng isa na "teaching is imparting knowledge not impressing somebody." Syempre nagiging sensitive na ako dahil sa mga naririnig ko... I did not impressed nobody in my report it is just that I wanted to take a deeper look on why that thing happened in History. If they assume that I was making a way to impress our Histo Professor, well, I am sorry but I am just doing my job, if they cannot appreciate it then it's not my problem anymore...

Nagiging sensitive na talaga ako sa stage na ito... Pero suddenly nakisawsaw naman ang isa naming classmate at sinabing... "yung iba kasing reporter jan nag-lagay ng iba't ibang cheverlu jan kaya naging confusing ang report niya..." Heto na ang climax... Hindi ko na napigilan ang aking sarili... Buti na lang wala si Ma'am... Sinabi ko ito in a very high tone, talagang galit (This was in Iluko language), "Tama na nga yan... Alam niyo nakakasakit na kayo ng damdamin... Kung may gusto kayong sabihin, sabihin niyo na lang ng harapan at hindi ng patama dahil nasasaktan ako... Kung ganun mang naging confusing ang report ko hindi ko na kasalanan iyon dahil tinatanong ko naman kayo noon kung naintindhan ninyo ang aking mga sinasabi..."

Hyper talaga ako ng moment na iyon as in pinakakalma na ako ng mga classmates ko dahil iyon pa lang ata ang first time nila na makita ako nang ganun... Then afterwards sabi ko: "Hindi ninyo ako kilala."

Pero syempre naisip kong I need to be calm... Pero ang talagang nagpakalma sa akin ay nang ibigay ng classmate ko sa akin ang rosary na hiniram niya... Kumalma ako pero deep inside I was guilty why I acted that way... Kaya hindi na muna ako nagsasalita-salita until noontime... I was very silent... At kahapunan kahit alam kong hindi ako ang dahilan ng conflict na iyon nag-sorry ako sa mga taong kinagalit ko...

Hay, buhay... Pero naisip ko rin naman na parang maganda rin yung nagawa kong pagiging Hyper para malaman din naman nila na hindi nila ako kayang iganon-ganon na lamang... I was angry not because I hate them but because I became very sensitive... At ipinagtanggol ko lang ang aking sarili...

Sana hindi na ulit iyon maulit... Kakaiba kasi ang feeling... Parang mag-hihigh blood talaga ako... hehehehehe...

Friday, August 29, 2008

Ano bang kaugnayan ng Juan 1:1 sa Wikang Pambansa?

Diyos ko po... Talagang ako'y nagulat sa aking mga narinig kahapon sa Teatro Ilocandia sa pangunahing kampus ng Pampamahalaang Pamantasang Mariano Marcos (MMSU), Lungsod ng atac... Pumunta kami doon kahapon dahil sa "Pampinid na palatuntunan ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa" na inihanda ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino at Literatura (KAMFIL)... Nandoon ako unang-una dahil ako'y may asignatura sa Filipino (Retorika at Pagsulat)... Pangalawa dahil ang aming Kolehiyo ay may pagtatanghal at bilang isang opisyal ng SC kinakailangan tumulong sa mga magtatanghal...

Syempre pa't ang unang bahagi ay palaging Pambungad na Talumpati... Ang naghatid ng Pambungad na Talumpati ay ang pangulo ng KAMFIL, ang unang pangalan niya ay Isiah... Inumpisahan niya ang kanyang talumpati... Nakuha niya ang aking atensyon ng sabihin niya na ang wika ay napakahalaga at ang Diyos mismo ay nagpapahalaga dito... Hayan, talagang nakinig ako sa kanya kung papaano niya bibigyan ng katarungan ang kaniyang sinabi...

"In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God." (Juan 1:1)

Ito mismo ang kanyang kinuhang kataga mula sa Bibliya, sa Ingles talaga niya sinabi, upang bigyang katarungan ang kanyang sinabi na ang wika ay pinahahalagahan mismo ng Diyos... Gulat na gulat talaga ako sa paggamit niya dito... Ano bang pinagsasabi-sabi nito ang aking sinabi sa aking sarili...

Diyos ko po... Ano bang kaugnayan nito sa Wika? Ito ang isang maling interpretasyon sa mga nakasulat sa Bibliya... At ang tao naman na nag-uganay dito ay tinatawag na tanga... Bakit mo gagamitin ang ganitong mga kataga sa Bibliya kung wala ka namang kaalaman sa mga nakasulat? Hindi ka man lang nanaliksik kung ano ba ang tunay na sinasabi ng katagang ito... Masyadong naging literal ang pagkuha niya sa katagang ito na hindi katanggap-tanggap...

Ang paggamit ng Word (Verbo sa Bibliyang Filipino) ay tumutukoy kay Kristo at hindi tumutukoy sa Wika, hindi pagpapahalaga ng Diyos sa Wika... Kukuha ka na nga lamang ng isang kataga sa Bibliya maling interpretasyon pa... Ano ba naman... Ito tuloy ang aking nabuo sa aking isipan na huwag na huwag kang kukuha ng mga kataga sa Bibliya kung hindi mo alam itong ipaliwanag ng tama at mabuti... Na ang mga kataga sa Bibliya ay mas mabuting hindi nalang gamitin kung kakayanin mo pa namang gumawa ng sariling pagpapaliwanag tungkol sa isang bagay... At ang Bibliya ay hindi kuhanan ng mga "quotations," maaaring kumuha ngunit dapat ang pagpapaliwanag ay naayon sa tunay nitong kahulugan kung gagamitin man ito sa pagtatalumpati...

Sunday, August 10, 2008

CBCP Story continuation... The whole story...

Nagsimula ang aking pagnanais na makasali sa CBCP News Service noong magamit ang aking article sa anluwage.com... Talagang pumasok na sa aking isipan na bakit hindi ko subukan ang pagsali mismo sa CBCP NS... pero na-discourage ako because of some conflicts na maaaring maidulot at problems kapag sumali ako at talagang hesistant rin kasi I was thinking about my SC ambition na kapag na-elect ako baka hindi na ko mapag-sabay-sabay... Pero nakapag-adjust na starting noong June after the elections kasi we can do naman pa rin yung mga ibang gawain kahit naka-duty...

Nitong July, specifically the second and third of week, napapaisip na ako ulit kung ano kaya kung ituloy ko na lang ang balak ko... Still ang motivation ko ay nung gamitin yung article it means kasi para sa akin na may credibility ka na kapag nagamit ang isang article mo... Nag-isip ako at nagdasal kung ito ba ay will ni Lord... Pero na-motivate ulit ako ng maipaalala sa akin ng mga co-officers ko na "there is no harm in trying." Dahil dito noong gabi ng July 19, inihanda ko na ang aking resume at isang sample write-up as requirement ng CBCP NS... Kinabukasan, that was Sunday, pagkatapos ng pagsisimba ko agad kong ini-email ang mga requirements...

Lumipas ang isang linggo, wala pa ring email akong natatanggap... Nanghihinayang talaga ako dahil sa week na ito marami na ang naiset na pangyayari sa Diocese isa na ang Diocesan anniversary at ang Relics ni St. Pio... Naghintay ulit ako ng ilang araw pa... Wala pa rin Biyernes na... Kaya sa araw na iyon ng Biyernes inemail ko na si Msgr. Pepe Quitorio mismo dahil nakapost naman ang e-mail niya sa CBCP website... August 1 na ito, bisperas ng birthday ko... Sunday wala pa ring email...

At Monday na, August 4, may email na si Msgr. Pepe sa akin at nagsasabing ii-inform na niya ang managing editor ng CBCP NS tungkol sa aking application... Tuesday di ako nakapag-check ng email dahil maraming gawain sa SC at may meeting kami kinahapunan...

Wednesday, August 6, sa wakas may email na ang managing editor, si Sir Melo Acuna. Sabi niya sa email na send ko ulit ang resume... Sinend ko at kinahapunan sabi niyanna mag-send ako ng mga articles tungkol sa activities ng Diocese at words from the Bishop mismo... Pero naguguluhan ako dahil hindi direct ang pagsasalita niya tungkol sa ang aking appointment... Nung time na iyon biglang nag-YM naman itong si Fra. Dave, ccs... Kaya siya ang pinakaunang tao na nakaalam sa aking appointment... Naka-receive ulit ako ng e-mail ni Sir Melo at yan hindi pa rin direct ang pagsasalita niya kaya inassume ko na Diocesan correspondent na nga ako...

Dahil wala pa akong naipapadalang article, nag-effort na akong gumawa... At ginawa ko ito kahapon, Sunday...Pagkatapos ng Mass nagpaka-kapal muks ako upang i-interview ang isang SVD priest dahil nabalitaan ko ang tungkol sa Parish sa Pagudpud na ihahanddle nilang mga SVD ng Laoag... Kaya yun pagkatapos ng interview, akong pumunta sa pinakamalapit na internet cafe... For 30 minutes ko rin binuo ang article (note: ang nasa CBCP hindi yan yung original, edited na iyan kaya mas maliit)...

Ngayong umaga nga nabasa ko sa headlines ng CBCP ang tungkol sa isang SVD parish sa Pagudpud... Eh syempre dahil parang magkatulad ang headline kong original sa headline nila... binasa ko at tumambad ang pangalang Mark Vertido, nag-iisa lang naman ako sa palagay ko na may pangalang ganyan sa Laoag at baka sa Pilipinas... hehehehe

God bless sa bagong tungkulin ko!

Confirmed na ang pagiging CBCP Diocesan Correspondent.... Yahooo!

One of my greatest achievement in my internet world has been confirmed ngayong araw na ito... Yes!!! It is now confirmed that I am a Diocesan Correspondent of the CBCP News Service... Confirmed siya sa pamamagitan ng pag-post nila sa pinakaunang news na aking ipinadala...

http://www.cbcpnews.com/?q=node/4166

SVD to take charge of new parish in famous Pagudpud

LAOAG CITY, August 10, 2008--The Society of Divine Word (SVD) will be tasked to care for a new parish which will soon be erected in Panzian, Pagudpud, Ilocos Norte upon the invitation of Laoag Bishop Sergio L. Utleg.

Fr. Denny Lucas, SVD said the new parish will attend to the spiritual needs of the residents in the northern portion of Pagudpud and the town of Adams where the SVDs have been holding evangelization missions for the past years.

He said the increase in parishioners in Pagudpud was the reason for the establishment of a new parish. The distance between the town proper and Panzian was also considered.

The SVD missionaries have been managing Divine Word College in the city. Formerly known as St. Williams College, DWC-Laoag is one of the more prominent learning institutions in northern Luzon.

The SVDs began working in Laoag in 1946 at the invitation of the Archbishop of Nueva Segovia prior to the establishment of the Diocese of Laoag.

Sixty-four percent of Ilocos Norte’s residents are Catholics. (Mark Vertido)

Lubos-lubos talaga ang aking kasiyahan ngayon kasi I am serving now for the CBCP... hehehehehehehe.... Pero great responsibility ulit ang aking hahawakan... God bless me...

to be continued... may pupuntahan kasi ako... hehehehe...

The Three Days...

Miyerkules, Huwebes, Biyernes…

Sa tatlong araw na ito, hindi inaasahang mga pangyayari ang aking naranasan. May mga ibang events dito na hindi ko na lang babanggitin dahil ito ay para sa susunod kong post.

Miyerkules

Isang seminar ang naganap sa College of Teacher Education. Ang seminar ay tungkol sa Learning Outcomes. Syempre kakaiba ito sa pandinig, lalo na sa aming mga Sophomore pa lamang kasi kakaumpisa pa lamang naming magkaroon ng Professional Education Course, ang Educ 110 (Social Dimensions). Kahit pa ang topic ay hindi pa namin pinag-aaralan, dumalo na lamang kami upang makaiwas sa Midterm namin sa PE 3 dahil hindi pa kami nakahanda.

Sa seminar ang lecturer lang naman ay isang Irish Senior Lecturer in Science Education, si DR. DECLAN KENNEDY, MSc, Med, PhD, HDE, FICI. Kumusta naman yan ang haba ng kanyang kawing sa pangalan. Napakagaling talaga niya. Siya pala ay galing sa Colaiste na hOllscoile Corcaigh, Eire, gets? Ang trnaslation niyan ay University College Cork, Ireland. Naku sa lecturing niya nabanggit niya ang tungkol sa mga Bologna Agreement at iba pa. Siyempre naman ang lolo ninyo attentive baka kasi magpa-test si Dr. Resurrecion Mateo, ang Educ 110 prof namin.

Okay, tatlong oras lang naman ang kanyang lecturing. At ito na ang hindi ko inaasahan. Bigla siyang nagtanong sa hulihan ng kanyang lecture. Tinanong niya kung kailan magtatapos ang Bologna Agreement. Ako naman dahil attentive ako isinigaw ko ng di masyadong kalakasan ang 2010. Ay, nabigla ako, ako lang pala ang nakasagot sa tanong, pati mga teachers na nandoon hindi nakasagot. Hehehehe… Abah, mas magaling na ba ako kaysa sa kanila??? Hehehe… Tumingins si Dr. Declan sa akin at sinabing "Can you repeat that?" Inulit ko naman. Tapos sabi niya "You are correct! I think you should be given a price." Ay, flattered naman ako sa dinami-rami ng mga mabibigyan ng price ako lang ang nakatanggap sa araw na iyan.

Ibinigay lang naman niya sa akin ang mga dala-dala niyang "sweets" mula Ireland. Ay, nag-iisa kaya iyon ayon sa kanya at ipapamigay sana niya yun pagkatapos ng lecture para sa lahat. Pagkatpos sa akin lahat napunta. Kakahiya tuloy pero okey lang pagkakataon naman para makilala… Hehehehe…As in pumunta siya sa akin at kinongratulate… Hehehehe… Then sabi niya pagkatpos ng seminar na it was very great to meet me because I am attentive at like niya akong maging student niya… Ngek… Sige isama mo ako sa Ireland… Pagkatapos sabi pa niya pagbalik raw niya mula sa Ireland bibigyan niya ulit ako ng mga sweets… Thank you… Tapos binigyan pa niya ako ng kanyang calling card… Kumusta naman yun ako lang ang estudyanteng binigyan aside sa mga teachers na nandoon…

Ang saya ko ng araw na iyon kasi lahat ng tao naging friends ko… Hehehe… Friend ang tawag nila sa akin dahil hihingi lang naman sila ng sweets ko… Pati teachers humingi… Hehehehe…

Huwebes

Naitakda ang aking reporting sa History… Abah matagal ko na kayang hinihintay ang sandaling iyon… Isang buwan na akong naghihintay para mag-report… Ngunit okay lang kasi ang aking topic ay Spanish rule… Imagine ang report ko lang naman ay tungkol sa Exploration and Conquest ng Philippines at Political and Ecclesiatical Structure of the Spanish Government of the Philippines… Yan nakakagana dahil I will explain Ecclesiatical… Hehehe…

Dumating nga ang reporting time, at unang pagkakita pa lang ng Prof ko eh na-impress na siya dahil may globe pa akong dala-dala… Syempre nagpaka-kapal muks na ako doon sa Faculty room ng mga Social Studies teachers para lamang mahiram ang globe… Hehehehehehe… Then sinimulan ko ang reporting sa pamamagitan ng isang maikling motivation para mag-isip naman ang mga nakikinig, syempre teachers kailangang meron palaging motivation… Syempre dahil parang recalling lang ang report ko kaya motivation ko naman ay pag-recall ng mga events… Nag-enjoy naman sila…

Unang part, explanation ng colonialism at exploration. Ipinaliwanag ko kung gayon ang mga ito hanggang sa makarating kami sa mga motivation ng explorations… Napunta sa God, Gold and Glory… Then ang Spain at Portugal… Pagkatapos ng unang part sinabi ng Prof ko na I am very good raw… Kasi naman napaka-detailed raw ng pagpapaliwanag ko sa bawat important words, names, terms at dates… Para daw ako ay nasa panahong aking inereport na para ang kamag-anak ko lang si Ferdinand Magellan, Charles I at iba pa dahil as in naman talaga nag-research talaga ako, kinalkal ko pa talaga ang aking mga inaalikabok na libro, tapos sabi niya I am a "real historian" daw… Nakatulong rin kasi ang aking kaalaman sa history ng Catholic Church upang maintindihan ang history ng Europe… Saan ka pa pagsamahin ba naman ang History at Church… Kaya tuloy nagkaroon rin ako ng parang kaunting pagpapaliwanag na rin sa Catholic Church… Very detailed talaga…

Second part ay ang Rediscovery of the Philippines… Dito nag-umpisa na naman ang aking kakaibang sakit… Ang pagsakit ng aking sikmura… Parang may asido sa aking sikmura at talagang namimilipit ako sa sakit… Pero ganito talaga kapag ako’y kinakabahan lalo pa’t nakakapressure yung paghanga ng Prof ko sa akin… Iyon naihatid ko pa rin ang second part kahit namimilipit na ako sa sakit… Hehehehe… Hindi pa tapos ang report ko at itutuloy pa lang…

Pagkatpos ng class lumapit ang Prof ko at sinabing "Congratulations!" Ha??? Ngayon ko lang narinig ang ganito dahil lamang sa report ko… Hehehehe… Flattering!!! Ginaganahan tuloy ako… Ewan ko nga ba kung bakit pa ako nag-English bakit di na lang Social Studies kasi truly I have the heart for History…

Dahil umpisa pa lang ng reporting ganito na aking naging performance, ako na naman siyempre ang magiging reference ng aking mga classmates, I mean kung ganoon ang aking ipinakita tiyak na sa lahat ng kanilang makakaya susubukan nila akong talbugan… Sige subukan niyo rin…

Biyernes

Nagkaroon ng kaunting pagsasalu-salo ang mga BSEd II-A English Majors together with our favorite teacher in English, si Ma’am Charmagne Balantac. Sa College dorm naganap ito sa kanyang quarters. Simple lang ang salu-salo namin dahil dadalawa lang ang putahe, monggo at crispy pata…

Ang salu-salong ito ay bilang treat niya sa amin dahil sa pagtulong namin sa kanya nang nandito ang aming mga Korean students… Celebration na rin ng Beijing Olympics… Hehehehehe…

Simple lang sana ito pero dahil ang aming mga kamay naman ay malikhain, lalo pa’t may mga churva sa amin, napakaengrande ang aming naging dining area… Para kang nasa isang high class resto… Abah naman ang kakainin mo monggo at crispy pata tapos ang table setting ang sosyal pang-hotel…

Akalain mo ba namang pati yung kakainin namin kami pa ang nagtulung-tulong na maghanda… Pero masaya dahil kahit simple ay nagkaroon kami ng bonding… Isang masarap na bonding… May nag-iisa kaming bisitang teacher si Dr. Rosable Acosta, science-math Prof… At dumating ang kainan… As in ang plato yung babasagin, ayos na ayos ang mga table… Pero may kulang walang kutsra at tinidor… Imagine mo naman nagkamay kaming lahat… Hehehehe… Kahit yung dalawang teacher… Hehehehehe… Kamayin ba naman yung monggo… Hehehehe… Mukhang improper pero totoo kahit sino kung ganoon ang sitwasyon magkakamay talaga…

Ang saya-saya ng experience na ito… Walang hiyaan nagpakanatural ang lahat… Simple lang talaga ang pagkakaibigan naming lahat… Through thick and thin talaga kami at walang iwanan sa ere…

Note: Habang nagaganap ito isa na palang kababalaghan na naman ang nangyayari sa College dahil minumulto na pala ang Main Building namin. The story will be posted on my next blog…

Friday, August 1, 2008

Goodbye 17, Hello 18: My Birthday Blog...

I am already 18 years old today, August 2. Born on the same date in 1990 in the Sunshine City, Laoag, in the northern province of the Philippines, Ilocos Norte. Given by God to a pure Ilocano couple and to a Catholic family. And that child grew to what he is today. And certainly that is me, no other.

The people who know me, understand my personality. I am friendly but shy. I am matured but acts like a child. I am serious but funny all of the time. I always smile but I can show you my dangerous frown if you want. I can pretend but enough is enough. And certainly I am what I am.

17 is gone in my life but 18 is now coming. 17 have brought me many memories, many important things in my life. I have met many different people in my 17. People whom I've met accidentally, not knowing if these people are really true or not. But I, through meeting them in the internet, already know who are the real and the fake. I admire all of them at first but through time I carefully saw their real attitudes and personalities. And I can say I know the real ones. I cannot really judge for I do not know them personally but by there instant acts in the internet shows who they are.

I have encountered Anluwage.com and the Confraternity of Catholic Saints (CCS). The story of Anluwage begins when Manong Pietro suddenly sent me a private message at Friendster exactly on the new year. And so he told me everything and now I am part of it. It is nice to share talents in the internet. And through Anluwage, for the first time an article of mine was used, a sign of credibility, but not only of a simple organization but the CBCP News Service. And so I am grateful to Anluwage although I am not active this time.

CCS? I can never forget to thank this organization. Thanks to Friendster again I have met the Director, Fra. Dave, ccs along with Fra. John, ccs. I have read about CCS first in Multiply when I was just starting but I disregard it for I am not a full time user then of Multiply. Then December 27 came and I saw again CCS in Multiply and also I saw Fra. Dave at 100% Katolikong Pinoy. I have sent my first e-mail to him on December 28. Then because I was in amazement that moment I have created the wikipedia article of the Confraternity (that needs improvement now but I cannot process it because of hectic schedule at school). And the all is history. I will always thank CCS for accepting me, the stranger, trusting me to check the Manual and making other things eventhough I am a stranger and far away from them.

Many had happened, I have met religious men, Fr. Bernardine, FI with Bro. Jaycee, MIM, and also my American friend, Bro. Zilli Goretti, MM. And still continuing meeting many other people. I have also for the first time approach a priest, the Vicar General of the Diocese, Msgr. Policarpo Albano. And also I have continued to know Kuya Francis. I have also met the Davao Cahpter President of the Catholic Faith Defenders, Inc., Bro. Ryan Mejillano, who is somewhat helping and training me in apologetics. For those I have not mentioned you know who you are, and I thank you for making 17 a colorful year to me

Many aspects of me have already developed because of these people. Thank you very much to all of you.

I knew that my birthday does not only fall when Gulf War begins but it has a Marian feast also, the Feastday of Our Lady of the Angels of the Portiuncula, an important feast for the Franciscans. Portiuncula is the place where St. Francis the Order of Friars Minor in Assisi. I knew this thing from Bro. Jaycee, MIM.

Well, 17 have left me with many memories but I know that 18 will God's will.

Goodbye 17, Hello 18!

Happy birthday to me and may God bless me!

Tuesday, July 22, 2008

CABSAT, the only Christian org sa College, Muling Nabuhay...

Ako'y masyadong nalungkot ng malaman ko noong June ang pagka-dissolve ng CABSAT (Christian Association for Brotherhood, Services and Truth)... Ito ang mga lumabas na balita na wala na nga ang CABSAT pero nagtataka ako dahil sa mga record ng mga recognized organization ay nandoon pa rin ito... Nagawa ko na ang mga initiatives ko in the absence ng CABSAT, yung "Word Made Flesh."

Noong Lunes habang kami ay busy sa SC sa pag-peprapare sa mga kakailanganin sa Induction Program nakita ko ulit ang list ng mga recognized org at lumalabas na hindi pa pala ito dissolved... Pumunta ako sa SAC (Student Activities Coordinator) at sabi ni Dr. Tony hindi pa dissolve ito... Na-shock talaga ako sa narinig ko... Agad kong tinext ang Adviser ng CABSAT, si Ma'am Charm na English teacher namin... At napagkasunduan namin na magcoconduct na lang ako ng isang emergency reorganizational meeting... We need to do this because if it will not be conducted the CABSAT will truly be not recognized...

Naganap nga ang reorganizational... Marami rin naman ang nag-attend... Aaminin ko na may motibo ako para maging President ng org na ito dahil gusto kung magkaroon ng pagbabago sa nakaraang administration, hindi kasi naging active ito... Tinanong ko ang SC President kung allowed akong ma-elect, and the answer was yes... At nanalo nga akong President...

Kaya ngayon nag-iisip na ako ng mga programs, isa na rito ang Wednesday or Friday habit, isang prayer meeting evry Wednesday or Friday... Iniisip ko rin ang katuparan ng minimithi ni Ma'am Charm na retreat sa Foyer... At isa sa pinakamimithi ko ay ang pagcelebrate ng (National) Bible Week sa College...

I will be conducting the first meeting sa Lunes with our Adviser...

The Powers are Official...

Opisyal na nga ang aking pagiging Business Manager ng Student Council dahil kahapon naganap ang Mass Induction Program ng lahat ng mga organization sa College namin... Ngunit hindi lamang ito ang kapangyarihang aking pinanghahawakan... Ako rin kasi ang Secretary ng MMSU - CTE Choral Society, ang Assistant News Editor ng CTE Bulletin, at higit sa lahat ang President ng Christian Association for Brotherhood, Services and Truth (CABSAT, hindi ko inaasahan ang org na ito-please see next blog).

Ang ganda ng sinabi ng aming SC President, si Ate Karen sa kanyang Inaugural speech... Sabi niya... Do not criticize what you do not understand... Marami kasing mga criticisms sa SC kaya nasabi niya ito... Isipin mo ba namang everytime na lang kapag may problema with Programs o iba pang bagay na related sa SC lalo na ang collection of funds SC ang may kasalanan... Kaya maraming criticisms ang lumalabas...

Ako I was a Student Volunteer ng SC noong 1st year kaya alam ko ang pagod nila pero ngayon na SC na ako wala akong masasabi sa hirap ng mga ginagawa namin... Kung alam lang ng mga estudyante ang pinagdadaanang hirap ng mga SC officers everytime na may program sa school o kaya'y para ma-maintain ang mga project ng SC...

Friday, July 18, 2008

Goodbye Friends!!!

Bumuhos talaga ang luha kanina sa Social Hall nang ganapin ang Culminating Activity ng aming mga Korean friends... Kasi naman last day na nila sa school at this means its time to say goodbye for the moment... Kung magkikita-kita man kami ulit time will come and only God will know...

Syempre, ang inyong lingkod hindi napaluha... Mamasa-masa lang ang mata pero walang pumatak... Syempre hindi mo naman talaga mapipigilan ang emotions kasi iiwanan ka na nila, silang mga kaibigan mo ng 18 days, short period man pero naging close kami as in very close dahil nakatulong kami sa kanilang pag-aaral ng English... As in kami lang naman kasi ang section as in section na nagkaroon ng exclusive privilege na magturo ng English sa mga Koreans... Eh, di syempre iba talaga ang aming naging bonding... Kami lang naman kasi ang nagpasaya sa mga class na naganap... Isipin mo na mula sa isang room na sila ay serious na nag-aaral pag pumunta na sila sa amin ang lesson naituturo pa rin pero may happiness sa atmosphere hindi borikito (boring)...

Kanina nga sa Program, hindi ko inexpect na may ibibigay na souvenir yung isang Koreano sa akin... Binigyan ko kasi siya ng bracelet na ipinabili ko sa St. Pauls... Eh Christian namn siya at gustong-gusto niya yung binigay ko... Kanina lumapit siya sa akin at ibinigay naman niya ang kanyang isang University uniform sa akin... As in nabigla ako dahil hindi ko ineexpect na ibibigay niya yun sa akin...Pero sabi niya salamat raw kasi marami akong naitulong sa kanya... Muntik pa talaga akong mapaluha kanina ngunit ayaw lumabas ng luha kasi ang iniisip ko ay dapat akong maging masaya... Kailangang alaways smiling...

At yun nga nagtapos na ang Program at kinailangan na talaga nilang umalis dahil malapit na ang kanilang flight pabalik ng Seoul, South Korea... Pero bago yan nagkaroon muna ng pagawit sa Auld Lang Syne at dito hindi na napigilan pa ng mga classmates ko ang humagulgol sa pag-iyak... At pati mga Koreans umiyak...

At nawala na nga sila at nasabi na namin ang goodbye namin sa isa't isa... At sa kabuuan nabigyan ako ng isang picture, isang golf ball, ang t-shirt at isang accessory... Wala na ang bus at pumunta naman kami sa likod ng Main building papunta sa may College Dormitory kung saan tumutuloy ang favorite naming Professor, Ma'am Charm... At doon nagsiiayak na kaming lahat pati ako na hindi nagpapakita ng emotion napaluha ng kunti... Minsan pa lang akong umiyak sa school noong 2007 Intrams ng mapuno ako na muntik mag-collapse dahil sa pagod...

Bilang pagpapasalamat naman kay Prof. Charmagne Balantac, ibinigay namin sa kanya ang isang cake bilang pagpapasalamat sa kanya dahil kung hindi sa kanya hindi kami magkakaroon ng exclusive access with the Koreans... Kinain namin ang cake malapit sa flagpole kung saan nakikita kami ng maraming tao... Well, ikinain na lang namin ang kalungkutang nararamdaman namin... Ngunit masama pa rin ang pakiramdam namin, I am sure marami na ngayon ang binaha ang kwarto dahil sa pagsesenti...

Tapos na ang isang kabanata ng paglalakbay namin bilang mga English majors...

Saturday, July 12, 2008

On the spot Reporting ang Drama ko noong Friday...

On the spot report without any materials in Filipino 6

Hindi sana ako mag-oon the spot reporting kung si Dr. Coma or Mamang (we call her Mamang because she is our adviser) ay hindi makakalimutin... Imagine noong Wednesday sabi niya "hindi muna kayo mag-rereport para mas maayos sa Lunes na lang at magkakaroon tayo ng ebalwasyon sa nakaraang pag-uulat" iyan ang sinabi niya mismo sa akin...

Pero noong Biyernes, natapos na ang huling ulat ng naunang grupo. Biglang sabi niya na susunod na raw ang grupo namin... Kaya nag-complain ako dahil hindi ko inaasahan na ngayon na pala ang reporting... Sinabi ko na pinanghahawakan ko ang sinabi niya noong Miyerkules pero parang uminit ng kaunti ang ulo niya kaya sinabi ko na mag-uulat na lang ako on the spot...

Pumunta na ako sa harapan at ipinakilala ko muna ang aming iuulat... Nag-ulat nga ako tungkol sa pagsasaling-wika (translation) kahit wala ang aking mga visual aids or what we call Manila Paper technology... Opo, Manila Paper technology lang po ang gamit ko, as in nagsusulat sa Manila Paper para magkaroon ng ipapakopya, wala kasing OHP or multi media projector kaya magtiis na lang sa Manila Paper...

Wala yung script na ginwa ko kaya wala akong mabasa, eh nandoon pa naman ang mga analysis ko sa akong ulat... Kaya ginamit ko na lang yung photocopy ng librong pinagkunan ko ng aking report... Habang ipinabasa ko ang ilang parte ay nag-aanalize naman ako para maihatid ko ng malinaw ang aralin... Sa kabutihang palad natapos ko naman ang pag-uulat ng maayos... Ni walang mga nagtanong... meaning naiintindihan nila ng mabuti ang report ko...

Thank you God dahil hindi ako natakot sa aking pag-rereport...

Next report ko will be in our History Class... topic about the Spanish Rule in the Philippines, I am actually ready na pero I need to research some parts pa...

Wednesday, July 2, 2008

"WORD MADE FLESH" SC Resolution: My Initiative Project at School!

Ito ang aking draft sa resolution (reactions please):

Mariano Marcos State University

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Laoag City

Student Council Resolution No.__ Series of 2008

A RESOLUTION FOR THE WEEKLY ‘WORD MADE FLESH" CORNER

AT THE SC BULLETIN BOARD

WHEREAS,

there is a need for the students to be reminded of the Christian teachings;

WHEREAS,

there is no concrete religious instruction or religious organization in the College that can respond to the religious and spiritual needs of the students;

WHEREAS,

the College is not a religious institution but also needs an organization that can remind the students their spiritual dimension as human beings;

WHEREAS,

being an institution of teacher education the religious and spiritual needs of the students shall be well responded so that the College will not only produce high-quality teachers but also God-fearing teachers;

WHEREAS,

the "WORD MADE FLESH" will showcase passages both from the Old and New testaments of the Bible, words from the Saints, and a Bible Trivia;

WHEREAS,

in the absence of an organization that can cater this necessity, the Student Council (SC), being the umbrella organization of the College, will sponsor such activity as part of its continuing service to the studentry;

WHEREAS,

in a meeting of the SC officers, the officers agreed to sponsor the "WORD MADE FLESH" corner to be posted in a designated area of the SC Bulletin Board and to be updated weekly;

NOW THEREFORE,

be resolved as it is resolved to sponsor the "WORD MADE FLESH" corner at the SC Bulletin Board;

RESOLVED FINALLY,

that copies of the said resolution be furnished to the office of the Students’ Activity Coordinator, the Dean of the College of Teacher Education, and the Director of the Student Services and Development for their information and approval.

Done this 27th day of June, 2008 at the College of Teacher Education, Laoag City.

Prepared by:

MARK RODNEY P. VERTIDO

Business Manager, Student Council

Attested by:

KAREN F. DE JESUS

President, Student Council

Signed in the Presence of:

EFREN JONICEL D. DOMINGO

Vice President, Student Council

PETER JOHN S. MAGANA

Secretary, Student Council

RAMIL J. BALTAZAR

Sub-Secretary, Student Council

RAYMUND VINCENT A. BARIA

Treasurer, Student Council

MELVIN LORENZO

Sub-Treasurer, Student Council

ALLAN C. GOBRIN

Auditor, Student Council

ARNEL JORDAN B. DOMINGO

Sub-Auditor, Student Council

REMA AGUSTIN

P.I.O., Student Council

JERWIN VALENCIA

Athletic Manager, Student Council

ZYRILL DOMINGO

Athletic Manager, Student Council

EMIJU WINIE RIVERA

Peace Officer, Student Council

LOVELY JANE DURANTE

Peace Officer, Student Council

Noted by:

ANTONIO M. ASUNCION, Ph. D.

Student Affairs Coordinator

Approved by:

EDURDO T. BORJA, Ed. D.

Dean, CTE

Korean Teacer na rin ako!

Napakagadang experience ito dahil naranasan ko na rin ang magturo sa mga Koreans. Currently kasi ang MMSU-College of Teacher Education ay host ng mga Korean Students frong Kyung Hee University in Seoul, South Korea.

Originally, students were not allowed by the Administration to teach them kasi kaunti lang sila ngayon 40 lang ata di gaya last year na talagang marami sila. Pero dahil ang mga Koreans ngayon ay mga College Students they wanted na makipag-kilala sa mga CTE Students. Eh, syempre ang pinakaunang mga tatawagin ay ang mga English Majors, and I am a proud English Major. This is the reward na rin of being an English Major because you get to teach these Korean Students.

Generally, friendly naman sila dahil hindi talaga sila shy, kami nga ang parang shy eh sila hindi sila nahihiyang lumapit. Kaya yun naging malapit na rin kami sa kanila.

Kanina ngang umaga dahil wala ang teacher namin sa Iluko Lit, tinawag kami ng Prof namin sa English 102 (Syntax and Grammar) upang maging mga subordinate teachers sa mga Koreans. At yun nga naki-join kami sa kanilang Class.

At ang napunta sa amin ay isang Koreano na ang pangalan ay RAY. Mabait siya in fairness. Talagang mabait. Sabi niya first time lang daw niya na mag-aral ng English pero I could say na talagang magaling na siya sa lagay na iyon kasi he can already speak easily unlike his other companions na nag-iisip pa ng sasabihin. Well, ang itinuro namin sa kanila ay ang mga vowel sounds ng International Phonetic Alphabet. Talagang magaling si Ray kasi madali siyang matuto. I could really say that he is eager to learn, willing to learn, and has the intelligence and good attitude unlike the others who are quite noisy and lazy.

Nagkaroon lang nga ng mga kahirapan sa pagtuturo dahil sa letters "l" and "r". Ayon kay Ray ang "l" and "r" raw sa Korean ay may iisang katumbas lamang which is "la" kaya binababasa nila ang "read" as "lead" dahil nga dito sa confusion na ito. Pero siyempre inexplain namin na in English "l" is [l] and "r" is [r].

Ang nakakatuwa pa kay Ray natandaan niya talaga ako kasi nang bumalik na sila kaninang tanghali namukhaan pa rin niya ako kaya nga nag-shake hands pa kami gaya ng sa mga fraternities. Ngayon kinaiinggitan ako ng ilan dahil bakit raw parang ang close namin... Hehehe... Huwag mag-isip ng mali...

We have some pictures with the Koreans but I will just post them some other time wala kasi yung card reader ko...

Monday, June 30, 2008

Bible Study Chairman Ako? Are you Joking?

Talagang ito ang aking nasabi sa aking sarili ng bigla-bigla na lang na inappoint ako bilang Bible study Chairman sa gaganapin na College YMCA Club Camp/Caravan/Outreach Program sa September... Haller... Anong K ko naman para iligay nila ako sa position na iyan...

Imagine sa meeting na naganap sa walang kagatol-gatol na ako kaagad ang inilagay nila sa position na iyon... Ang meeting is held at the Student Center in the presence of the SC officers kasi ang SC ay co-sponsor ng nasabing event... Biglang-bigla ako dahil wala akong background sa mga ganitong bagay...

Maybe nakikita rin nila na talagang may K ako dahil nga sa paggawa ko ng initiative na magkaroon ng WORD MADE FLESH sa SC Bulletin... Akalain mo ba naman kasi na mag-volunteer talaga ako para mag-spearhead doon... Lalo pa't mga Biblical passages ang mga inilalagay ko... Maybe may K talaga ako...

Pero I need a help from the experts kaya yung mga experts diyan na kakilala ko maghanda na kayo dahil talagang mangungulit ako sa inyo para magpa-guide ako... Kaya huwag kayong mabibigla dahil I'll start consulting already...

I have three months to prepare... I am a future English teacher at syempre hindi ko naman alam mag-motivate kapag mga religious activities ang gagawin... hehehehehe...

(all blogs that are published here is also published at my blogger account)

Sunday, June 29, 2008

Isang Kababalaghan sa SC office: May nagparamdam...

Kahapon, kagaya ng aming napagkasunduan na mga SC officers para ready ang lahat at mas maganda ang aming pagseserbisyo sa mga kapwa mag-aaral, kami ay nag-reconstruct sa Student Center at gumawa ng mga plano para sa mga darating na activities ng school.

Napilitan kaming mag-exceed ng isang oras sa target time namin na 5:00 PM. Imagine 6:00 ng gabi, Sunday, umuulan pa, nasa school kami pero this is in the name of service although parang its unfair kasi that was God's day pero syempre naman ako Misa muna bago ang iba. Kaya nag-extend nga kami hanggang 6:00.

Nakikinig kami ng radyo at katatapos lang ng Angelus... 6 na kasi at expected na kahit may tao pa sa SC office eh kailangan na talagang umuwi... Biglang may pito kaming narinig, akala namin ito ay mula sa mga guards usually ganun kasi ginagawa nila. Kaya nagligpit na kami... Nagpapatuloy ang mga pito... Kaya kinabahan na ang iba sa amin kasi iba na rin ang pinanggagalingan ng pito... Nakababa na ako noon kaya wala nang problema sa akin... Ang SC office ay nasa dulong left ng building at ang pito na naririnig nila ay galing sa Social Hall na nasa dulong right naman... Tumingin ang isang kasamahan namin doon sa Social Hall pero wala namang guard... Kaya kinabahan na sila at kumaripas ng takbo pababa... Nang nasa baba na kami, nagtataka na talaga sila kung sino ang pumipito eh wala namang tao.

Nagtanong kami sa mga guards kung may pumito o nagronda na bang kasama nila. Ang sagot nila wala. Kinabahan na talaga kami. Kami nga ba ay minulto kahapon. Kung guni-guni lang bakit narinig naming lahat?

Sa loob ng College ay may girls dormitory, marami kaming nakasalubong na mga nag-dodorm sa school at naikwento namin ang mga pangyayari. Hayan na lumbas na ang mga iba't ibang kwento nila kapag gabi sa school. Minsan raw naka-ilaw ang buong SC office at kapag 10:00 lang yun, eh sa katunayan walang ilaw na nakabukas sa buong building kapag gabi. Isang pang pagkakataon raw may nakikita silang nakaputi sa garage area ng school. Kung minsan mismong sa dorm may umiiyak kapag gabing bata.

Nakakatakot talaga sa school na to, kasi one time raw may nagparamdam talaga sa mga estudyante habang nag-kaklase sila. Kaya yun nagpabendisyon pa raw sila sa pari para lang mawala yung nagparamdam. Okay, let see its history.

Ang College ay ang pinakamatandang College sa MMSU, since 1918. Ito ang isa sa pinakaunang kolehiyo ng mga teachers sa buong Pilipinas. Ang current main building ng College ay ipinatayo pa back 1946. Pero kung titingnan mo yung nakasulat sa building, ang katotohanan ay reconstruction lang pala pagkatpos ng war. Kaya ba may mga multo dahil sa inukupa rin ng mga Hapon ang school... Baka maraming namtay dito...

Well, God is good. He will protect us. But natatakot na akong mag-second sem dahil kaming mga lower years lang ang matitira sa SC wala na ang mga higher, practice teaching na kasi nila nun... Wala sanang magparamdam...

Nag-iisang Christian Org dinisolve sa school...

Disappointed akong talaga sa school dahil sa pangyayaring ito. Last week kasi nag-reorganize ang lahat ng mga existing organizations, a total of 26 clubs and organizations sa College only. As in 26 organizations na halos kailangang mag-member sa bawat isa lalo na ang mga major orgs. Sa 26 na ito, ang karamihan ay nangailangan ng secret balloting kaya full load ang lahat ng mga SC officers kasama na ako...

Pero I am very disappointed to know that at no reason at all the only Christian org was dissolved. Imagine wala nang kahit anong Christian org, meron pero org ng mga Iglesiya alangan naman na sumali ako no... Solid kayo to... May YMCA pero pang-competitions lang ang ginagawa hindi yung talagang nag-rerespond sa mga students... as in hindi naman religious or spiritual ang mga ginagawa nila...

The org is named CABSAT... may meaning pero di ko mamemrorize... basta Christian yung first word... CABSAT ang tawag sa brother sa Iluko (take note: iluko is the language, ilokano is the people)... tamang-tama para sa isang Christian org... I will admit na ang org na ito hindi masyadong naging inactive ang group at halos sa huling sem lang sila nag participate nung last school year... kaya I've wanted to be the President sa org na ito dahil I want this to be very functional sa pag-respond sa spiritual needs nang mga students... Pero that dream is now gone kasi wala nang CABSAT... hopefully mabubuo rin ito next year kung may adviser na mag-pupush...

Kaya for the meantime, I have to use my initiative being a Catholic... Kahit kung titignan parang abuse of authority sa part ko bilang isang SC officer pero I need to use it para magkaroon pa rin ng presence ang Christian ideals sa school... I know na mahirap palitan ang isang buong org kung ang ipapalit ay iisang tao lamang... I admit na wala talagang masyadong susuporta sa gagawin kong ito but I am very thankful na pumayag ang SC President namin para magkaroon ako ng sariling corner sa SC bulletin board namin... As in entrusted to me ang corner na ito kasi alam rin naman nila na ito talagang linya ko... Kaya yun tatawagin ko ang corner na ito bilang "WORD MADE FLESH" corner... Kung saan maglalagay ako ng mga verses sa bible both from the Old and New Testament tapos syempre holy words from the Saints, pwede ba namang hindi... But kailangan pa ring maging neutral ng kaunti kasi hindi lahat ay Catholic sa school...

Dahil ako'y may authority na pinanghahawakan gusto kong gamitin ito in the sense na nagagawa ko pa rin ang expected work sa akin na na-iin part ko rin ang aking pagiging Catholic... Kung walang mag-iinitiative walang mangyayari... Hindi ko gustong maging atheist school ang College namin...

Kaya ito, with the permission of the SC President I am now preparing the Resolution for this activity... And maybe next year, I am hoping, that CABSAT will return again...

Saturday, June 28, 2008

2nd Nosebleed for the month of June!

Napakasamang pag-uumpisa ng Pauline Year dahil for the second time nag-nosebleed na naman ako. Bakit ano nga bang nangyayari sa akin? Ang napakasama pa sa pag-nonosebleed ko ngayon, nangyari ito sa loob ng Simbhan mismo.

Hindi pa tapos pero naramdaman ko na ang isang kakaibang feeling sa ilong ko kaya kinapa ko, yun dugo na pala ang nasa ilong ko. Nakatingala na ako sa loob ng Simbahan para huwag lang tumulo, eh malapit na ring matapos ang Misa blessing na lamang kaya hinintay ko na lang kasi baka sabihin ng mga tao nagmamadali akong lumabas nakakahiya. Pero kahit malapit nang tumulo ang dugo nagpunta muna ako sa Blessed Sacrament para magpaalam kay Jesus na hindi muna ako makakapag-vigil ngayon. Hayon, nagmadali na akong umuwi kaya nagulat pati yung mga taong nasa refectory doon, kasi ako dumadaan pagkatapos ng Misa para makamusta na rin si Fr. Albano.

May sasabihin pa sana ako kay Father pero di ko na itinuloy dahil tutulo na siya. Kaya yun nagmadali talaga akong umuwi buti na lang mabait yung sinakyan kong tricycle at buong pagmamadali niya akong inhatid dito sa bahay kung saan wala akong kasama.

Buti na lang huminto na siya kaagad kundi talagang nenerbiyosin na ako.

Ipagdasal po ninyo ako kayong makakabasa nito.

All ye angels and saints, pray for me!

Monday, June 23, 2008

Nag-nose bleed na naman ako...

Ito ang pinakakinatatakutan ko ang mag-nose bleed ako kasi naiisip ko kapag nag-nonose bleed feeling ko may karamdaman akong grabe na at may taning na ang buhay ko... hehehehe...

Pero I am very serious, talagang natatakot ako kapag nag-nose bleed na ako... May time na nga halos every month nag-nose bleed ako that was back in the fourth year... Talagang tumulo na lang ang dugo mula sa ilong ko at hindi ko na napigilan... One time nga umabot siya ng higit sa 15 minutes kaya talagang natatakot na ako sa sarili ko kapag ganitong situation... Kaya kapag nararamdaman ko na na parang may tutulo sa aking ilong kahit sipon lang pala agad ko ng kinakapa para alam ko kung nose bleed na iyon... One time kasi nag-nerbiyos yung Professor ko ng bigla na lang na nag-nose bleed ako sa class niya...

Hehehehe... well, siguro dahil sa mainit na panahon ito... think positive, wala lang 'to... pero sa totoo lang ako lang sa buong pamilya ang nag-nonose bleed ng pinakamadalas... Buti na lang at nandito pa lang ako sa bahay at di sa school di ko kasi gustong pumunta na naman sa clinic... Hehehehe...

Sunday, June 22, 2008

Goodbye Gov...

Ngayon after a very long time of waiting for my election, may position na ako sa SC. I am the Official Business Manager of the SC of the Mariano Marcos State University-College of Teacher Education with responsibilities equal to the President and the other officials... Ganyan kasi ang SC sa amin kapag tapos na ang election wala nang kwenta ang iyong position kasi kayong lahat ay flat rate na or magkakapareho lang ng gawain naghahati-hati lang kayo... Walang President, walang Business Manager, sa pangalan lang pero sa work hindi...

Ang Bagyong Si Frank... Bow...

Grabe... habang ang Kamaynilaan, Iloilo at iba pang lugar ay binabayo ng mga pag-uulan dulot ni Bagyong Frank nandito ang Laoag binabayo naman ng matinding init ng panahon...

Kahapon, syempre hindi ko pa inaakalang daraan ang bagyo kaya nasa city ako, punta Church then punta sa School para sa SC preparations... Pagsapit ng hapon, yan na narinig na namin ang unang utot ni Governor ay este ang siren pala (parang palaging red alaert ang Laoag dahil sa siren na ito) na mula sa Provincial Capitol... Syempre mapapatigil ka kasi usually 12 noon lang ang siren eh lampas 12 na meaning signal na yan ng bagyo... Okay signal no. 1 tirik pa rin ang araw ni walang hangin kang mararamdaman, napakainit... Then maghapon na ang nakalipas wala pa ring hanging dumaraan kahit ulan wala... Pagsapit ng 5:00 yan na may signal na ulit na wala sa oras (6:00 ang time ng siren) signal no. 2 na pero wala pa ring ulan at hangin...

Abah, ano to iniiwasan ang Laoag... Ayaw umulan...Buong gabing napakainit walang ulan... Kagabi sinabi ng DepEd na suspended ang klase sa lahat ng antas kasama ang Ilocos Norte... pero kaninang umaga hindi na ako makapakali kasi mag-ispeech ako sa school... Kaya text dito text diyan na ako... Pero walang sumasagot, eh signal no. 1 na lang pala kaya meaning may klase na ang College... eh di syempre being a good student punta ako sa school... Nagpatuloy ang SC rally at ako nga ay officially elected na kaya busy na ulit ang life ko... Abah tirik pa rin ang araw kahit sinabi ng PAG-ASA na sa hapon ng Lunes halos nasa tabi lang ng Laoag ang Bagyo... Its a miracle wala ni ulan kaninang umaga hanggang kaninang hapon... Umambon ng napakaikling time then ngayon malalakas na hangin na ang nararamdaman pero wala pa ring ulan... Parang walang bagyo...

Kaya joke nila kaninang umaga sa school, hindi signal no. 2 ang Laoag dahil sa Bagyo kundi signal no. 2 sa kainitan ng panahon... Mabuti rin naman yun na hindi talagang naapektuhan ng Bagyo ang Laoag kasi start na ng planting ng rice dito sa amin pero sana naman umulan kahit kunti para na-refresh ang mainit na climate...

From the Governor to the Student Council: The Journey to the SC...

Ilang beses ko na rin nasabing tatakbo nga ako sa Student Council (SC) due to the request of Ate Karen dahil nakita niya ang aking dedication sa aking tungkulin bilang Freshmen Class Organization Governor the past School Year... Mababa man ang aking dating rango sa buong College kasi I am ruling only about 300 Freshies that time, compared sa other organizations na napakarami ng mga members, naipakita ko raw ang aking worth being a leader of this organization dahil I have manage to lead them sa Intramurals, sa lahat ng mga events lalo na noong Christmas and most especially I have managed to submit the Accomplishment Report and Financial Statement on time (Actually I was only to help my treasurer being the highest in the org pero I became at the same time Treasurer)...

Kaya naman kahit alam kung hindi ako naging perpekto sa aking pamamalakad dahil I have to do still my personal things I am always willing pa rin na maging Governor ulit kahit mahirap... For a year I have represented 300 persons in General Assemblies, sa mga projects ng SC na kahit mag-out reach pa sa mga pinakaliblib na lugar ng ILocos Norte walang angal kasi enjoy naman... Kaya hanggang ngayon hindi matanggal ng karamihan ang tawag nila sa akin na Gov... Ipinupush nga nila na mag-Governor ulit ako pero sabi ko I need to try another...

Dumating nga ang SC sa buhay ko... Inilagay nila ako sa position bilang Business Manager... Mababa ang posisyon na ito pero ito ay isang key position dahil kung wala ito walang SC... I very proud pa rin na kasali ako dito... Ang akala ko may makakalaban kami pero sa kasamaang-palad nag-iisa ang partido ngayong taon... Kaya kaninang umaga natuloy ang SC rally for presentation lang ng bagong officers... Pero still there is voting for formality raw and according to the Constitution and By-laws ng SC you need 50% confidence vote kapag iisa ang party...

Well, tapos na ang balloting at kahit hindi na bilangin mananalo talaga kaming lahat kasi no other choice naman...

And so this is the start of the real service to my fellow CTEians... If then I only hold 300 students now I have the authority over 1,200 students of the College... I have now the power to say something... I have now the voice over school politics... I admit that somehow I really wanted to join the SC since the first day of my college life because I really wanted to be a part of the wonderful things that this organization is doing (The College SC is the best SC in the entire University that it also takes advantage than the Central Student Council because of its tremendous services to the students and the community)...

At ngayon, kung noon marami akong time para sa mga walang kwentang bagay ngayon aagawin na ng SC ang time na iyon... And actually majority of the officers agree that we will work on Sundays... imagine Sunday, I need kasi to consider pa rin that I have also my responsibilities kahit ayoko sana sa Sunday... Kaya it is a busy Sunday for me siguro maiintindihan naman ni God kung working day ang Sunday ko... Tsaka una pa rin naman Siya kasi 7:30-9:30 pa rin ako sa Simbahan, first part MASS then diretso sa Blessed Sacrament for 1 hour...

Hay buhay, I need na talaga to allocate my time in my study, service to the College, and also my spiritual life, kasama na diyan ang CCS at ang aking volunatary work sa Anluwage... pero still pinakamalaking time ang spiritual... hehehehe...

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket