WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Wednesday, May 28, 2008

Mga Kabaliwan Kapag Nasa Bahay Lang Ako!

Gaya ng pagkakaalam ng ilang tao ako po'y nasa bahay lamang tuwing Martes, Huwebes at Sabado ngunit ngayong araw na ito, Huwebes, nag-move ang mga schedules dahil sa mga di inaasahang pangyayari kaya wala ako ngayon sa bahay kundi naririto ako at abala sa pag-cocomputer...

Sa mga araw na nabaggit usually nagsisimula ang araw ko six ng umaga o mas maaga ng kunti... Pagkatapos mag-agahan deretso ako sa labahan... Hindi ako nahihiya na sabihin ito ngunit ako po ay isang dakilang human washing machine, labandero na lang, sa mga araw na nabanggit... Opo lahat ng mga damit na nagamit ako ang naglalaba... May washing machine naman pero once in a blue moon kung gamitin ko, tuwing di ko trip mag-kamay sa paglalaba, para makatipid sa kuryente at makabawas sa global warming (nakaaapekto kasi sa greenhouse gas release ang paggamit ng dryer)... At saka mas malinis ang handwash kaysa machine wash... Mabigat siyang gawain as in lalo na kapag ang kamay mo ay marami nang mga sugat... Palagi kasing nahihiwa o kaya'y napapaso ang kamay ko... Mabigat siya kasi nagkakanda-kuba ako sa pagyuko...

Pero kailangan gawin para the next day payagan akong lumabas ng bahay...

Pagkatapos ng mga paglalaba freet time na ako... Wala nang gawain... Kaya kung minsan nagbabasa, natutulog, etc. lang ang ginagawa ko... hehehehe...

Pero noong nakaraang Martes dahil wala na talaga akong magawa nakaisip ako ng isang gawain...

Saktong may nakatabing maliit na cut ng kahoy (mula sa branch ng puno ng Sampaloc) na pagmamay-ari ng kapatid ko... Drafting student kasi siya at syempre mga letterings ang ginagawa, eh isang project nila ang maglettering sa isang cut ng kahoy kaya may isang naitabing di niya nagamit... Syempre ako may pagka-artistic din kung minsan dahil ako rin ay drafting student back in high school (pareho kasi kami ng kapatid kung nasa vocational high school ng kapatid ko)... At noong high school palagi akong naka-tambay minsan sa handycrafts class nanood sa mga gawain ng mga babaeng classmates ko... Kaya nagkaroon din ako ng mga idea kung paano mapapkinabangan ang mga bagay-bagay sa paligid...

Back to our story... Yun nga kinuha ko yung kahoy... Nag-isip ng mga design na maaaring i-lettering... Eh naalala ko part na pala ako ng Confraternity of Catholic Saints... At kailan lang inaprubahan ang aking request para sa isang religious name... Kaya iyon ang mga naging theme ng aking design ko...

Drafting student man ako, inaamin ko na hindi talaga ako ganun kagaling sa pagleletering at pag-drawing kaya dahil mas magaling ang nakababata kung kapatid na babae nagpatulong ako...

Ito ang kinalabasan... hehehe matuwa na dyan ang mga members ng CCS pero mahirap kasing mag-drawing sa kahoy... Pasensya na tao lang... I did my best.... sabay kanta...

Ito pa bilang memorabilla ng aking pagiging part ng CCS... Ang aking religious name, sorry po blured ito kasi wala dito yung software ko upang mag-edit ng pics, na PETER FRANCIS MARIA OF THE HOLY ROSARY AND OF THE HOLY CROSS ang nasa other side ng kahoy...

Pasensya na blured talaga... Ako gumawa ng pangit na design... hehehe... Basta yung Peter Francis Maria of the Holy Rosary ay kulay blue kasi kulay yan ni Mama Mary... Tapos yung and of the Holy Cross ay ginawa kung parang cross at napapalibutan pa rin ng tweleve stars katulad kay Mama Mary...

Mas maganda pong tignan yung tunay kaysa yang nasa picture...

Ganito ang aking mga kabaliwan kapag walang magawa sa bahay gumagawa ng mga bagay-bagay mula sa mga patapong bagay... ang daming bagay sa sentence...

Be creative... yan ang isang titser, creative palagi... Para kahit naka-manila paper technology lang siya magagawan pa rin niya ng paraan... hehehehe...

Tuesday, May 20, 2008

Ninong Mark?!? Huhuhuhuhu...

Akala hanggang sa isang maagang uncle lang ako... 12 years old pa lang kasi ako naging uncle na ako ng pinakaunang anak ng pinsan ko... Pero ngayon magiging ninong na ako... Ano ba 17 years old turning 18 pa lang kaya ako... huhuhuhuhuhuhu....

Mabigat kaya ang responsibilidad ng isang ninong... Syempre kapag naging ninong ka that means magiging second father ka ng inaanak mo... And therefore, kailangan mong mag-posses ng isang father-like values kasi nga may inaanak ka na... Syempre di ba ang ninong siya ang isa sa mag-gui-guide sa kanyang inaanak para maging isang mabuting anak at syempre mabuting Kristiyano...

Ayoko man pero tinatawag ako ni God eh... para maging ninong... Isang hamon para sa akin... Mabigat man pero kakayanin ko... I will do my best to do this responsibility... Syempre ayaw ko namang matawag na ninong lamang sa papel pero gusto kong maging isang tunay na ninong...

God bless me then!

Saturday, May 10, 2008

Pentecost Sunday: Isang Extraordinary Mothers' Day sa Lahat!

Isa ngang extraordinary day ngayong Sunday... Una, dahil ngayon ay ang Mothers' Day... Ang araw ng ating mga pinakamamahal na mga ina... Mga tanging ina sa ating buhay... Minsan lang sa isang taon ito kaya pasalamatan natin sila dahil sa katapatan ng pag-ibig at init ng pagmamahal nila sa atin... HAPPY MOTHERS' DAY ang aking pagbati sa lahat ng mga ina...

Kung ngayon ay Mothers' Day... ngayon din ay kaarawan ng isa sa ating mga Ina... Ngayon ang araw ng Pentecostes... ang kaarawan ng ating Inang Simbahan... Kaya dapat tayong magdiwang sapagkat sa araw na ito naitatag ang ating Simbahan... naitatag tayong lahat... Hindi nga ba't tayo ang Simbahan, ang Mystical Body of Christ? Kaya ang pagbati ko ay HAPPY BIRTHDAY SA ATING LAHAT!

Ngunit hindi lang yan dahil Mothers' day nga ngayon kailangan din nating pasalamatan ang ilang pang mga natatanging ina sa ating buhay... Pasalamatan natin si MOTHER EARTH... dahil kahit marami tayong ginagawang mga pagsira sa kanya inaaruga pa rin niya tayo at binibigyan ng mga kinakailangan natin mula sa kanya...

At higit sa lahat, ang pinakatatanging Ina nating lahat... ANGATING BLESSED MOTHER... Pasalamatan natin siya sapagkat si MAMA MARY ang naging daan upang maibigay sa atin ng Diyos ang MANLILIGTAS, ang BUHAY, ang ating PANGINOONG HESUKRISTO!

The month of May is the month of our Blessed Mother...

HAPPY MOTHERS' DAY sa mga Ina!

HAPPY BIRTHDAY sa ating lahat at nawa'y ang Espiritu Santo ay sumaating lahat!

HAPPY MOTHERS' DAY aming nag-iisang Mama Mary!

Sunday, May 4, 2008

Goodbye na ba ito?

Kahapon for the first time sa tatlong taon kong nakikisimba tuwing 7:30 Mass sa Cathedral iba ang paring nag-Misa (except kapag ang Bishop ang nag-Misa). Nabigla lang ako na wala siya kahapon kasi nasanay na akong siya ang nag-mimisa tuwing 7:30 (standard time ko hindi maaaring earlier or later, except kapag may gagawin talaga sa time na ito).

Sadly last two weeks na noong huli niyang Misa na nandoon ako. Kasi noong Sunday last week hindi ako naka-attend ng Mass wala kasi ako sa vicinity ng Laoag. I'm on a vacation. hehehehe... Pero parang yun na ang huling pagkakataon na nakita ko siya sa Cathedral.

By the way ang priest na sinasabi ko ay ang favotite priest ko si Fr. Rodel Arrellano, SVD, Father President ng Divine Word College of Laoag (DWCL). Kung nabasa man ninyo sa mga unang post ko (kung may reader man ako, hehehehehe...) siya lang naman yung priest na palaging ginugulo ng baliw na mama sa Cathedral every Sunday kaya palagi siyang upset sa Misa for three years. Sa last na na-attend kong Mass niya nandoon na naman si mamang baliw. Gaya ng dati nanggulo na naman siya sa Misa. Hindi naman matindi noong Sunday na iyon kasi pumunta lang namam siya sa harap noong Homily at pagkatapos tinapik si Father. Syempre si Father naman ay talagang napupuno na rin sa kanya kaya kahit nasa kalagitnaan siya ng Homily eh tinapos na lang niya... Pero ipinagpatuloy na lang niya sa end ng Mass...

Last week naibalita na sa local radio station ang about sa mga panggugulo ni mamang baliw dahil nasaksihan mismo ito ng isang journalist. At ayon naman daw sa mga developments eh nakipagugnayan na ang Parish Administrator namin, si Msgr. Polly Albano sa Mayor at nangako raw naman ang Mayor na paiimbestigahan na ang baliw na mama.

Sayang nga lamang at hindi ako nakapunta noong last week sa Mass niya, hindi ko nasaksihan kung ano ang mga nangyari.

Basta kahapon wala siya kaya nanibago ako. Ang pumalit muna sa kanya ay isa ring SVD pero iba kasi yung style niya (mapili ako no). Pagkatapos sa Misa sinabi niyang wala ngayon ang ibang mga SVD Fathers at siya lamang ang naiwan sa Laoag. Di ko lang narinig ang nangyari kay Fr. Arrellano kasi di maganda yung speakers kahapon mahina pero ang malinaw na narinig ko ay may mga bagong SVD Fathers na ma-dedestino na sa Laoag at isa dito ang dating President ng DWCL.

Therefore, nadestino na rin sa ibang lugar si Fr. Arrellano. Goodbye na ba ito? Wala na ba ang favorite priest ko? Ganun talaga ang buhay hindi naman maaaring palaging sa Laoag si Father. Mas mabuti na rin yun na nadestino na rin sa ibang lugar si Father para hindi na siya guluhin ni mamang baliw.

Goodbye Father kung gayun man! Pero magkikita pa rin tayo someday!

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket