WELCOME TO MY SITE!

Text Welcome Words

A WARM WELCOME TO MY BLOG SITE! ENJOY AND TAKE TIME TO READ MY POSTS!

Monday, January 5, 2009

Hypokalemia Periodic Paralysis: Ang Pagkaparalisa Pagkatapos ng Misa

It was on the afternoon ng January 1, 2009. Di kasi ako nakaattend ng Mass for the New Year kasi umuwi kami sa lola ko para dun magcelebrate eh may kalayuan at wala namang malapit na simbahan. At isa pa di ako pinayagan ng mga magulang ko dahil syempre baka maputukan pa ako.

Umaga palang ng New Year’s Eve eh nararamdaman ko na ang panankit ng mga muscles ko sa aking mga hita. Pero dahil magbabagong taon I decided na ako na lang ang maglalaba lahat ng mga maruming damit. Syempre kasi yan lang naman ang talagang ginagawa ko palagi at ako talaga nakatoka that time. Nagbagong taon na at nagsimula na rin manakit ng kunti ang aking mga braso. Pero okay lang yan sabi ko kasi nanakit pag minsan ang mga braso at hita ko pag napapagod ako.

Kinaumagahan, talagang nanakit na sila gaya ng mga nararanasan ko kapag talagang pagod na pagod ako pero I can move pa naman. I can walk basta kayak o pang gawin ang lahat. Kaya I decided to go to Mass sa Carmelite Monastery kasi magmimisa doon ang Bishop namin, Most Rev. Sergio L. Utleg. It’s the Solemnity of the Mother of God at saktong si Bishop pa ang magmamass. At isa pa mas malapit kasi ako sa Carmelite Monastery at dalawin na rin mga madre.

Then yun nagpahatid ako sa mga magulang ko sa bayan. I decided na maglakad na lang kasi malapit lang naman talaga. Then sa isang crossing I tried to run to cross the street kasi syempre may mga sasakyan. At nung tumakbo na ako na-out balance ako mismo sa gitna ng daan. Then I tried to get up pero wala akong lakas na tumayo. Kaya yun nabahala na mga nakakita at nagpatulong ako sa isang driver. Sakto naman na dumaraan yung cousin ko kaya naman tinulungan niya ako. Inihatid niya ako sa Carmel dala niya kasi sasakyan niya. Then nung pababa na ulit ako sa sasakyan na-out balance ulit ako at di talaga ako makatayo kasi nanghihina na mga hita ko nasugatan at napunit pa pantaloon ko. Kaya tinulungan ulit ako ng cousin ko. Sinabi niya na ihahatid na lang daw ako pero ako naman di ko gusting umuwi na dahil baka wala na ang mga parents ko dun. Kaya nagpatuloy lang ako sa pagpunta sa Carmel.

Nagumpisa na ang Mass at pinapansin ko ang mga binti ko yun kapag ifold mo eh nanginginig mga muscles at parang matutumba ka. Kaya sa duration ng Mass hindi ako lumuhod. Umupo na lang ako at nakayuko ng kunti ako. Nagdadalawang isip na ako nun kung pupunta pa ako sa communion. Yun sinubukan ko pa rin. At sa awa ng Diyos nakalakad ako at nakabalik pa sa upuan. Natapos na ang Mass at nagmano na ako sa Bishop at sa mga Carmelite Sisters. Uuwi na sana ako pero nung nasa pagitan na ako ng gate ng Carmel at ng Bishop’s Residence, magkapitbahay kasi sila, hayun na-out balance na naman ako. At hayun na hindi na talaga ako makatayo pa on my own. Nakita ako ng mga ale at tinanong kung napano ako eh yun sinabi ko na hindi ako makatayo. Ang mahirap dito masakit na rin mga braso ko kaya di ko kayang tulungan ang mga paa ko para at least eh makaupo ako dun sa gilid. Sinubukan ko talaga na makaupo para di mapansin na na-out balance ako.

May pangyayari with the Bishop dito but I decided to keep it na lang. Basta ang alam ko eh mabait siya.

Then dumidilim na that time at magsasara na pati ang Carmelite Monastery. Kahit gustuhin ko mang magtext sana sa mga magulang ko saktong na COS na ako kaya di ako makapagtext. Sinabi ko sa sarili ko paano na kaya ako. Then nakita ako ni Sr. Marla, OCD na nakaupo dun. Magkakilala kasi kami kasi isa siya sa mga Portera. At palagi ko siyang nakakausap. Buti na lang at siya ang magsasara that time ng Monasteryo. Then yun humingi ako ng tulong kasi di na ako talaga makatayo. Tumawag siya ng tricycle driver para ihatid na sana ako sa bahay pero we decided na magstay na lang ako sa Carmel kasi wala naman tao sa bahay at nasa lola ko pa sila. Dun nagpatulong akong makatayo at naglakad ako patungo dun sa may upuan sa labas at nang ibigay ko na sana yung bayad pero natumba na lang ako. Then nagpatulong ako ulit at umupo na lang ako sa may upuan at hinintay si Sr. Marla kasi magsasara na siya ng Chapel. Then yun pinatawag na niya ako sa telepono. Tumawag ako sa bahay ng lola ko. At pinagmadali ako dahil di ako makatayo.

Hayun nag-usap muna kami ni Sr. Marla, nakita rin ako ng mga kasamahan niyang mga madre, Sr. Luz, OCD at Sr. Pheobe, OCD. At yun tinanong nila kung anong nangyari.

Dumating na mga magulang ko at tumuloy kami sa provincial hospital dahil yun ang pinakamalapit pero nagalit ang aking mga magulang dahil sa serbisyo nila. Matagal na ako dun pero di pa ako inaasikaso. Di man lang kinuha ang pangalan ko pero tinurukan na ako ng gamot. Kaya we decided to go home para pumunta na lang kami sa doctor kinaumagahan. Hayun from January 2 – 5 nakakulong ako sa hospital. Maraming test ang ginawa at ang diagnosis:

HYPOKALEMIA PERIODIC PARALYSIS

Or Lack of Potassium in the body na nagging dahilan ng panghihina ng aking mga muscles at nagparalyze sa aking mga paa. Sabi nila mapalad pa ako dahil hindi pa yun yung pinakagrabe at naagapan pa. Kasi kung hindi naagapan baka maparalyze buong katawan ko.

Kaya heto ako ngayon nagiging unggoy na ata sa kakakain ng saging. Basta rich in potassium ang aking dapat mga kainin. Less carbohydrates na iwasan pa raw mga pasta at ito nakakalungkot pero hindi na nila nirerecommend pa ang softdrinks sa akin dapat raw kung maaari eh Gatorade na lang daw ang maging tubig ko. Hay nakuh nakakalungkot naman ang buhay.

Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagdasal para sa akin.

Nagpapasalamat ako sa mga Discalced Carmelites na siyang tumulong sa akin.

Nagpapasalamat din ako sa mga Fraters at Scholars ng Confraternity of Catholic Saints lalo na kay Fra. Dave, ccs at Fra. Lloyd, ccs.

Nagpapasalamat din ako kay Rickxander, na walang sawa sa pakikinig sa akin ng nasa ospital ako through text at sa aking Kuya Angelo, aspirant sa OFMCap.

At pinasasalamatan ko rin ang aking kuya-tatay Bro. Jeamboy, OFMCap. Salamat sa pagdarasal ninyo.

MARAMING SALAMAT PO AT PAGPALAIN KAYO NG DIYOS!

Note: Next time na ang mga realizations ko.

2 comments:

Anonymous said...

Hello po kuya, nice blog you have here. recommend ko lang po sana maglagay kayo ng CBOX sa blog nio para makapagleave agad kami ng comment sa page nio po.. I'm grabbing the PP JPII intercession prayer, I'm one of his avid devotees. Santo Subito!

Unknown said...

Halos Mag kapareho tayo nang
Story May Diagnosis din kasi ako
nang (HPP) o Hypokalemic periodic paralysis
pero bat sayo HYPOKALEMIA.? relate.

ADVERTISMENTS AND PROMOTIONS

INTERCESSION TO SERVANT OF GOD, JOHN PAUL II

Photobucket